MAGDAMAG na nag inom si Marius sa kanyang condo. Masama ang loob niya na iniwan siya ni Blessie. 'Di man lang nito inalam ang lahat sa kanya. "Mahal na mahal kita, Blessie. Sana binigyan mo ako ng chance to explain everything. Hindi 'yong basta basta aalis ka na walang paalam!" Hinanakit niyang malakas na sigaw. Why should she leave? Puwede nilang pag usapan. Kung anuman ang narinig niya ay hindi narinig ni Blessie ng buo. Umaga nang magising si Marius dahil sa tunog ng kanyang phone. Nakatulog pala siya sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. Pupungas pungas pa siyang bumango. At kinuha ang phone sa bulsa ng kanyang pantalon. "Yes," pagalit na sabi niya sa knilang linya. "Sir, dinala po si Miss Blessie sa probinsya. Nasa Isabela po nakatira ang Lola ni Ma'am," imporma ng inutusan niya

