DINALA si Blessie ni Marius sa isang sikat na pasyalan sa Davao. Ang Malagos Garden Resort. Laking tuwa ni Blessie ng makita ang buong paligid sa resort. First time niyang makapunta sa ganitong lugar. Sa Baguio pa lang naman ang unang pinuntahan niyang lugar. Ni minsan ay hindi pa siya ay hindi pa siya nakapag bakasyon sa ganito kaganda na lugar. Napakaganda, sariwa ang hangin at ang aliwalas sa paningin ng maalon at asul na dagat. Parang gusto niyang dito na lang pansamantala mamalagi. Napakatahimik at simple lang ang buhay. Malayo sa lahat ng ingay at gulo sa siyudad. Napasinghap si Blessie nang may yumakap sa kanyang beywang mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa kanyang likod. Tumatama din ang mainit na hangin mula sa ilong ng bintana. Hinawakan niya ang mga braso

