bc

Seducing My Own Husband

book_age16+
34
FOLLOW
1K
READ
love after marriage
age gap
arranged marriage
bxg
campus
professor
like
intro-logo
Blurb

"What are you wearing, Claude?" halos magsalubong ang kilay ni Sky habang nakatingin sa akin. It's cold here in Baguio, but I was wearing a midriff top and white short shorts. My long legs were exposed to him.

"Clothes?" pa-inosenteng sagot ko sa kanya. Nakita kong kung paano siya napatingin sa dibdib ko. I was wearing a push-up bra.

"You know it's cold right now," masungit na sagot niya. "Wear this." Hinubad niya ang suot na coat at sinubukang iabot sa akin. Subalit sa halip na tanggapin iyon ay lumapit ako sa kanya. I licked my lower lip as I stopped in front of him.

"Let's get our marriage work, Sky," I said, looking straight into his eyes. "Alam kong hanggang ngayon, si Ate Caress pa rin ang mahal mo. But please, give our marriage a chance. Give me a chance. I'll help you forget about her. Gamitin mo akong panakip-butas."

"Shut up, Claude," sagot niya. Umiling siya sa akin na tila ba isang kahibangan ang sinasabi ko. "You don't know what you're talking about. You're not really in love with me."

"How many times do I have to tell you that I'm in love with you?" buo ang boses na sagot ko sa kanya.

"Wag mo akong daanin sa mga theory mo. Oo psychiatrist ka pero huwag kang umastang marunong ka pa sa feelings ko."

Nakikipagtitigan ako sa kanya, ni hindi ako nagpatinag sa lalong pagsalubong ng mga kilay niya.

"Oo higit na mas bata ako sayo pero kilala ko ang sarili ko. I'm in love with you. Kaya ako pumayag magpakasal sayo dahil mahal kita."

Sky opened his mouth to say something but then I stopped him by touching his chest.

"Alam kong hindi mo ko gusto. And now that we're married, I'll do my best to make you love me." A seductive smile played on my red lips. "So be ready, husband. Prepared because I'll seduce you everyday. I'll seduce you until you finally give in to me."

