“Kaya ko naman maglakad,” pangungulit ko kay Peter. Paano’y karga-karga niya ako ngayon pababa ng bundok. Nakapasan ako sa kanyang likuran.
Noong halos patag na kasi ang daan, nakakita na naman kami ng ahas. Syempre ay napasigaw ako sa takot. At ang solusyong naisip ni Peter ay buhatin ako. Ayaw ko sana dahil mabigat din ang bitbit namin. Pero sa huli ay pumayag din ako dahil akala ko hanggang sa makalayo lang.
Kaya lang ngayon, tanaw ko na ang dagat ‘di kalayuan pero ‘di pa rin niya ‘ko ibinababa. Kailangan ko pang makipagpilitan para hindi maging pabigat sa kanya.
“Malapit naman na tayo,” sabi niya kahit na parang tuldok pa lang sa paningin ko ang kanyang kubo. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw kaya pinagpapawisan na siya sa init. Sinusubukan ko itong punasan pero panay lang ang pagtakas.
“Oo nga. Malapit na. Malapit ka nang mapilayan sa bigat ko,” sarkastikong balik ko sabay bahagyang tapik sa kanyang balikat. Kanina pa kasi siya sa kaka-malapit niya.
“Hindi ka naman kabigatan.”
Awtomatikong lumukot ang mukha ko sa kanyang komento. “Seryoso ka ba? Pasalamat ka wala kang timbangan sa kubo.”
Peter chuckled softly. Aba’t talagang nagawa pa niyang matawa. Hindi ko alam kung ganun ba siya kalakas para sabihing ‘di ako kabigatan. Pero sa totoo lang, kahit may kurba ang katawan ko ay hindi ko masasabing sexy o petite ako. Kaya nga kanina pa ako alalang-alala sa likod niya.
"Trust me. You're not heavy for me, not even close,” assurance pa niya.
My heart skipped a beat at what he said, recalling how I was on top of him the night before, but I managed to laugh it off.
“Sus. In-love much?” panunukso ko habang tumatawa.
“Sobra.”
Natigilan ako sa pagtawa. Napaisip kung tama ba ang intindi ko sa sagot ni Peter. Para kasing indirectly niyang sinabi na mahal niya ako – bagay na hindi ko pa direktang naririnig mula sa kanya.
Kagabi ko sinabing mahal ko siya… pero hindi ko ito narinig pabalik.
I try not to let it get to me, especially when I look back at how he acts towards me and the personal things he has shared with me. Kumbaga’y gets ko naman na kung anong feelings niya.
But deep down, there's a part of me that wishes to hear those three words echoed back, even if not now, then maybe someday…
“Pete! Bra!”
Napunta ang atensyon namin sa grupo ng mga taga-isla ‘di kalayuan. Tumakbo sila palapit sa ‘min – nangunguna sina Lorenz, Lorraine, at Reese na bakas ang pag-aalala sa mukha nang makita kami.
“May nangyari ba sa taas ng bundok?” nag-aalalang tanong ni Lorraine sabay suyod ng mga mata sa katawan ni Peter. Mukhang alalang-alala siya para rito.
“Teh, obvious naman na may nangyari,” singit ni Reese na may mapanuksong ngiti kaya agad siyang siniko ni Lorraine. Kung ‘di pa tumawa si Lorenz ay ‘di ko makukuha ang kanyang ibig sabihin.
Uminit tuloy lalo ang buong mukha ko. Nagpumilit na talaga akong bumaba mula sa likuran ni Peter. Saktong nakalapit ang iba pagtayo ko nang maayos. Kasama na rito sina Aling Dolores at Mang Cardo.
Una akong nilapitan ni Aling Dolores. “Nakalimutan kitang paalalahanan! Natuklaw ka ba ng ahas, iha?” puno ng pag-aalalang tanong niya. At bago pa siya lumuhod para tingnan ang binti ko ay agad kong sinagot.
“Ah hindi naman ho–”
“Ay naku po. Mukhang may ibang tumuklaw!” Si Lorenz naman ang nagparinig na lalo kong ikinahiya. Magrereklamo sana ako sa pang-aasar nila pero una nang binato ni Peter ang dalang gamit sa kaibigan. Muntik pang matumba si Lorenz dahil may kabigatan ito.
“Mukhang marami kang time dumaldal. Padala sa kubo,” utos ni Peter na nagawa pa nitong tawanan.
Nailing na lang tuloy ako bago kinulit ni Aling Dolores tungkol sa naging surpresa ko kay Peter. Sumama na rin sila pabalik sa kubo. At dahil nauuna sina Peter at Lorenz sa paglalakad, panay ang lingon ni Peter sa ‘kin. Sa tuwing nagtatagpo tuloy ang mga mata namin ay ‘di ko mapigilan ang pagngiti.
Kalaunan ay ‘di siya nakuntento at nakita ko ang paglahad ng kanyang kamay sa likuran. Hinawakan ko naman ito kahit ‘di kami magkatabi naglalakad. Tuloy ay simple kaming magka-holding hands kahit nasa harapan ko siya.
Iba ang saya ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam ma-in love sa islang ito.
***
Napatingin ako sa oras sa phone ko at napalunok. Madaling araw na pero pareho pa rin kaming gising ni Peter. Nakaupo kami sa sala at parehong tutok sa cellphone. Wala naman na talaga akong ginagawa kaya panay ang bukas-sara ko ng mga apps. Kanina nga pagkatapos kumain ay nagbasa-basa ako ng libro. Pero hindi rin kasi ako makapag-focus kaya itinigil ko rin muna.
Hindi ako sigurado kung ganito rin ba ang nararamdaman ni Peter pero parang busy naman talaga siya sa cellphone niya. Nahihiya lang ako silipin kung anong ginagawa niya dahil ayaw kong magmukhang controlling na karelasyon.
Ang tahimik sa buong kubo. Hindi ko alam kung bakit ngayon ito mas naging kapansin-pansin. Naiisip ko ang nangyari kagabi sa bundok kahit sabi niya’y rerespetuhin niya kung gusto ko itong kalimutan. Iniisip ko kasi kung gusto ba niyang maulit ito ngayong gabi.
Hindi ko rin alam kung handa na ba akong maulit ito. At kung gaano ba ito dapat kadalas ginagawa para ‘di siya ma-bored o magsawa sa ‘kin.
Kung anu-ano pang iniisip ko nang basagin ni Peter ang katahimikan, “Hindi ka pa inaantok?”
“Inaantok!” napalakas kong sagot sabay tayo. Dahan-dahan kong pinagdikit ang labi. Masyado kasing obvious na kabado ako.
Binukas-sara ko ang mga mata nang sa gilid ay napansin ko ang pagbaba niya sa hawak na cellphone. “Bukas ang dating ng TV na inorder ko. Para may mapaglibangan ka.”
Napalingon ako sa kanya habang malawak ang ngiti, “Talaga ba? Grabe, talagang sineryoso mo ‘yung sinabi ko!”
“Oo naman. Magsabi ka lang kung ano pang gusto mo rito sa isla.”
“Ay wow. May-ari lang ang peg?” biro ko sabay tawa.
Nangiti na lang si Peter sabay tayo. “Maaga pa tayo bukas. Magpahinga ka na,” aniya at dito naunang maglakad papunta sa kwarto.
Hinigit ko ang hininga ko nang maisip na gabi-gabi na kaming magkatabi sa kama simula ngayon. Alam kong ito na ang iniisip sa ‘min ng mga tao, pero ang totoo’y ngayon pa lang ito mangyayari.
Masaya ako kung ito lang ang iisipin. But if it’s more than sleeping beside each other…
Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakasunod kay Peter. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at dito ako unang pumasok. Kasunod ko lang siya nang marinig ang pagsarado nito. Humiga ako sa kaparehong side ng kama at naramdaman ang pagtabi niya sa ‘kin.
“Goodnight, Tart…” sabi ni Peter na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
“Goodnight din… Tart.” Ako ang nagpasimula ng tawagang ito for fun pero ako rin itong sobrang apektado ngayon. Bakit kasi ‘pag galing kay Peter ay iba ang dating sa ‘kin?
Pumikit kaagad ako pero nakiramdam habang nakatalikod sa kanya. Napaisip ako kung susubukan ba niya akong yakapin – o hingan ng higit pa.
At sa paglipas ng bawat minuto, hindi ko napansin kung saang punto ng gabi ako nakatulog. Pagdilat ko ay may liwanag nang sumisilip sa kwarto. Umikot ako at nakitang bakante na ang tabi ko. Amoy ko rin ang mabangot sinangag galing sa labas ng pinto.
Parang naalimpungatan, tumayo ako at lumabas ng kwarto. Maingat akong naglakad at sumilip sa kusina. Nakita ko namang nagluluto si Peter dito. Wala siyang suot na pang-itaas pero may towel sa ibabaw ng balikat. Medyo basa ang kanyang buhok kaya mukhang bagong ligo.
Napangiti na lang ako sa kawalan. “Salamat po, Lord,” ito na lang ang naibulong ko.
***
Being with Peter makes me feel safer than I've ever felt before.
Akala ko kapag lumabas ako sa comfort zone ko, sa mundong nakasanayan ko, ay hindi ko kakayanin. Pero ngayong nagawa ko na ito, hindi naman pala nakakatakot.
At sa araw-araw na kasama ko si Peter, mas lalo kong napapatunayang tama ang desisyon kong manatili sa isla kasama siya.
Sa loob ng isang Linggo ay magkasama kami ni Peter hindi lang sa kubo kung hindi maging sa trabaho. Kung may nagbago man sa relasyon namin, iyon ay mas napalapit kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kay Peter pero mas naging attached ako sa kanya. Akala ko imposible para sa ‘kin maging clingy sa isang tao pero pwede pala basta sa tamang tao.
Sa paggising at pagtulog, si Peter ang hinahanap ko sa tabi ko. At sa bawat oras na magkasama kami, masaya at kuntento ako.
Katulad ng mga nagdaang araw ay nagpunta kami sa kabilang isla upang humango ng mga gamit at pagkain. Naikarga na namin lahat sa bangka at binigyan ulit kami ng oras para makapaglibot-libot. Tutal naman ay mas maaga kaming natapos ngayon – salamat daw sa coordination ko.
Natuwa naman ako dahil hindi ako naging pabigat. Nakatulong ako sa mga kasamahan ko kahit si Peter ang taga karga ng mga gamit na may kabigatan para sa ‘kin. Ako kasi ang punong abala pagdating sa advance planning at inventory. Sinisigurado kong bawat byahe namin ay sulit para mas maging mabilis ang trabaho para sa lahat, na sinuportahan naman ng boss namin.
Nakatanaw sa malawak na dagat at nagmumuni-muni, hinawakan ni Peter ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. “Handa ka na bang matutong mag surfing?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya sabay pigil ng tawa. “Marami pa naman tayong oras para dyan. Nung nakaraang langoy ko, parang nakalimutan mo namang muntik nang maging huli. Sabagay, busy ka sa ibang babae,” may tono ng pagtatampo kong saad.
Napahawak naman siya sa kanyang sentido; biglang naging problemado. Akala yata niya ay kakalimutan ko na lang basta ang selos na naramdaman ko noon. “Ikaw lang ang tuturuan ko simula ngayon,” walang pagdadalawang-isip niyang saad.
“Aba dapat lang! May iba ka pang balak turuan?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Umiling naman siya na parang biglang naging masunurin. “Wala–”
Tinawanan ko siya, “Joke lang! Ayos lang sa ‘kin kung magtuturo ka sa iba. Promise! Hindi naman ako ganun kababaw. Basta turo lang! Kung hindi, ako mismo ang manlulunod sa kanila.” Sabay kaming natawa. Mukhang nakahinga naman siya nang maluwag nang yakapin niya ako mula sa likod. Sabay naming pinagmasdan ang payapang dagat.