Nang matapos na ang pagpa-practice nila Boss Sungit ay masaya akong tumayo at inabutan si Boss Sungit ng tubig. "Boss sungit, pwede ba deretso uwi na ako sa bahay? Wala kasing kasama 'yong kambal." Napaiwas ako ng tingin sa huling sinabi ko, nagsisinungaling kasi ako baka kasi ma-beast mode na naman sa akin kapag sinabi ko na kasabay kong umuwi si Juan. Kanina na pag-isip-isip ko siguro nagseselos siya sa akin kaya nagalit siya, siguro type niya si Juan kaya siya nagalit kanina. Bestfriend lang naman kami ni Juan, e. "Okay," sabi niya sabay lampas sa akin napangiti naman ako. "Salamat, Boss Sungit," sabi ko habang nakatingin sa kanya humarap naman siya sa akin at tiningnan lang ako ng walang emosyon. Siguro hanggang ngayon selos pa rin siya sa akin, galit pa rin siya sa akin. Malay

