bc

Falling For Mr. Pa-fall

book_age12+
143
FOLLOW
1K
READ
playboy
bxg
lighthearted
school
like
intro-logo
Blurb

Kailangan ni Christine ng male model para sa ipipinta niyang nude painting na pagbabasehan ng kanyang final grade. At isa lang ang pumayag magmodelo para sa kanya: si Adam, ang ultimate hottie sa campus. Sigurado siyang perfect model ang lalaki dahil nakita niya mismo ang magandang katawan nito noong Oblation Run. Pero may hinihinging tatlong kondisyon si Adam:

1. Bawal ang audience sa painting sessions nila.

2. Isang oras lang ang ilalaan ni Adam para sa pagpo-pose sa kanya. Hectic daw kasi ang schedule nito.

3. Halik ang ibabayad niya kay Adam-na ike-claim nito tuwing matatapos ang bawat painting session nila.

Desperada na si Christine kaya napilitan siyang pumayag. Sisiguruhin na lang niyang hindi siya mai-in love kay Adam. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil hindi siya ang tipong madaling ma-fall sa mga playboy na kagaya nito.

Pero hindi nagtagal, na-realize niya na ang kilig, mahirap palang pigilan. Sa katunayan, excited siya sa halik ni Adam sa bawat pagtatapos ng painting session nila...

