"Ako si Miguelito Simone, tatay ako ng Papa mo apo at kayo ng mga kapatid ninyo ang natitirang alala sa akin ng Papa ninyo kayo ng mga kapatid mo ang tagapagmana ko na dapat ay sa tatay ninyo." Literal akong napanganga sa sinabi ni Lolo Miguel. "N-nagbibiro po ka ba kayo?" 'Di ko makapaniwalang tanong. "Hindi apo," sabi ni Lolo Miguel. "Hindi nga po? Lolo Miguel wala namang biruan kapag ako naniwala, tsaka paano 'yon nangyari, laki kaya ako sa hirap ni wala nga nababanggit sila mama at papa tungkol diyan, sumalangit nawa ang kaluluwa nila Mama at Papa," sabi ko. Para kasing nagbibiro lang si Lolo Miguel malay namin magkaapilyedo lang kami o, 'di ba. "Hindi ako nagbibiro apo, at gaya ng sabi mo hindi ako nabanggit nang Mama at Papa mo lalo na ng Papa mo, galit sa akin ang Papa mo kaya

