Matapos kumanta nila Boss Sungit ay umalis na rin sila sa stage, nagpatuloy pa rin ang iba pang kalahok sa pagkanta pero mukha akong lutang dahil sa nangyari. Nang matapos na ang mga kasali pa sa banda ay nagkaroon ng kaunting program pero wala akong maintindihan hanggang ngayon kasi ay malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Ang weird kasi ng nararamdaman ko. "Hoy Vannie, tulala ka," sabi ni Manager Love. "Ha? Wala naman," sabi ko. "Excited na ako, sana magbunga ang pagpa-practice nila Hugh!" Excited na sabi ni Manager Love habang pumapalakpak. "Sigurado na naman 'yon Manager Love, sila Boss Sungit pa," sabi ko. Mayamaya ay nagsalita na ang Emcee na i-a-announce na raw ang manananalo kaya lahat ng kalahok sa battle of the band ay nasa stage kaya naman ang lalakas na naman ng sigawan

