Matapos namin kumain ay pinapunta ko na muna sila Juan at Boss Sungit sa may sofa habang ako naman ay naghuhugas ng plato pati ang kambal ay pinapunta ko na rin doon. Nang matapos na ako maghugas ng plato ay pinunasan ko ang kamay ko at pumunta na rin sa may sofa namin nakita ko naman doon si Boss Sungit at Juan na nasa magkabilang dulo ng mahabang upuan habang nasa gitna nila ang kambal. Nagtitigan ng masama ang dalawa. Sus, itong dalawang 'to mga ayaw lang maglantad pero sa totoo 'yang dalawang 'yang kung anu-ano ang iniisip niyan. "Kambal, doon muna kayo sa kwarto natin," sabi ko sa dalawa tumango naman sila sa sabay na pumasok sa kwarto namin pagkapasok ng kambal ay tumingin ako sa dalawa na hanggang ngayon pa rin ay masasama ang tinginan sa isa't isa. "'Di pa ba kayo uuwi?" Tanon

