Kailangan ni Christine ng male model para sa ipipinta niyang nude painting na pagbabasehan ng kanyang final grade. At isa lang ang pumayag magmodelo para sa kanya: si Adam, ang ultimate hottie sa campus. Sigurado siyang perfect model ang lalaki dahil nakita niya mismo ang magandang katawan nito noong Oblation Run. Pero may hinihinging tatlong kondisyon si Adam:
1. Bawal ang audience sa painting sessions nila.
2. Isang oras lang ang ilalaan ni Adam para sa pagpo-pose sa kanya. Hectic daw kasi ang schedule nito.
3. Halik ang ibabayad niya kay Adam-na ike-claim nito tuwing matatapos ang bawat painting session nila.
Desperada na si Christine kaya napilitan siyang pumayag. Sisiguruhin na lang niyang hindi siya mai-in love kay Adam. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil hindi siya ang tipong madaling ma-fall sa mga playboy na kagaya nito.
Pero hindi nagtagal, na-realize niya na ang kilig, mahirap palang pigilan. Sa katunayan, excited siya sa halik ni Adam sa bawat pagtatapos ng painting session nila...
Naaksidente ang nobyo ni Cyan at namatay sa araw mismo ng kanilang kasal. Halos ganoon din ang nangyari sa dalawang ate niya. Ang Ate Francine niya, iniwan ng groom nito sa araw mismo ng kasal ng dalawa. Gayon din ang nangyari sa Ate Darlene niya, na binaril naman ang groom. Mula noon ay takot nang magmahal si Cyan. May phobia na rin siyang dumalo sa mga kasal. Pero napaka-ironic na sa isang kasal niya nakilala si Blue, ang lalaking kahit ano’ng taboy niya ay hindi lumayo sa kanya. Nagawang ipalimot sa kanya ng binata ang masaklap niyang karanasan. Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang matuklasan niya ang isang bagay na magpapatunay na mayroon ngang sumpa sa kanilang magkakapatid. At natatakot siyang maulit kay Blue ang nangyari sa dati niyang nobyo. Tila hindi naman apektado si Blue. Ang sabi pa nga nito: “Let’s say you’re the princess. You were cursed. At ako ang prinsipe na puputol sa sinasabi mong sumpa.”
Matagal nang crush ni Carrie si Alexis, ang kuya ng best friend niyang si Andrea. Ilang beses siyang nakiusap sa kaibigan na ilakad siya nito sa kuya nito pero tigas ito sa pagtanggi. Subalit nang malaman nitong isang buwan na lang ang ilalagi niya sa Pilipinas ay pumayag na rin ito sa gusto niya. Iyon nga lang, may kondisyon ito: kailangan niyang magpanggap na maid ni Alexis.
Hindi niya inakalang tototohanin ni Andrea ang kondisyong hinihingi nito sa kanya. Pero dahil nga gusto niyang makilala si Alexis, kahit walang alam sa gawaing-bahay ay pinanindigan niya ang pagiging maid. Inasahan niyang sa pagsasama nila ni Alexis ay mababawasan ang paghanga niya rito. Pero kabaligtaran ang nangyari. Bukod kasi sa guwapo ito, mabait at ubod ng charming pa.
Sa paglipas ng mga araw, natuklasan niyang kabaligtaran ang lahat ng sinabi ni Andrea tungkol sa totoong ugali ng kuya nito. Sinadya lang nitong siraan ang kuya nito para hindi na niya alagaan ang pagsinta sa binata. Ikakasal na kasi si Alexis…
Naniniwala si Cass na kung nagsabog ang Diyos ng kagandahan sa mundo, wala siyang nasalo. Paano ba naman kasi, bukod sa pagiging pangit, madalas rin siyang sabihan na walang utak at masama ang ugali.
Kaya naman labis na kinaiinggitan niya si Alessandra—ang kaklase niyang bukod na pinagpala sa lahat. Lahat ng katangiang gusto niyang magkaroon siya ay na kay Alessandra— maganda, matalino, mabait at sikat. Bukod pa roon, si Alessandra rin ang gusto ng nag-iisang lalaking pinapangarap niya, si Dave.
That's why she longed to be in Alessandra's shoes so bad. Gusto niyang maranasan ang perpektong buhay na meron si Alessandra.
Hindi niya inakalang mangyayari nga iyon—nang isang araw ay magising na lang siya na pag-aari na niya ang katawan ni Alessandra.
"What are you wearing, Claude?" halos magsalubong ang kilay ni Sky habang nakatingin sa akin. It's cold here in Baguio, but I was wearing a midriff top and white short shorts. My long legs were exposed to him.
"Clothes?" pa-inosenteng sagot ko sa kanya. Nakita kong kung paano siya napatingin sa dibdib ko. I was wearing a push-up bra.
"You know it's cold right now," masungit na sagot niya. "Wear this." Hinubad niya ang suot na coat at sinubukang iabot sa akin. Subalit sa halip na tanggapin iyon ay lumapit ako sa kanya. I licked my lower lip as I stopped in front of him.
"Let's get our marriage work, Sky," I said, looking straight into his eyes. "Alam kong hanggang ngayon, si Ate Caress pa rin ang mahal mo. But please, give our marriage a chance. Give me a chance. I'll help you forget about her. Gamitin mo akong panakip-butas."
"Shut up, Claude," sagot niya. Umiling siya sa akin na tila ba isang kahibangan ang sinasabi ko. "You don't know what you're talking about. You're not really in love with me."
"How many times do I have to tell you that I'm in love with you?" buo ang boses na sagot ko sa kanya.
"Wag mo akong daanin sa mga theory mo. Oo psychiatrist ka pero huwag kang umastang marunong ka pa sa feelings ko."
Nakikipagtitigan ako sa kanya, ni hindi ako nagpatinag sa lalong pagsalubong ng mga kilay niya.
"Oo higit na mas bata ako sayo pero kilala ko ang sarili ko. I'm in love with you. Kaya ako pumayag magpakasal sayo dahil mahal kita."
Sky opened his mouth to say something but then I stopped him by touching his chest.
"Alam kong hindi mo ko gusto. And now that we're married, I'll do my best to make you love me." A seductive smile played on my red lips. "So be ready, husband. Prepared because I'll seduce you everyday. I'll seduce you until you finally give in to me."