Matapos ang ilang oras na pagbisita sa akin nila Manager Love ay umuwi na rin agad sila kasi may inaasikaso pa raw sila. Ako at si Queen na lang ang naiwan sa kwarto, daldal nang daldal si Queen samantalang ako naman ay tulala lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung magagalit din ba ako kay Boss Sungit pero alam ko na labas si Boss Sungit sa issue na ito pero nanay at tatay niya ang may kagagawan kung bakit nawala ang mga magulang namin at nag-iisa kong kapatid na lalaki. Magulo rin ang isip ko ngayon, gusto kong makausap si Boss Sungit pero baka kapag nakita ko siya ay wala na akong masabi. Ang gulo ng buhay ko, ma-igi ka dati simple lang kami walang problema na ganito. Siguro kung hindi ko tinanggap ang binigay na trabaho sa akin ni Boss Sungit ay baka tahimi

