"Gising na pala ang tagapagmana," sabi niya. Tulala lang akong nakatingin sa kanya. Ang mommy ni Boss Sungit. Ngumisi siya sa akin ng mala-demonyo. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay tinanggal niya ang duck tape sa bibig ko ng basta lang kaya napasigaw ako sa sakit. "Masakit ba?" Tanong niya sa akin sabay hawak sa panga ko gamit ang isang kamay niya. "Try ninyo po kaya para ramdam ninyo," pabalang na sagot ko. Agad niya naman akong sinampal ng malakas, naramdaman ko naman agad na dumugo ang gilid ng labi ko dahil sa lakas ng sampal niya. Hinawakan niyang muli ang panga ko at tinitigan ako ng masama. "Alam mo ikaw, mana ka sa nanay mo, mang-aagaw kayo!" Gigil na sabi niya sa akin habang mahigpit na nakahawak sa panga ko.

