NASA labas pa rin siya ng bahay nina Blessie. Bigla naman tumunog ang phone niya. Si Blessie. Mabilis niyang sinagot ang tawag at itinapat sa tenga niya. "Marius." "Blessie, where are you? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo sa opisina. Kung nasaan ka, sabihin mo para mapuntahan kita. Hindi ka ba papasok? Maysakit ka ba? Baka napagod ka sa pagpunta natin sa Davao?" puno ng pag-aalalang mga tanong ni Marius sa kabilang linya. Naririnig niya ang mga malalim na paghinga ni Blessie. "Puwede ba tayong mag-usap? Wala ako sa bahay ngayon. Isend ko ang address kung nasaan ako," ramdam ni Marius ang lungkot sa boses ni Blessie. "Mukha seryoso 'yan. Sige, pupunta ako." Nang magpaalam si Blessie ay pinatay na nito ang tawag. Nagtataka si Marius sa naging gawi ni Blessie. Parang maayos pa naman

