Nathan Hugh's "At, siguro ito na ang tamang panahon, ang pagdiriwang na ito ay double celebration, because my granddaughter Hayden Vanessa and Nathaniel John Montero are officially engage." Parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig sa tainga ko iyan. Iyang mga kataga na sobrang sakit. Wala sa oras akong napasuntok sa salamin ng kotse ko. Dumugo ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng sakit. Mas masakit kasi na-ikakasal siya sa iba. Alam kong hindi naging maganda ang relasyon ng pamilya ko sa pamilya nila Vanessa. Pero, bakit ganito? Napapikit ako nang mariin bago sumakay sa kotse ko at pinaandar ng mabilis. Wala na akong pakialam kung mamatay na ako ngayon. Hindi ko na malayan na nasa tapat na pala ako ng isang bar, bumaba ako sa kotse ko at pumasok

