Nine

1869 Words
HALOS pigilan ni Chris ang sariling paghinga habang nakatutok ang mga mata sa lumalangoy na nobyo. Iyon ang unang beses na makapanood siya ng swimming competition ng nobyo. Halos sumabog ang puso niya sa kaba habang sinusundan ng tingin ang nobyo. Subalit wala rin namang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman niya nang manalo ito. Nakita niya kung paano nilapitan ng mga babae si Adam. Subalit wala ni isa sa mga iyon ang pinansin ng lalaki. Dumiretso ito sa kanya. “Congrats, baby,” proud na pround na wika niya sa nobyo. “You're my lucky charm, baby.” He planted a soft kiss on her forehead. “Baby... may mini celebration ang team mamaya, gusto mong sumama?” Mag-i-sleep over si Imee sa condo niya ngayong gabi. “I'm really sorry, baby. Siguradong magtatampo kasi sa ‘kin iyon.” “I understand, baby. If not for the team, I won't go.” “Baby, baka naman dahil wala ako, tumingin ka na sa iba,” pabirong wika niya sa nobyo. “Naku, subukan mo lang!” “Baby, paano ko pa magagawang tumingin sa iba, eh, nasa akin na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.” “Sus! Grabe ka, ha.” Bahagya niyang kinurot ang matigas na braso nito. “Magbihis ka na nga. Baka magkasakit ka pa.” “AKALA ko ba dito ka matutulog?” tanong ni Chris kay Imee nang tawagan siya nito nang gabing iyon. “Sorry, Chris. Hindi pa kasi kami tapos ng mga kagrupo ko sa ginagawa naming thesis,” sagot nito mula sa kabilang linya. “Bukas na lang siguro ako pupunta diyan.” Nagbihis siya at nagpasyang sumunod sa nobyo sa mini celebration ng mga ito. Pagdating sa Timog ay saka pa lang niya tinawagan si Adam. “Baby,” malambing na bati sa kanya ni Adam sa kabilang linya. “Baby, nasaang bar kayo sa Timog?” “Conspiracy bar, why?” “Pupuntahan kita.” Hindi niya sinabing naroon na siya. She wanted to surprise him. “Baby, listen... Huwag mo na akong puntahan dito.” “Adam, may problema ba?” nag-aalalang tanong niya. “Baby—” Suddenly, the line was cut off. Iginala niya ang tingin sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pamilyar na bulto ni Adam. Subalit tila may kutsilyong tumarak sa puso niya nang makitang may babaeng nakakapit sa batok ng nobyo. No, hindi lang basta nakakapit. They were kissing. Pain engulfed her as tears start to fall from her eyes. Gusto niyang sugurin ang mga ito subalit sa halip na humakbang papalapit ay pumihit siya patalikod at nagmamadaling tinahak ang daan palabas. Sa isang iglap ay nagkadurog-durog ang puso niya. Ito ba? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw siyang papuntahan ni Adam. Dahil may ginagawa itong milagro sa piling ng ibang babae. He promised her he wouldn't dare look at other girl. But he did kiss another girl. And she saw it with her two eyes. A hard object hit her head...and rendered her unconcious. “ANO'NG nangyari, pare?” kunot-noong tanong ni Adam kay Matt. “May away yata.” Natigilan siya nang tumunog ang cell phone. Napatayo siya nang makita ang pangalan ng nobya sa screen. “Baby.” “Baby, nasaang bar kayo sa Timog?” “Conspiracy bar, why?” “Pupuntahan kita.” Bahagya niyang ibinaling ang tingin sa mga kasamahan na sumenyas sa kanya na lalabas na. “Baby, huwag mo na akong puntahan dito.” Mahina siyang napamura nang biglang mamatay ang cell phone niya. “Adam!” Isang babae ang biglang sumulpot sa harap niya. The girl was none other than Bridget. Bago pa siya makalayo rito ay bigla siya nitong sinunggaban ng halik. Hindi agad siya nakagalaw sa pagkabigla. Nang makabawi ay itinulak niya ang babae. “What the f**k, Bridget! I thought you already stop. What's this?” “Adam… “Stop it, Bridget. I'm sorry if I hurt you. But, please. Stop now…” He stared at him. “Kapag hindi ka tumigil, mapipilitan na akong i-report itong ginagawa mo.” Umatras ito na tila natakot sa banta niya. “I’m sorry, Adam…” “Pare.” Ibinaling niya ang tingin kay Matt na humahangos na lumapit sa kanya. “Iyong girlfriend mo…” “BABY! You're awake...” Bumalot sa kanya ang mainit na mga bisig ni Adam nang magkamalay. Sa isang iglap, bumalik sa kanya ang eksenang nasaksihan kanina. Humiwalay siya mula sa yakap ng lalaki. Nag-iwas siya ng tingin. “W-what happened?” Iginala niya ang tingin. Kahit hindi niya itanong ay alam niyang nasa ospital siya. Huli niyang natatandaan ay may matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Pagkatapos niyon ay nawalan na siya ng malay. “Tinamaan ka ng bote ng beer sa ulo, Chris.” Napahawak siya sa bendang nakatapal sa kaliwang bahagi ng ulo. “Don't worry, baby,” masuyo nitong kinintalan ng halik ang noo niya. “The doctor assured us it was nothing serious.” Mariing ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang pag-iinit ng mga sulok niya. Naramdaman niya ang bahagyang pagkirot ng ulo subalit walang-wala iyon kung ikukumpara sa sakit na nararamdaman ng puso niya. Right now, her heart was shredding into pieces. “Chris, baby, do you want something?” Sinalubong niya ang mga mata nito. He was looking at her like she was the most precious thing in the world. Nanikip ang dibdib niya. If he was the most precious thing for her, why did he kiss another girl? Did he really love her? “Chris, baby?” “Why did you kissed another girl, Adam?” Kitang-kita niya kung paano namutla ang mukha ng lalaki. “Baby, let me explain—” Isang bahagi niya ang gustong marinig ang paliwanag ng lalaki. Subalit nang mga sandaling iyon ay higit na nangibabaw ang galit sa dibdib niya. “You don't have to explain, Adam. I understand. A playboy will always be a playboy. I guess old habits die hard, huh?” “Chris, baby. She's—” “I don't care who she is, Adam. Stop feeling sorry for me. It was only my pride who got hurt afterall.” Inipon niya ang lahat ng tapang sa dibdib para salubungin ang mga mata nito. “The truth is, I don’t really love you. Wala naman talaga akong planong sagutin ka talaga. Napilitan lang ako dahil sa painting na binili mo para sa akin... I feel like I couldn’t turn you down after spending a million for me. I know it was very wrong so I’m telling you the truth now.” “Stop, Chris...” Hinawakan nito ang kamay niya. “I know you’re lying. Sinasabi mo lang iyan dahil nasaktan kita.” “I'm telling the truth, Adam.” Marahas na binawi niya ang kamay mula sa lalaki. “I'm attracted to you but I'm never in love with you. Do you really think a girl like me, will fall for a playboy like you?” “So that’s it?” Sa isang iglap ay napuno ng hinanakit ang mga mata nito. “All because of that f*****g painting?” Marahas itong tumayo habang nang-aakusang nakatingin sa kanya. “You know what, Christine? Ikaw ang pa-fall sa ating dalawa. Ikaw pala itong paasa. Hinayaan mo akong mahulog sa ‘yo. Pinaniwala mo ako na pareho tayo ng nararamdaman. Pero, sa huli, sasabihin mo hindi mo naman pala ako mahal?” Paulit-ulit na nawawasak ang puso niya habang nakikita ang matinding sakit sa mga mata ng binata. “A-adam…” Bago pa niya mabawi ang mga sinabi ay tumalikod na ito sa kanya. Subalit bago ito tuluyang lumabas ay lumingon ito sa kanya. “I can’t believe you’re that kind of girl, Christine.” Nang maiwang mag-isa ay saka niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak sa mga mata. “Chris? What’s wrong…?” Ibinaling niya ang tingin sa bumukas na pinto. Iniluwa niyon si Imee. “Ang sakit, Imee…” “Teka, tatawag ako ng doctor.” Umiling siya habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha. Kahit sinong doctor ay hindi kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ng puso niya. DALAWANG araw na ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Adam. And now she missed him. Everything about him... Nagsisisi siya sa lahat ng kasinungalingan at masasakit na salitang sinabi niya kay Adam. Imee was right. She should've given him a chance to defend and explain himself. Subalit ano’ng ginawa niya? She accused him without hearing his side. Nagpadala siya sa galit niya. Kung nakita mo lang kung paano siya mabaliw sa pag-aalala sa ‘yo noong nasa ospital ka… Naalala niya ang salitang binitawan ni Imee. Sa galit niya noon, ni hindi na niya naalala na takot ito sa ospital. Na sa kabila ng takot nito sa ospital ay nagawa nitong tumuntong doon para sa kanya. She wanted to see him. Gusto niyang itama ang pagkakamaling nagawa, subalit hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki. Napatingin siya sa painting na nakasabit sa kwarto niya. Iyon ang painting na ginamit niya para saktan ang binata. Maybe it was also the thing she could use to lead him back to her. “What are you doing here?” Tila may bakal na pumiga sa puso niya sa malamig na trato sa kanya ng lalaki nang puntahan niya ito sa unit nito. But she knew she deserved his cold treatment. “I…I wanted to talk to you, Adam.” She swallowed the lump in her throat. “Wala tayong dapat pag-usapan.” “Adam. I…I brought this painting.” Ibinaba nito ang tingin sa kuwadrong hawak niya. But still, no emotion in his eyes. “I don't need that piece of trash. You can keep it.” Another dagger pierced her heart. She blinked back the tears on her eyes. “Please, let's talk.” “Fine. Get in.” “I'm sorry, Adam. I'm sorry, hindi kita binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. I’m sorry for accusing you even before listening. I’m sorry kung nagpadala ako sa galit ako. I was very wrong. But now, I'm ready to listen, Adam...” “Why would you want to listen now? Eh, wala namang halaga sa ‘yo anuman ang sabihin ko? You don't really love me, right?” “No. I love you, Adam. I just lied to you when I told you I didn’t love you. Nasabi ko lang iyon dahil sobrang nasaktan ako. Seeing you kissing another girl that night shattered my heart... Sobrang sakit.” “I didn’t kiss Bridget, Chris—” “Bridget?” putol niya sa lalaki. “Your stalker?” “Yes. It was her. She kissed me but I didn't respond to her. I pushed her. Believe me or not, that's what really happened.” “I believe you, Adam. I’m sorry, baby. I’m sorry for doubting your love. Please, come back to me.” Iniyakap niya ang mga braso sa katawan niya ng binata at isinandal ang pisngi sa likod nito. “Baby, please…” Subalit gumuho ang puso niya nang unti-unti nitong alisin ang braso niya. “I'm sorry, Chris.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD