bc

The Cursed Bride

book_age12+
317
FOLLOW
1K
READ
boss
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Naaksidente ang nobyo ni Cyan at namatay sa araw mismo ng kanilang kasal. Halos ganoon din ang nangyari sa dalawang ate niya. Ang Ate Francine niya, iniwan ng groom nito sa araw mismo ng kasal ng dalawa. Gayon din ang nangyari sa Ate Darlene niya, na binaril naman ang groom. Mula noon ay takot nang magmahal si Cyan. May phobia na rin siyang dumalo sa mga kasal. Pero napaka-ironic na sa isang kasal niya nakilala si Blue, ang lalaking kahit ano’ng taboy niya ay hindi lumayo sa kanya. Nagawang ipalimot sa kanya ng binata ang masaklap niyang karanasan. Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang matuklasan niya ang isang bagay na magpapatunay na mayroon ngang sumpa sa kanilang magkakapatid. At natatakot siyang maulit kay Blue ang nangyari sa dati niyang nobyo. Tila hindi naman apektado si Blue. Ang sabi pa nga nito: “Let’s say you’re the princess. You were cursed. At ako ang prinsipe na puputol sa sinasabi mong sumpa.”

chap-preview
Free preview
Prologue
PINAGMASDAN ni Cyan ang sarili niya sa salamin. Today, everything about her was almost perfect. Her hair, her make-up, her dress and down to her shoes. Because today, is a very special day for her. Ito ang araw ng kanyang kasal. Nginitian niya ang kanyang repleksiyon sa salamin. Ikakasal na siya ngayon kay Michael, ang kanyang fiancé. Nagkakilala silang dalawa noong huling taon niya sa college. Samantalang si Michael naman ay kasalukuyang nag-aaral ng Masterals ng mga panahong iyon. Limang buwan siyang niligawan ng lalaki bago niya ito sinagot. At dalawang taon na silang magkarelasyon hanggang sa bigla na lang itong magpropose sa kanya. Nabigla siya noong una pero sa huli ay pumayag na rin siya. Si Michael kasi ang tipo ng lalaki na kapag nag-alok ng kasal ay hinding-hindi niya makukuhang tanggihan. He was a husband material. Mabait ito, sweet, gentleman maalaga, responsable, at higit sa lahat may maayos itong trabaho. Sa dalawang taong pagsasama nila ay wala siyang duda sa pagmamahal sa kanya ni Michael. Muli niyang pinagmasdan ang sarili at ngumiti. Subalit sa pagkakataong iyon ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Isang matinding kaba. “Cyan.” Lumingon siya sa dalawa niyang ate na papalapit sa kanya. Ang dalawa niyang kapatid ang maghahatid sa kanya sa altar. Matagal na kasing namayapa ang mga magulang nila. Sabay na namatay ang mga ito sa isang plane crash. Sampung taong gulang siya ng mangyari iyon, samantalang kinse anyos ang ate Darlene niya at labinwalo naman ang ate Francine niya. Bilang panganay na anak, ang ate Francine niya at ang Yaya Mercy nila ang tumayong magulang sa kanila ng ate Darlene niya. Hindi naman sila nahirapang magkakapatid sa pinansiyal dahil sobra-sobra ang iniwang trust fund ng mga magulang nila upang makatapos sila ng pag-aaral. May iniwan ding negosyo ang mga magulang nila na hanggang ngayon ay pinamamahalaan ng ate Francine niya. “Ang ganda talaga ng bunso namin,” nakangiting wika sa kanya ng ate Darlene niya. “O, bakit tahimik ka d'yan?” nag-aalalang untag sa kanya ng ate Francine niya. “Ngumiti ka para lalo kang gumanda.” Tumingin siya sa dalawa niyang kapatid at bumuntong-hininga. “Hindi ko alam, ate. Bigla kasing akong nakaramdam ng takot, eh.” Hinawakan ng ate Darlene niya ang kamay niya. “'Wag kang matakot at makaramdam ng kahit anong kaba. Kung anuman ang nangyari sa amin ng ate Francine mo, hindi iyon mangyayari sa'yo this time.” Her two sisters were once become a bride, but neve become a wife. Limang taon na ang nakalilipas mula ng magdesisyon ang ate Francine niya na magpakasal sa long-time boyfriend nito. Subalit sa araw ng kasal ng panganay nilang kapatid, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Biglang umatras sa kasal ang groom at sumama sa ibang babae. Ganoon din ang naging kapalaran ng ate Darlene niya three years ago. Sa mismong araw ng kasal nito, may bigla na lang dumating na babae at binaril ang groom. Nahuli nga ang bumaril na ex pala ng groom. Pero sa kasamaang palad ay namatay ang lalaki. Sa lahat ng iyon ay saksi siya sa masaklap na nangyari sa kanyang mga ate. “Listen, Cyan,” anang kanyang ate Francine. “Alam nating tatlo na hindi naging maganda ang kapalaran namin ni Darlene pagdating sa bagay na ito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay ganito na ring kapalaran ang mangyayari sa'yo. Siguro, talagang minalas lang kami ni Darlene. Pero imposibleng mangyari iyon sa iyo.” Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. “I know, ate.” Tiwala naman siya kay Michael na hindi ito aatras sa kasal nila at mas lalong wala itong ex-girlfriend na bigla na lang susugod para barilin ang lalaki. Pero ewan ba niya, kahit ano'ng pilit niya na isiping imposibleng mangyari sa kanya ang naganap sa dalawa niyang kapatid, hindi pa rin maalis-alis ang takot sa sistema niya. Marahil ay dahil nasaksihan niya lahat ang hirap at sakit na naramdaman ng dalawa niyang kapatid mula sa pagkabigong naranasan ng mga ito. At nagkaroon siya ng matinding takot na baka mangyari rin sa kanya iyon. Tumindi pa iyon noong araw na tinanggap niya ang alok na kasal ni Michael. Habang papalapit ang araw ng kasal ay lalo siyang nakararamdam ng matinding takot. Na minsan pa ngang nakapagbigay sa kanya ng ideya na ipagpaliban na lang ang kasal nila. Subalit sa tulong ng mga kapatid niya at maging ni Michael, nagkaroon siya ng assurance na wala namang mangyayaring hindi maganda sa araw ng kasal niya. Pero nitong mga nakaraang araw, unti-unti na namang nangibabaw ang takot sa dibdib niya. “Cyan, iniisip mo pa rin ba iyon?” untag sa kanya ng ate Darlene niya. “Hindi, ate,” pagkakaila niya. “Nalulungkot lang ako na malayo sa inyo,” wika niya habang pilit nilalabanan ang kaba sa dibdib niya. “Kami rin naman Cyan,” wika ni ate Francine. “Pero masaya rin naman kami para sa'yo. Para sa bagong yugto ng buhay mo kasama si Michael.” Nangingilid ang luha sa mga matang niyakap niya ang dalawa niyang kapatid. Napakasuwerte niya dahil kahit wala ngayon ang mga magulang nila ay nandito pa rin ang dalawa niyang kapatid para sa kanya. “Thank you ate,” wika niya sa mga ito. “You’re welcome, sis,” sabay pang sagot ng mga ito. Inayos ng ate Darlene niya ang laylayan ng gown niya. “Ang mabuti pa, tara na sa bridal car. Baka ma-traffic tayo.” Habang nasa loob sila ng sasakyan ay mahigpit ang kapit niya sa gown niya. Habang papalapit kasi sila sa simbahan ay lalong lumalakas ang kabog sa dibdib niya. Naghalo-halo na rin ang kaba, takot, excitement, lungkot at saya sa sistema niya. Pakiwari nga niya ay nakalimutan na niya ang wedding vows niya sa sobrang intense na nararamdaman. “Ate France, may tumatawag yata sa cell phone ko,” untag niya sa katabi niya sa backseat. Ito ang may hawak sa cell phone niya. Ang ate Darlene naman niya ang nakaupo sa tabi ng driver's seat. Kinuha ng ate Francine niya ang cell phone niya at tiningnan iyon. “Ang mama ni Michael ang tumatawag. Gusto mo'ng ikaw ang sumagot?” “I-ikaw na lang ate,” kinakabahang wika niya. Her heart was already pounding hard inside her chest. Hindi niya maintindihan kung bakit kinutuban siya ng hindi maganda sa tawag na iyon. Nakatingin lang siya sa kapatid nang sagutin nito ang tawag. Nakaramdam na siya ng panlalamig nang makita ang pagkabigla sa mukha ng ate Francine niya. Naibagsak pa nito ang hawak na cell phone. “A-anong nangyari?” Ang ate Darlene niya ang nagtanong. Pakiramdam niya ngayon ay nawalan siya ng lakas para magsalita. Lalo na ng marinig ang salita ng kapatid. “N-naaksidente si Michael. Dead on arrival nang isugod sa hospital.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook