“JUICE colored, ang guwapo niya!”
Iniharap ni Imee kay Christine ang screen ng hawak nitong ipad. Tumambad sa kanya ang i********: account ni Adam Saavedra.
Adam Zeke Saavedra. Iyon ang buong pangalan ng lalaki.
Pagkatapos ng parada, dumiretso sila ni Imee sa coffee shop sa labas ng campus. Pagdating doon ay agad nitong inilabas ang ipad at sinimulang hanapin sa social media ang lalaki.
Napatitig siya sa display picture ni Adam sa i********: nito. Tumambad sa kanya ang pamilyar na kulay tsokolateng mga mata ng lalaki. It was a face shot with the Christ the Redeemer in Rio as the background.
Para sa kanya, understatement ang salitang guwapo para ilarawan ang mukha ng lalaki. He was... close to perfection.
Inisa-isa niya ang perpektong anggulo ng mukha nito. Malalim at nang-aakit na mga mata, makakapal na kilay, matangos na ilong, perpektong tabas ng panga, mapupulang pares ng labi na tila kaysarap halikan…
“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on sa katawan niya! Grabe lang!” Pumalakpak ito. “Perfect subject siya sa nude painting mo!”
“Yeah. He is,” sang-ayon niya sa kaibigan. Simula nang umalis sila sa Freedom Park, wala nang ibang tumatakbo sa isip niya kundi si Adam.
Matapos niyang masilayan ang perpektong katawan ng binata, wala na siyang ibang gustong ipinta sa canvas niya kundi ang lalaki. His body was a tourist attraction. And she wanted to put that attraction in her canvas.
It was like her hands were itching to paint him. Iyon ang unang beses na nagkaroon siya ng ganoon kasidhing interes na ipinta ang isang tao.
“At aminin mo, kinilig ka ng bongga sa ginawa niya. May rosas na, may kindat pa!” Nanunukso ang mga mata nito. “Hindi kaya type ka no'n?”
Isang bahagi niya ang tila kiniliti sa sinabi ni Imee. Subalit mabilis siyang umiling. “Binigyan lang ng bulaklak, type agad?”
“Eh, anong malay mo, nabighani nga siya ng beauty mo?”
“Sus, tumigil ka nga dyan, Imee.” Kinuha niya rito ang ipad at tiningnan ang nakabalandrang larawan ni Adam.
“Shems! ‘Freaking rich!” komento ni Imee nang makita nila ang isang picture ni Adam na ang background ay ang Eiffel Tower sa France. Mayroon din itong larawan na ang background ang ay Central Park sa New York.
He was wearing a matching black trenchcoat and a pair of boots, a red scarf and a black rimmed glasses on that particular photo.
Natigilan siya ng makita ang sumunod na larawan ng lalaki. This time, he was only wearing a black trunks and a swimming cap in the picture.
Napalunok siya nang dumako ang paningin sa katawan nito.
“First place.” Basa ni Imee sa caption na nakakabit sa larawan.
Mula sa abs ng lalaki ay ibinaling niya ang tingin sa gold medal na nakasabit sa leeg nito.
“Oh, member pala siya ng swimming team.”
“Tama na nga iyan,” saway niya sa kaibigan. “Para naman tayong stalker nito, Imee.”
Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Sus, kunwari pa ito. Gusto mo rin naman!”
Oo nga. Gusto mo rin, eh!
Hindi nila namalayang inabot na sila ng isang oras sa katitingin sa i********: ng lalaki. Bukod sa picture nito na may nakasukbit na medalya, puro mga lugar na napuntahan nito at mga sasakyan ang mga larawang nakapost sa account nito.
“Hmm, mukhang walang girlfriend…”
“Talaga?”
“Interesado ka?” nakaangat ang kilay na bumaling sa kanya si Imee. “Crush mo si Adam, ano?”
“Ha? H-hindi, ah!”
“Naku! Sa ‘kin ka pa ba magdedeny—Oh my, speaking of the handsome Adonis na may malaking…”
Bumaling siya sa entrance ng coffee shop. Tumambad sa kanya si Adam Saavedra.
Unlike earlier, the guy was now fully clothed. He was dressed with a pair of top sider and dark pants. Puting tee shirt ang pang-itaas nito na may nakasulat na, Swimmers are the best lovers.
Napalunok siya habang pinagmamasdan ito. May suot mang damit o wala, wala pa ring pagbabago ang epekto nito sa kanya.
He was way more handsome in person… wika niya sa sarili habang nakatingin sa mukha nito.
Sinundan niya ito ng tingin habang papunta ito sa counter.
“Chris, ito na ang chance mo!” Tinapik siya ni Imee sa balikat. “Lapitan mo na si Adam. Itanong mo kung puwede siyang maging subject ng painting mo.”
Umiling-iling siya. “Nakakahiya, Imee. Hindi naman niya ako kilala.”
“Eh, di magpakilala ka. Sabihin mo ikaw iyong binigyan niya ng rose kanina. For sure, natatandaan ka niya 'no.”
Humugot siya ng hininga at tumayo. Subalit hindi pa siya nakakahakbang ay muli na siyang umupo.
“Ano, lapitan mo na, Chris,” udyok sa kanya ng kaibigan.
Isang iling ang isinagot niya rito. “Nah… Hindi ko kaya.”
“Ba’t namumula ka?” Pinagmasdan nito ang mukha niya. “Naku, sinasabi ko na nga ba! Crush mo, eh.”
“Imee!”
“Naku, crush mo nga talaga, ano?”
“Oo na. Crush ko na...”
“COME on, Chris!” wika kay Chris kay Imee pagdating nila sa labas ng indoor pool ng eskuwelahan nila.
“Paano kung hindi siya pumayag, Imee?” She bit her lower lip.
“At least you tried,” anito. “At saka, ano ka ba? Think positive!”
Come on, Chris. Dito nakasalalay ang grade mo.
Humugot siya ng malalim na hiningabago nilapitan ang guwardang nagbabantay sa labas.
“Manong, may practice po ba ng swimming team?”
“Oo, meron. Kaso bawal magpapasok kapag may practice ang team. Hintayin niyo na lang ang tapos ng practice.”
Nakangusong ibinalik ni Imee ang tingin sa guwardiya. “Anong oras naman po ang tapos ng practice nila?”
“Alas singko.”
Napasulyap siya sa suot na relong pambisig. Alas tres lang ng hapon. Kung ganoon ay isang oras pa nila kailangang maghintay.
“Manong, ang tagal pa pala naming maghihintay,” ani Imee. “Payagan niyo na kaming pumasok. Sandali lang kami.” Sinulyapan siya ng kaibigan. “Itong kasama ko, girlfriend ito ng isa sa mga miyembro ng swimming team. Si Adam!”
Muntik nang malaglag ang panga niya sa sinabi ng kaibigan. Girlfriend? Ano ang pumasok sa isip ni Imee at sinabi nitong girlfriend siya ni Adam Saavedra?
Bumaling sa kanya ang guwardiya. “Ikaw ang girlfriend ni Adam?”
“A-ano—”
“Oo, Manong. Mukha ba kaming nagsisinungaling?” ani Imee. “Nag-away nga sila ni Adam kanina. Kaya gusto niyang makausap si Adam para magkabati sila. Manong, hindi makakapagpractice ng maayos si Adam sa loob kapag hindi sila nagkakaayos nitong girlfriend niya.”
“O siya, siya,” tila napipilitang sagot ng guwardiya. “Isa lang ang puwedeng pumasok sa inyo.”
“Come on, Christine,” anang kaibigan sa kanya.
Pinandilatan niya ang kaibigan, subalit isang ngisi lang ang isinagot nito sa kanya.
Wala na siyang nagawa nang itulak siya ni Imee papasok sa loob. Hawak niya ang kumakabog na dibdib habang naglalakad papasok sa loob.
Humugot siya ng malalim na hininga para subukang kalmahin ang nagwawalang sistema. Isipin pa lang niyang makakaharap niya si Adam Saavedra ay kinakabahan na siya. Isang bahagi niya ang nagsasabing huwag na niyang ituloy ang balak na pagkausap kay Adam. Subalit isang bahagi rin naman niya ang pumipigil na umalis sa lugar na iyon.
She badly wanted Adam Saavedra in her canvas. Kaya kahit matinding kaba ang nararamdaman niya ay pilit niyang pinalalakas ang loob.
Pagdating sa male swimming pool ay may naabutan siyang tatlong lalaking nakaupo sa lounger na tanging swimming trunks lang ang suot. Wala sa isa sa mga iyon si Adam.
“Miss.” Lumapit sa kanya ang isa sa tatlong lalaking nakaupo sa lounge. “May hinahanap ka?”
Tumikhim siya. “Si…Adam Saavedra. Nandito ba?”
“Ah… Iyon si Adam, oh.” Ngumiti ang lalaki at itinuro ang swimming pool. Isang lalaki ang pabalik-balik na lumalangoy doon. “Hintayin mo na lang siyang umahon. Maupo ka muna rito.” Itinuro nito ang lounge na mas malapit sa pool.
“Salamat.”
“Walang anuman, Miss.”
Pagtalikod ng lalaki ay ibinalik niya ang tingin sa pool. Natanawan niya ang pamilyar na tattoo sa likod ng lalaking pabalik-balik na lumalangoy sa olympic sized pool. It was him.
Pinanood niya ito. Mula sa tubig ay tanaw na tanaw niya ang malapad na likod at matipunong braso nito. Sa bawat paggalaw nito ay kitang-kita niya ang paggalaw ng mga muscles nito.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaupo sa lounge nang tuluyang umahon si Adam mula sa pool. Napalunok siya nang hagurin ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Itim na trunks lang ang tanging saplot sa basang katawan ni Adam. Malayang napagpipiyestahan ng mga mata niya ang matipunong katawan ng lalaki. Napalunok siya habang pinapasadahan ng tingin ang matipunong braso nito, paakyat sa malapad na balikat… pababa sa perpektong tabas ng dibdib.
Lalo pang naging kaakit-akit ang katawan nito dahil sa mga butil ng tubig na naglalakbay doon.
Gosh! Parang si Picasso yata ang gumuhit sa katawan ng lalaking ito. Perpekto!
“Miss!”
Hinubad ng binata ang swimming cap at eye goggles na suot nang huminto sa tapat niya.
Tulad noong unang magtama ang mga mata nila, muli niyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso nang magsalubong ang mga mata nila sa ikalawang pagkakataon.
“You're familiar…”
Napakurap siya. Even his voice complimented his looks. Deep and manly.
Nanatili siyang nakatitig kay Adam. Ngayong kaharap niya ang lalaki ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na lalo pang pagmasdan ang mukha nito sa personal.
Tila natauhang ibinalik niya ang tingin sa mga mata ng kaharap.
Kitang-kita niya ang kislap sa mga mata ni Adam. Tila ba ipinapahiwag nito na huling-huli nito ang pagkatulala niya sa mukha nito.
“Uhm, sorry.” Naramdaman niya ang pamumula ng magkabilang pisngi.
“I remember you, Miss,” umangat ang sulok ng mga labi nito. Sa nanunukso nitong ngiti, tila sinasabi nito na, ikaw iyong babaeng wagas kung makatitig sa 'kin. “Ikaw iyong kahapon…”
“Yeah. Ako nga iyon.” Hindi niya naitago ang pamumula ng pisngi nang balikan sa isip ang eksenang iyon.
“How did you know it was me?”
“Ha?”
“Paano mo nalaman na ako ang lalaking iyon?”
“Ha? Ano… narinig ko lang sa mga katabi ko kaya ko nalamang ikaw iyon…” Kinagat niya ang ibabang labi. “Pinuntahan kita…kasi may gusto sana akong itanong sa 'yo.”
“Uhuh.” Tumango-tango ito. “You haven't told me your name yet.”
Gusto niyang batukan ang sarili. Sa lahat ng makakalimutan niya, iyong pangalan pa niya.
“I-I'm Christine…” Inilahad niya ang kamay.
Malawak na ngumiti ang kaharap. This time ay lumitaw ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Christine. Nice to meet you again, Christine.”
Parang kamatis na namula ang mukha niya sa papuri nito.
Kinuha nito ang kamay niya. Malamig ang kamay nito at bahagya pang basa subalit mayroon pa ring init na naramdaman nang maglapat ang mga balat niya.
Akala niya ay papakawalan nito ang kamay niya, subalit napaawang ang mga labi niya nang angatin nito ang kamay niya para ilapit sa labi nito. He kissed the back of her hand and she almost froze in shock. Tila mayroong boltahe ng kuryenteng nanulay sa ugat niya. Bumilis ang t***k ng puso niya. Gusto niyang magsalita subalit walang salitang lumabas sa bibig.
Isang bahagi niya ang gustong magprotesta sa kapangahasang ginawa ng lalaki, subalit isang bahagi rin niya ang umaaming nagustuhan niya ang sensasyong hatid ng malambot na labi nito sa kanya.
“Bakit mo nga pala ako gustong makausap?” Isinuklay nito ang kamay sa basang buhok.
“Uh, a-ano…” Pakiwari niya ay tuluyan nang umurong ang dila niya.
Come on, Christine! Ngayon ka pa ba uurong?
“Hmm, what is it?”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Gusto ko sanang… itanong kung puwede ka bang maging subject ng painting na gagawin ko.”
“You're a painter?”
Tumango siya. Ipinaliwanag niya kay Adam ang tungkol sa magaganap na art exhibit at sa nude painting na kailangan niyang gawin.
“Nude?” Umangat ang sulok ng mga labi nito. “You want me to pose n***d in front of you?”
Tumango siya kasabay ng muling pamumula ng mukha niya. “K-kung puwede sana…”
“Why me, Christine? Bakit ako ang gusto mong maging subject ng painting mo?”
His brown eyes bore into hers.
“I've seen your body,” sinubukan niyang pakaswalin ang tinig para itago ang naghuhuramentadong sistema. “And it was a painting material. Isa pa, naisip ko na madali na kitang mapapapayag dahil balewala na sa 'yong makita ng mga tao ang katawan mo.”
“Painting material, huh?” lumapad ang ngiti sa labi nito. Even his eyes sparkled in mischief. “Ibig sabihin, nagandahan ka sa katawan ko?”
“O-oo.” Napasulyap siya sa malapad na dibdib nito. “I… I mean, sino ba naman ang hindi?”
“May gusto ka sa 'kin kung ganoon?” nakangising tanong nito. “Do you like me, Christine?”
“W-wala akong gusto sa 'yo!” mabilis na sagot niya. “Hindi naman dahil nagandahan ako sa katawan mo, may gusto na ako sa 'yo...”
Crush lang, ano? tudyo sa kanya ng isang bahagi ng isip niya.
Pasimple niyang kinagat ang ibabang labi.
Humalukipkip ito. Sa ginawa nitong iyon ay lalong nadepina ang matipunong braso nito. “Sigurado ka?”
She saw him bite his lower lip. She gulped. Pakiwari niya'y nananadyang mang-akit ang lalaki. O siya lang talaga itong…
“O-oo.”
Naaaliw itong tumango. Kapagkuwa'y naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. “Sa tingin mo, papayag akong maging subject ng painting mo? Malaking pabor ang hinihingi mo sa 'kin, Christine. Ni hindi tayo magkaibigan.”
“Babayaran naman kita.” Bahagya siyang ngumuso. “Uh, magkano ba ang talent fee mo?”
He chuckled. And boy, was his laugh sounded music to her ears.
“Sa tingin mo, nagpapabayad ako?”
Pumikit siya at kinagat ang ibabang labi. “Sige. S-salamat na lang. Pasensiya na sa abala…”
Bago pa makasagot ang lalaki ay tumalikod na siya. Subalit nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya mula sa lalaki ang pangalan niya.
Huminto siya at lumingon.
“Bakit aalis ka na? Wala pa naman akong sinabing hindi ako papayag na maging subject ng painting mo.”
Napaawang ang mga labi niya.
Bahagya itong ngumuso na tila nagpipigil ng ngiti. “Pag-iisipan ko, Christine.”
Nagliwanag ang mukha niya. “Thank you, Adam!”
“Saka ka na magpasalamat kapag pumayag na ako.” Gumanti ng ngiti ang lalaki.
Napatitig siya sa mukha ni Adam. “But still…thank you.”
Nang lapitan si Adam ng kasamahan nito sa swimming team ay nagpaalam na siya sa lalaki.
“Wait, Christine…”
Sa ikalawang beses ay muli siyang tinawag ni Adam. Pumihit siya paharap sa lalaki. Subalit sa ginawang pagpihit ay nadulas siya. Impit na napatili siya nang mapagtantong mahuhulog siya sa pool. Subalit bago siya bumagsak sa tubig ay isang matipunong braso ang humatak sa kanya. Napasubsob siya sa katawan ni Adam. Dahil sa lakas ng impact ay pareho silang natumba sa sahig.
Si Adam ang diretsong bumagsak sa sahig habang siya ay tumama sa katawan nito.
“O-okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya nang makita ang tila nasaktang ekspresyon sa mukha nito.
Sinalubong siya ng malalim na mga mata nito. “No, worries. I'm fine.” A small smile escaped his sensual lips.
Napatitig siya sa mga labi ng lalaki. Kasabay niyon ay napagtanto niya kung gaano kalapit ang mga mukha nila sa isa't-isa.
“Christine...” Bumaba ang abuhing mga mata ni Adam sa mga labi niya.
Bumilis ang t***k ng puso niya.
“T-tatayo na ako—”
Mabilis siyang bumangon, subalit muli siyang nadulas sa basang sahig. Napasubsob siyang muli kay Adam. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang lumapat ang mga labi niya sa labi ng lalaki.
Awtomatikong naglakbay ang kuryente sa katawan niya nang maramdaman ang mainit subalit malambot na labi ng lalaki.
His lips were so soft and sweet… and tasted like chocolate.
“Adam!”
Natauhan siya nang muling marinig ang boses na nagpagulat sa kanya kanina.
Lumayo siya kay Adam. Tinulungan siyang bumangon ng lalaki bago ito humarap sa may edad na lalaking nakahalukipkip sa kanila.
“The pool's not a playground, Adam,” istriktong wika ng matandang lalaki.
Parang kamatis na namula ang buong mukha niya nang mapagtantong hindi lang ang coach ng swimming team ang nakasaksi sa eksenang ginawa nila ni Adam.
Pati ang mga kasamahan ni Adam sa team ay nakatingin sa kanila.
“I know, coach. Sorry,” sagot ni Adam.
Sandaling sumulyap sa kanya ang coach bago sila lagpasan.
“A-aalis na ako,” namumulang sambit niya. Hindi niya makuhang tumingin kay Adam. Paano siya makakatingin dito gayong hiyang-hiya siya sa nangyari.
“Wait...” Marahang hinawakan ni Adam ang palapulsuhan niya. “Sorry about that. Suplado lang talaga iyang si coach.” Ngumiti ito.
Isang tango lang ang naisagot niya rito. Hindi niya makuhang magsalita dahil sa matinding kahihiyan.
“Christine. I'll agree to pose for your painting... in three conditions.”
“AY, Gravity! I am sooo right! Type ka ni Adam, girl!” nanunuksong wika kay Christine ni Imee matapos niyang ikuwento sa kaibigan ang naging takbo ng usapan nila ni Adam Saavedra.
Nasa paborito nilang coffee shop silang magkaibigan.
“Sinasabi ko na nga ba, may ibig sabihin talaga kung bakit sa lahat ng babae sa field ay ikaw ang binigyan niya ng bulaklak!” Ngumisi ito.
Kasama niyang inilahad sa kaibigan ang pagpayag ni Adam na maging subject ng painting niya. Kapalit ng isang nakakalokang kondisyon.
'“I'll agree to pose for your painting. In three conditions...”
“What conditions?” Napalitan ng kasiyahan ang matinding hiyang nararamdaman.
“Una, ayoko ng may audience tayo.”
Tumango siya. Fine with her. Hindi rin naman talaga siya sanay na may ibang taong nanonood sa kanya kapag nagpipinta siya.
“Two. Isang oras lang ang mailalaan ko sa 'yo araw-araw. I have a loaded schedule. We'll see each other after my swimming practice.”
“I understand. It’s also fine with me.” Naiintindihan niya ang lalaki. She can finish a life size painting as fast as a day. Hindi naman ganoon kalaki ang gagawin niyang painting para sa exhibit. Kung isang oras lang ang ibibigay sa kanyang oras ni Adam sa bawat araw, kaya niyang tapusin ang painting nito sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
“Sa tingin ko, kaya kong tapusin ang painting mo sa loob ng tatlo hanggang limang araw,” wika niya rito.
“Good. So, we'll have more or less five sessions?”
Tumango siya.
Ngumiti ito. “And as for my last condition...”
“A-ano iyong pangatlo?” Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba niya sa pangatlong kondisyon nito.
Bumaba ang mga mata nito sa labi niya. “You'll give me a kiss each day you'll paint me.”
“W-what?”
“A kiss, Christine,” he repeated with a smile. “Iyon ang gusto kong ibayad mo sa ‘kin.”
Sinalubong nito ang mga mata niya. “Five days equals to five kisses. A kiss each session, Christine.”
“Bakit...bakit halik ang gusto mong kapalit? Bakit...hindi na lang iba...”
Bumaba ang mga mata nito sa labi niya. “I like your lips. It's sweet...and addicting...”
“P-paano kung hindi ako pumayag sa pangatlong kondisyon?”
Ibinalik nito ang tingin sa mga mata niya. “Then, I guess you just have to find another subject for that painting of yours.”
“Wala siyang sinabing gusto niya ako, Imee,” pagtatama niya sa kaibigan.
“But he said he like your lips!” pagdidiin nito. “In guy's dictionary, it means he likes you!”
“He's a player, Imee. Siguradong gano'n siya sa lahat ng babaeng nakikilala niya.”
“Paano mo naman nalamang playboy iyong tao?”
“I know a playboy when I see one. And the guy's got a double PhD in Flirting and Seduction!” Bahagya niya itong pinaningkitan ng mga mata. “At saka ‘di ba, ikaw na rin ang nagsabi na wala nang lalaking guwapo na hindi playboy.”
Sa kilos at pananalita pa lang ng lalaki ay sigurado siyang palikero ito. Everything about him screamed dangerous with a capital D. Si Adam ang tipo ng lalaki na una pa lang ay iniiwasan na. Hindi siya nagsisisi na hindi siya pumayag sa kondisyon nito. It was the right decision.
“So, ano? Hindi ka talaga pumayag?”
“Kahit naman crush ko siya, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para pumayag akong magpahalik sa kanya…”
Mabuti sana kung ibang bagay na lang ang hiningi nitong kapalit. Hindi siya ganoon ka-cheap para pumayag sa gusto nito. Kahit na… kahit na ito pa ang nakakuha ng first kiss niya.
“Kunsabagay, tama ka naman diyan, friend,” ani Imee. “Hindi naman dahil guwapo siya, basta-basta ka na lang papayag na magpahalik sa kanya.” Pumalatak ito. “Pero, s**t lang, ang yummy niya talaga, eh!”
“Paano iyan? Saan ka na maghahanap ng subject nude painting mo?”
“Iyong kaklase mo na member ng APO? Baka pumayag siyang maging subject ko?”
“Si Evan? Kaso hindi siya kasinggwapo at kasing-macho ni Adam, Chris?”
“Okay lang.” Basta…hindi siya magpapabayad ng halik.