Matapos namin makapag-usap ng maayos ni Juan ay umalis na agad siya, ako naman ay 'di pa dinadapuan ng antok kaya naman tumingin ako sa pigid ng bahay hanggang napako ang tingin ko sa gitara na nasa may closet kaya lumapit ako roon at kinuha ang gitara. Lumabas ako at pumunta sa cottage na walang tao tahimik ang paligid at mukhang mga tulog na rin sila, tanging ihip lang ng malakas na hangin at ang pag-alon ng naririnig sa paligid. Mabuti na lang at bukas pa ang ilaw rito sa cottage na ito kaya 'di ako natatakot. Inayos ko ang gitara at nagsimulang mag-strum. 'Sandali na lang Maari bang pagbigyan Aalis na nga Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay Sana ay maabot ng langit ang iyong mga kamay Sana ay maabot ng langit Ang iyong mga ngiti Sana ay masilip' Napangiti ako nang marea