chap-preview
Free preview
Prologue
Nagising ako sa pamilyar na puting kisame. Bumaling ako sa tabi ko. Mapait na napangiti ako nang makitang bakante iyon. Of course. Ano pa bang inaasahan ko? Ni minsan, hindi naman tumabi sa akin ang asawa ko sa pagtulog. Bumuntong-hininga ako at hinawi ang mahabang buhok gamit ang kamay. Nahagip ng tingin ko ang alarm clock na nakapatong sa side table. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. Nagmamadali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Natanaw ko si Sky sa kusina. He was sitting on the dining table while drinking from his mug of coffee. Napahinto ako sa b****a ng kusina na pagmasdan siya. He was wearing a pair of dark brown slacks, long sleeve white button down top. His hair was neatly combed in a brush up. He looked elegantly handsome while sipping from his coffee. Damn. Ang gwapo. Tumikhim ako dahilan upang sa wakas ay mapansin niya ako. "Good morning," bati ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nahigit ko ang hininga nang mag-angat siya ng tingin sa akin. His face was serious as he looked at me. Ngumiti ako sa kanya. But then he remained his stoic expression. "Uh… anong gusto mong breakfast—" Napahinto ako sa pagsasalita nang tumayo siya mula sa upuan at dumiretso sa sink. Binuksan niya ang gripo at walang imik na hinugasan ang ginamit na mug. Lumunok ako habang nakatingin sa likod niya. Damn. Kahit likod niya, ang sarap pagmasdan. "Alas otso pa naman iyong klase mo ngayon, di ba?" pagpapatuloy ko. "Mabilis lang naman magluto ng almusal." "No need, Claude," he answered in a cold voice. "I'll just get breakfast at the cafeteria." Ibinalik niya ang hinugasang mug sa cupboard. Pagkatapos ay naglakad pabalik sa dining table. Bahagya akong yumuko at pinisil ang palad. "Late na ako nakatulog kagabi, may tinapos kasi akong project sa school. Sorry, hindi ako nakapaghanda ng breakfast—" "You stop apologizing, Claude," putol niya sa akin. "You're not a maid here. Hindi mo ako kailangang pagsilbihan." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sure, I'm not a maid. But I'm your wife! Gusto kong sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili. Sa halip ay sinundan ko siya ng tingin. Kinuha niya ang trench coat na nakapatong sa dining chair at isinuot. Pagkatapos ay humakbang palabas ng kusina. "Aalis ka na?" mahinang tanong ko. Bahagya siyang lumingon sa akin, tila ba nakalimutan niya na nasa paligid ako. "Yeah. I don't want to be late." Tumango ako. Sa kabila ng nararamdamang panibugho sa dibdib niya ay nagawa kong ngumiti sa kanya. "Ingat ka. Uh… baka magkita tayo ngayon sa school. May klase ako ng ten." He just nodded at me. Ni hindi man lang niya ginantihan ang ngiti ko. His eyes remained distant and cold. "Make sure to lock the door when you leave." "Okay," mahinang sagot ko na ako na lang yata ang nakarinig dahil lumabas na siya ng kusina. Mapait akong napangiti sa sarili nang marinig ang tunog ng sasakyan niya. Sumandal ako sa sink at iginala ang tingin sa paligid. Bakit pa ba ako hindi nasasanay? Eh, ganito naman kaming dalawa ni Sky araw-araw. Humugot ako ng malalim na hininga at nagsimulang magluto ng almusal para sa sarili. Ilang beses lang yata kaming nagkakasabay sa pagkain ni Sky. Madalas, sa labas siya kumakain. Malungkot akong napangiti. It's been five months since we got married. We were already married for almost half a year, but we never once acted as husband and wife. Sa sitwasyon namin ngayon, napapaisip ako kung tama ba ang naging desisyon ko na magpakasal sa kanya. Kung tama bang pumayag akong ipakasal sa kanya… Stop, Claude Claude. You're already in this situation… "Good morning, Claude," bati sa akin ng kaklaseng si Dave pagdating ko sa classroom. Malapit lang ang St. Louis University sa bahay ni Craig. Halos fifteen minutes lang na byahe. Fourth year college na ako sa kursong Business Administration. "Good morning," bati ko sa kanya bago dumiretso sa bakanteng upuan sa tabi ni Mika. "Happy Monday, Claude," nakangising bati sa akin ni Mika, bestfriend ko. "So, kumusta naman ang weekend ng may buhay may-asawa?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pasimpleng kinurot sa braso. "Ano ka ba?" mahinang sambit ko habang iginala ang tingin sa paligid. Mukhang wala namang nakarinig sa sinabi niya. Walang nakakaalam sa buong campus na mag-asawa kami ni Sky. Well, maliban kay Mika na siyang bestfriend ko. Siya lang ang nakakaalam tungkol sa totoong status ng relasyon namin ni Sky. "Oopss, sorry." Guilty siyang ngumiti sakin. "Pero ano, ganoon pa rin ba?" Hindi ko siya nasagot dahil dumating na ang professor namin. "Kwento ka na, Claude," untag sa akin ni Mika habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Lunch break na namin. "Wala naman akong ikukwento—" Napahinto ako nang matanaw si Sky pagpasok sa cafeteria. Nakapwesto siya sa isang mesa kasama si Doc Kevin Tio, kaibigan niya at co-professor sa College of Medicine. Sky was eating carbonara. His favorite. Kabisado ko ang mga paborito niyang pagkain. Sa isang dekada ba naman na gusto ko siya. "Oh. Nandito asawa mo," mahinang buong sa akin ni Mika. "Shucks, ang gwapo talaga ni Doc Sky." I continued to look at him. Nakita kong may sinabi sa kanya ang kasama na napangiti sa kanya. Halos mahigit ko ang hininga nang masilayan ko ang dimple sa pisngi niya. "Hays, grabe. Ang gwapo ng dimple." Bumaling ako kay Mika at binigyan siya ng matalim na tingin. "Asawa ko iyon, Mika." "Ito naman, ang possessive. Aagawin ko ba?" Pabiro siyang umingos. "Kay Doc Kevin na lang ako." Umiling lang ako sa kaibigan bago dumiretso sa counter. "Hindi mo lalapitan ang asawa mo para batiin?" "We don't do that." Hindi naman kami madalas magkita sa campus dahil magkakayo ang business department sa College of Medicine. Isa, wala ngang nakakaalam na mag-asawa kami. Kapag minsang nagkikita kami sa campus ay hindi niya ako pinapansin. Naupo kami ni Mika sa mesa may kalayuan sa pwesto ni Sky. Ibinalik ko ang tingin kay Sky. Napatingin siya sa direksyon namin ni Mika. Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa mga labi niya. Bahagya akong ngumuso at ngumiti sa kanya. Sky just gave me a single nod. Tsk. Ang suplado naman. "Ganoon pa rin ba?" tanong sa akin Mika nang makaalis si Sky sa cafetería. "Five months na kayong kasal, wala man lang improvement?" "Anong gagawin ko, eh hindi naman niya ako pinapansin." Mas mabuti pa nga noong hindi pa kami kinakasal… ang bait ng trato niya sa akin. Everything changed when we got married. Ngayon? Para akong hangin kung ituring niya. Kung hindi ko siya kausapin ay hindi niya ako kikibuin. He was always warm around other people. Pero pagdating sa akin, para siyang sinaniban ni Queen Elsa. "Use your charm, Claude," wika ni Mika pagkatapos uminom mula sa biniling milkshake. Bahagya akong ngumuso. Sinusubukan ko naman na maging asawa sa kanya, ah. "You know a way to a man's heart?" Umangat ang kilay ni Mika sa akin. "Through his stomach?" Natawa siya. "Pwede rin. Pero may bago na ngayon." Umangat ang kilay ko sa kuryosidad. "Ano naman iyon?" Mika smirked at me. "The way to a man's heart is through his dick." Nasamid ako sa iniinom na juice. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi. "Mika!" mahinang saway ko sa kanya. My friend just rolled her eyes at me. "Ito naman, kung maka-react akala mo virgin pa. Hello? Eh, di ba kaya mo nga siya naging asawa kasi may nangyari sa inyo?" Napanguso ako at pinaglaruan ang carbonara. "It was a one time thing. At lasing siya noon." Ibinaba ko ang tingin sa plato ng pagkain. Ang totoo… wala naman talagang nangyari sa amin ni Sky. Until now, I'm still a virgin. But six months ago… something happened… that made me trick him into marrying me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook