Nathan Hugh's Nakatingin ako kay Vanessa na mahimbing na natutulog sa kama ko, nakayakap siya ng mahigpit sa akin na para bang mawawala ako. Nandito kami sa condo ko, walang nangyari sa amin, sadyang pinatulog ko lang si Vanessa, ayaw niya kasi umuwi sa kanila. Mabuti na lang din at may naiwan siyang ilang mga damit niya rito sa condo unit ko. Tinititigan ko lang siya habang hinahawi ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya. Napangiti ako nang maalala ko iyong panahon na nasa resort kami, gusto ko siyang dalhin doon at tumakas sa lahat pero alam kung lalo lang lalala ang sitwasyon. Napabuntong hininga ako hinawakan ang pisngi ni Vanessa na mahimbing na natutulog pero mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari noong panahon na nasa resort kami kasama