chap-preview
Free preview
One
MALAPAD ang ngiti ni Christine nang isoli sa kanya ni Prof. Argana ang painting na ipinasa niya rito noong nakaraang linggo. A plus ang gradong nakalagay sa likod niyon. “Keep up the good work, Christine,” wika sa kanya ng professor. “Thank you, Ma’am.” “Naks! A plus na naman ba?” tanong sa kanya ng kaklaseng si Mika. Nakangising tumango siya. “Congrats. Galing mo talaga!” Fine Arts Major in Painting student si Christine sa St. Claire University. Ikatlong taon na niya sa kursong iyon. Bata pa lang siya ay mahilig na siyang mag-paint. Sa edad na lima, sa halip na barbie doll ay paintbrush ang hawak niya. Hindi na nakapagtataka kung saan niya nakuha ang hilig sa pagpipinta. Her mother, Cheryl de Vera, was one of the best landscape painter in the country. Namana niya ang talento ng ina. Tulad ng mommy niya, landscape painting din ang forte niya. “Class, our department will be having our annual exhibit next month,” anunsiyo ni Prof. Argana. Taon-taon ay nagdaraos ng exhibit ang departament nila. Ibibida sa exhibit na iyon ang mga artwork ng mga estudyante sa departamento nila. Lahat ng kikitain sa exhibit ay mapupunta sa foundation na tumutulong sa mga batang may cancer. Lahat ng fine arts student ay required na magpasa ng tig-iisang artwork na isasama sa exhibit. “Ibabase ko ang final grade ninyo sa painting na ipapasa ninyo for the exhibit.” ““I want you to get out of your comfort zone. Kaya mag-aasign ako ng kategorya ng painting na gagawin ninyo.” Natigilan silang lahat sa sinabi nito. “Magbubunutan tayo. Kung ano ang mabubunot ninyo, iyon dapat ang kategorya ng painting na ipapasa ninyo para sa exhibit.” Inilabas ni Prof. Argana ang isang fishbowl na naglalaman ng mga tinuping papel. “Apat na kategorya lang dapat ang pagbubunutan niyo: Landscape, Abstract, Portrait at Still-Life. Pero dahil napansin ko na wala pang gumagawa ng nude painting sa inyo, isinama ko iyon sa pagbubunutan.” Natigilan siya. Kasama sa pagbubunutan ang nude painting? “Ma'am.” Nagtaas siya ng kamay. “Yes, Christine?” “Paano po kung mabunot namin ay iyong mga forte namin? Tulad ko po, paano kung landscape rin ang makuha ko?” “Then you will stick to your forte,” sagot ng professor. Wala namang kaso sa kanya kung abstract o portrait ang mabubunot. Gumagawa rin naman siya ng abstract at portrait paminsan-minsan. Isa lang ang hindi pa niya nasusubukang gawin. Iyon ay ang nude painting. “Toledo, Mika.” Sinundan ng tingin ni Christine ang si Mika na siyang tinawag ng professor nila. Tinungo nito ang fish bowl na nakapatong sa gitna ng prof's table. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha nito habang binubuksan ang nakabilot na papel na kinuha nito sa fishbowl. “Abstract.” “Tolentino, Christine.” Nagtungo siya sa harapan ng klase nang tawagin ang pangalan niya. Ipinasok niya isang kamay sa fishbowl. Landscape, please! wika niya sa isip bago ipasok ang kamay sa fishbowl. Binuksan niya ang papel na nabunot niya. Kung hindi man landscape, puwede na rin ang abstract. Basta huwag lang— NUDE. Natigilan siya nang makita ang nakasulat sa papel. “Nude? Nude painting?!” “WHAT happened to you?” nag-aalalang tanong ni Chris kay Imee nang magkita sila ng kaibigan sa school cafeteria. Namumugto ang mga mata nito na tila buong magdamag na umiyak. Imee was her best friend since childhood. Bukod sa magkapitbahay sila ng babae, magkasosyo rin ang mga ama nila sa negosyo. Cagayan de Oro was their hometown. Doon sila lumaki at nag-aral hanggang high school ni Imee. After graduating from high school, they both left CDO and decided to study in Manila. Sa bahay ng Auntie Jean nito sa Quezon City kasalukuyang nakatira si Imee habang siya ay may sariling condo unit malapit sa campus. Umuuwi sila ng kaibigan sa probinsya kapag bakasyon at may espesyal na okasyon tulad ng pasko at bagong taon. Magkaiba ang kurso nila ni Imee kaya hindi sila laging nagkikita. Her friend was taking up Business Management. “Nick and I broke up last night.” Nick was her boyfriend for three months. “What went wrong this time?” Hindi na siya nabigla sa paghihiwalay ng dalawa. Hindi rin talaga niya inaasahan na magtatagal ang relasyon ng kaibigan sa nobyo nito. Why? Because Nick was a playboy. “I saw him kissing another girl. I confrontred him and he didn’t even deny it! That asshole!” Hindi rin niya ikinabigla ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang playboy na tulad ni Nick? “I told you, Imee. Paiiyakin ka lang din ng lalaking iyon. See? Wala rin siyang pinagkaiba kay Mark, PJ, at James.” Those three were her ex boyfriend before Nick. Tulad ng nangyari sa relasyon nito at Nick, natapos ang relasyon ni Imee sa tatlo dahil pare-parehong nahuli ng kaibigan ang mga ito na may kasamang ibang babae. Bumuntong-hininga siya habang inaabutan ng panyo ang kaibigan. Imee was like the sister she never had. Sa tuwing nakikita niyang nasasaktan ang kaibigan ay nasasaktan din siya. Her friend always ended up with a brokenheart. Hindi niya alam kung sadyang malas ito sa pag-ibig o talagang tanga lang ito sa pagpili ng lalaki. Hindi na niya mabilang kung ilang beses nang umiyak sa lalaki ang best friend niya. Paano, lahat ng nagiging nobyo nito ay playboy. Ilang beses na itong nasaktan subalit wala pa rin itong kadala-dala. “Kung bakit kasi ang hilig mo sa playboy.” Pumalatak siya. “Ilang beses na kitang sinabihan na huwag ka nang papatol sa playboy, pero ano, sumige ka pa rin.” “Ano'ng magagawa ko, eh, lahat ng guwapo at hot na lalaki sa mundo ay playboy?” Hindi siya nakasagot sa sinabi ng kaibigan. May punto naman kasi ito. Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng matinong lalaki. Nagkalat na ang mga manloloko sa mundo. Even her father was a playboy before. Ayon sa mommy niya, maraming babae ang pinaiyak nito noon kabilang na ang ina. But he changed when they got married. Now, he was nothing but a loving and faithful husband. Mabuti sana kung lahat ng lalaki ay may kakayahang magbago. According to a study, men are born polygamous in nature. Kaya hindi na dapat ipagtaka kung bakit maraming lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae. At hindi dapat isisi lahat sa lalaki kung bakit maraming babae ang nasasaktan. Sabi nga nila, it takes two to tango. Naniniwala siya na wala namang lalaking makakapanloko kung walang babaeng magpapaloko. Kaya nga hanggang ngayon ay nananatili pa ring single si Chris. Mas gusto na niyang manatiling single kaysa pumatol sa playboy na siguradong sasaktan lang siya sa huli. Wala siyang balak danasin ang sinapit ng kaibigan. “Tama na nga iyan… Ayoko munang pag-usapan ang kamalasan ko sa mga lalaki,” wika nito sa kanya. “Kumusta iyong paghahanap mo ng subject para sa painting mo? May nakita ka na?” “Wala pa nga, eh.” Namomroblema si Christine. Tatlong linggo na lang ang nalalabi bago ang art exhibit ng department nila subalit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakukuhang model para sa nude painting na gagawin niya. Inis na inis siya. Kung bakit ba naman kasi nude painting pa ang nabunot niya. Iyon ang pinakamahirap gawin sa lahat. Bukod sa hindi pa siya nakakagawa ng nude painting, ni hindi pa siya nakakita ng hubo't-h***d na katawan sa personal. Maliban na siyempre sa katawan niya. Hindi niya nga sigurado kung kaya ba niyang magpinta ng modelong nakahubo't-h***d. Siguro, kung babae ang modelo ay makakaya niya. Ang problema, napakahirap maghanap ng babaeng papayag na maging subject ng isang nude painting. Mayroon siyang mga kaibigan at kakilala na part-time model, subalit wala siyang nakumbinsi isa man sa mga iyon na maging modelo para sa painting niya. Nag-post na rin siya sa f*******: subalit wala rin iyong naging resulta. “Mahihirapan ka talagang maghanap ng babaeng subject, Chris,” wika ng kaibigan. “Bakit ba kasi babae ang gusto mo? Bakit hindi mo subukang maghanap ng lalaking subject?” Ngumiwi siya. “Imee, hindi ko kaya kapag lalaki ang subject ko.” Isipin pa lang niya na nakaharap sa kanya ang isang lalaking nakahubo't-h***d ay kinikilabutan na siya. “Sus, iniisip mo lang iyan!” kontra nito. “Tara na, girls! Malapit nang magsimula ang parada ng APO!” Sabay silang napatingin ni Imee sa mga nagkakagulong grupo ng babae sa katabing mesa nila. Suminghap si Imee. “Ngayon nga pala ang anniversary ng APO!” APO stands for the fraternity group Alpha Phi Omega. Ito ang pinakamalaking fraternity group sa kanilang university. Sa tuwing anniversary ng APO, pumaparada ang mga miyembro niyon sa buong campus. Hindi lang simpleng parada! Pati mga katawan ng mga ito ay ipinaparada ng mga ito. In short, hubo't-h***d ang mga ito na pumaparada! Dahil doon, tuwing anniversary ng APO ay dinadayo sila ng mga taga-ibang university. “Chris, naiisip mo ba ang naiisip ko?” nakangising inangat nito ang magkabilang kilay. She winced. “Huwag mong sabihing gusto mong manood ng parada?” Sa tatlong taon niya sa St. Claire, ni minsan ay hindi pa siya nakakapanood ng parada ng APO. Wala siyang interes na makipagsiksikan para lang makakita ng h***d na katawan. “Sa parada ng APO! Doon ka makakahanap ng puwedeng maging subject ng nude painting mo!” Natigilan si Christine. Imee was right. But… “Ayoko nga ng lalaking subject, Imee.” “Three weeks na lang bago ang exhibit. There's no time to be choosy!” Bumuntong-hininga siya. Tatlong linggo na lang bago ang exhibit subalit hanggang ngayon ay wala pang laman ang canvas niya. Bahala na! NAGKAKAGULO na ang mga estudyante sa Freedom Park pagdating doon nina Christine at Imee. Isa ang Freedom Park sa mga lugar na dadaanan ng parada. Hindi na nakapagtataka na halos lahat ng mga estudyanteng naabutan nila roon ay mga babae at mga bading. “Excuse me!” Nakisiksik si Imee sa mga nasa unahan nila. “Dito na lang tayo sa likod, Imee,” saway niya sa kaibigan. “Nah. Hindi natin makikita ng mabuti ang view kapag dito tayo sa likod,” nakangising sagot nito. Hindi na siya nakakontra nang hilahin siya ni Imee sa unahan. “Shucks! Nandiyan na sila!” Nagsimulang magtilian ang mga katabi nilang babae. Nanlaki ang mga mata ni Christine nang matanawan ang paparating na lalaki. Mabagal itong tumatakbo habang iwinawagayway sa ere ang bandila ng APO. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na niya ang kahubdan ng katawan nito. Wala itong suot sa katawan maliban sa itim na maskarang nakatakip sa mukha nito. Gusto niyang magtakip ng mukha subalit magmumukha naman siyang tanga kung gagawin niya iyon. Halos lumuwa ang mga mata niya nang ibaba niya ang tingin sa gitnang bahagi ng katawan nito. Ganito pala ang feeling na makakita ng buhay na ibon! Mixed emotions ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Kinikilabutan siya na hindi niya maintindihan. Pakiramdam niya ay gumagawa siya ng kasalanan kahit hindi naman... “Ang macho ng presidente ng APO!” pilyang baling sa kanya ni Imee. “Ang laki pa ng bird!” “Imee!” namumula ang mukhang saway niya rito. Tumawa lang ito. “What? Totoo naman, ah! Nakita mo rin 'di ba?” Kung makatawa ito ay parang hindi siya nito iniyakan kanina. Pero ganoon naman talaga ang kaibigan niya, pagkatapos nitong mag-drama ay magkukunwari itong ayos lang ang lahat. Kahit sa totoo ay hindi. “Ang point ko lang, kailangan mo pa bang ipangalandakan?” Sunod-sunod na nilang natanawan ang mga miyembro ng fraternity. Tulad ng dumaang presidente, tanging itim na maskara lang ang suot ng mga ito. Bawat miyembro ay may hawak na isang piraso ng rosas. Sa pagkakaalam niya, ibinibigay ng mga ito ang rosas na iyon sa mga babaeng espesyal sa buhay ng mga ito o kaya naman ay sa mga babaeng nanonood sa mga ito. Muli siyang napangiwi nang magkislapan ang paligid niya. Kanya-kanyang kuha ng larawan ang mga estudyanteng kasama nila. Pati si Imee ay nakikikuha rin ng picture sa cell phone nito. Hindi naman siya ang nakahubad subalit siya ang nakaramdam ng hiya para sa mga nakahubo't-h***d na lalaki sa harap nila. Sa kabilang banda ay nakadama siya ng paghanga sa mga ito. Imagine, nagawa ng mga itong ibalandra ang mga h***d na katawan para sa samahan. “Chris, ano, mamili ka ng puwedeng maging subject sa painting mo!” nakangising baling sa kanya ni Imee. Napailing siya sa kaibigan. Kung makapagsalita ito ay para lang silang namimili ng karne sa palengke. Ibinalik niya ang tingin sa mga miyembro ng APO. Hindi pa rin niya maiwasang hindi mapangiwi kapag napapatingin siya sa gitnang bahagi ng katawan ng mga ito. Pero in fairness, lahat ng miyembro ng APO ay puro matatangkad at magaganda ang katawan. Bukod pa roon, nakakahiya mang aminin ay pawang malalaki rin ang mga, ehem… hinaharap ng mga ito. Naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang kung magkagulo ang mga babae at beki kapag anniversary ng APO. Requirement kaya sa mga miyembro nila na kailangang maganda ang katawan at malaki ang ‘you know’? “Ano, may napili ka na?” muling baling sa kanya ni Imee. “Nakikita mo iyong mestizo na iyon!” Itinuro nito ang lalaking pinakamaputi sa lahat. “Kaklase ko iyan sa Humanities. Mabait iyan. Siguro papayag siyang maging subject ng painting mo kapag nagkataon.” “Bakit mo alam na siya iyong kaklase mo? Hindi mo naman nakikita ang mukha?” “Dahil sa tattoo niya.” Itinuro ng kaibigan ang malaking tattoo sa braso ng lalaki. Binasa niya ang mga letrang naka-tattoo sa braso nito: Evan. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking di umano’y kaklase ni Imee. Subalit nakuha ng atensiyon niya ang isang matangkad na lalaki nasa dulo ng parada. He was tall. Probably six feet and a few inches in height. Isa ito sa mga pinakamatangkad na miyembro ng APO. Maputi ito subalit hindi kasing-mestizo ng lalaking itinuro sa kanya ni Imee. Nanatili ang mga mata niya sa naturang lalaki. Hindi niya napigilan ang sariling pasadahan ng tingin ang katawan nito. He's got broad shoulder, chiseled chest… and six pack abs. In short, mala-Adonis ang katawan nito. Perpekto. Unti-unting bumaba ang mga mata niya sa gitnang bahagi ng katawan nito. Napalunok siya. Darn, his thing was huge! Ang lalaking ito yata ang may pinakamalaking hinaharap sa lahat ng miyembro ng APO! Sa halip na alisin ang tingin sa malaking hinaharap ng lalaki, nanatili pa roon ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa halip na kilabutan siya ay iba ang gumapang sa ugat niya. Stop looking at his thing! Natauhan siya. Subalit pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang mga mata ng lalaki. Ilang metro ang distansya nila ng lalaki mula sa isa't-isa subalit kitang-kita niya ang kislap ng panunukso sa mga mata nito. He was looking at her as if silently telling her that he saw what she did. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, pakiramdam niya ay nakangisi ito sa likod ng maskarang suot nito. Namula ang buong mukha niya sa kahihiyan. Nakita niya akong nakatingin sa...'ano' niya! Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang lumubog na lang sa kinatatayuan. Huminto sa pagtakbo ang lalaki. Pumihit ito paharap sa kanya at nagsimulang humakbang papunta sa direksiyon niya. Nanlaki ang mga mata niya. Bakit...niya ako lalapitan? Dahil ba sa tinitigan ko ang ano niya? Habang papalapit sa kanya ang lalaki ay hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. “Chris, okay ka lang—s**t! May yummy na papalapit! Nakatingin sa 'yo, Chris! Juice colored! Ang laki ng… katawan!” Ni hindi niya nagawang pansinin ang pagha-hyperventilate ni Imee sa tabi niya. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa lalaking papalapit sa kanya. Habang lumiliit ang distansya sa pagitan nila, lalong nagiging malinaw sa paningin niya ang perpektong katawan nito. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso niya. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Gusto niyang magtago sa likod ni Imee subalit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Sa isang iglap ay namalayan na lang niyang nasa harap na niya ang lalaki. Narinig niya ang tilian ng mga tao sa paligid niya subalit nanatiling nakatuon sa lalaki ang mga mata nila. His eyes were light brown... Ngayong ilang dangkal na lang ang pagitan nila sa isa't-isa, napansin niya na kulay abo ang mga mata nito. His eyes were the most beautiful shade of brown she’d ever seen in her life. They were deep, striking and captivating. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, tila may isang bahagi ng pagkatao niya ang nalulunod. Nagawa lang niyang alisin ang tingin sa mga mata nito nang iangat nito ang hawak na bulaklak sa kanya. He's giving me his rose? Natauhan lang siya nang sikuhin siya ni Imee. Tinanggap niya ang rosas bago muling sinalubong ang mga mata ng lalaki. “T-thank you.” Isang kindat ang isinagot nito sa kanya bago ito tumalikod at humabol sa mga kasama. Akala niya ay wala nang ikakaperpekto pa ang katawan ng lalaki. Subalit nagkamali siya nang masilayan ang malaking tattoo nito sa likod. He's got a tattoo of an angel's wings on his back. Sakop ng tattoo nito ang buong likod nito hanggang sa kalahati ng mga braso nito. His tattoo was a perfection. Mula sa tattoo nito ay unti-unting bumaba ang mga mata niya sa puwit nito. “Miss, ikaw ang bagong girlfriend ni Adam Saavedra?” Adam Saavedra. Iyon pala ang pangalan ng lalaking may magandang katawan, malaking hinaharap at matambok na puwit...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook