Tatlong araw na ang nakalipas simula nang huli kaming nag-usap ni Boss Sungit. At sa tatlong araw na 'yon. Wala pa rin namang pinagbago masungit pa rin si Boss Sungit at lagi akong pinag-iinitan tapos 'di na ako papansinin. Ang gulo rin ni Boss Sungit para siyang buhok na sabog-sabog na 'di mo maintindihan. Kami naman ni Juan wala naman nagbago kinakausap ko pa rin siya kaya ayon lagi akong napag-iinitan na masungit kong Boss na pinaglihi yata sa sama ng loob. Ngayong araw pala ay umalis na si Juan kasi pinapatawag na raw siya ng manager nila kasi kailangan na raw nila mag-practice para sa battle of the band na nalalapit na raw. Kaya nga nagtataka ako kasi sila Boss Sungit parang wala lang nagtataka tuloy ako kung kasali pa ba sila roon kasi 'di ko naman sila nakikitang nagpa-practice

