7. ENCOUNTER

1561 Words
Unang araw ng pasukan, walang ganang naghanda si Jovanna ng sarili upang pumasok. Hinatid siya ng kaniyang kapatid na si Keslie papasok sa Golden Sien Academy at binaba sa harap ng malaki at itim na gate nito. "Bye, bye, Jana. This is your first day sa new school mo and I hope na hindi ulit mangyari ang nangyari sa last school mo. Hindi madali maglinis ng ebidensya, tandaan mo 'yan," nakangiting sambit ni Keslie sa kapatid at saka niya ito kininditan. Hindi kumibo ang dalaga at pinagmasdan ang kapatid na umalis. Nang mawala na siya sa kaniyang paningin, doon na lamang siya pumasok sa loob. Sa mga oras na iyon, habang siya ay naglalakad, sinuri niya ang buong lugar. Malawak ang loob ng bago niyang paaralan, marami ring mga halaman at punong nakatanim sa paligid. May nakita rin siyang naglalakihang limang building na nakatayo sa loob. Ang apat na building ay magkaharap, samantala sa pinakadulo nito ay doon nakatayo ang isang building na nakaharap sa entrance. Dahil maganda ang lugar, nagustuhan iyon ni Jovanna ngunit ang ayaw niya lang sa lugar na iyon ay kung gaano karami ang taong nakapaligid sa kaniya. Hindi sanay ang dalaga sa tao kaya naman hindi siya nasiyahan sa oras na siya ay pumapasok sa paaralan. Napabuntong hininga ang dalaga at nagmadaling naglakad para hanapin ang kaniyang classroom. Naging normal ang kaniyang araw sa una niyang pasukan. At dahil bagong lipat siya sa nasabing lugar, wala pa siyang masyadong nakikilala bagama't wala rin siyang kagustuhan na makipagkaibigan sa iba. Kahit na unang pasukan pa lamang, naging maingay na ang iba niyang kaklase. Isa sa dahilan na iyon ay halos lahat ng kaniyang mga kaklase ay magkakilala na rin. Lunch break, umalis si Jovanna sa loob ng silid upang maghanap ng tahimik na lugar. Nilibot niya ang buong campus upang makahanap ng isang magandang puwesto para sa kaniya. May nahanap siya sa bandang likuran na kung saan nandoon ang maliit na hardin ng campus. Sa lugar na iyon, may isang matanda at malaking puno ang nakatayo sa gitna nito. Kahit may mga dahon mula sa puno ang nakakalat at kakaunting halaman lamang ang nakatayo, para sa paningin niya, maganda at perpektong pahingahan ito. Bukod doon, napapaligiran pa ito ng luntiang lupa. Mayroon namang isang mahabang upuan na kayang mag-upo ng apat na katao — nakatayo iyon sa harap ng puno. Tahimik at walang katao-tao sa lugar kung kaya napagdesisyunan niya na roon na lamang siya kumain at maging tambayan sa susunod pang mga araw. Umupo siya sa upuan at pinagmasdan ang paligid habang kinakain ang niluto niyang pagkain. Sa kalagitnaan ng kaniyang pananghalian, may narinig siyang mga tawanan at pag-uusap ng mga estudyante na papalapit sa kaniyang lugar. May nakita siyang iilan na taong naglalakad papunta sa kaniyang direksiyon. Nakaramdam ng yamot si Jovanna. Dali-dali naman niya inubos ang kaniyang pagkain bago pa siya tuluyang mawalan ng gana. Bago pa lang siya aalis, nilapitan naman siya ng isang babae na nakapusod ang mahahaba nitong buhok. "Excuse me," panimula niya habang nakangiti, "p'wede ba kami umupo sa tabi mo?" Niligpit ni Jovanna ang kaniyang gamit at sabay na tumayo. Umalis siya sa lugar na iyon na hindi man lamang pinapansin ang babae. Nilapitan naman ng kasamahan ng babaeng nagtanong kay Jovanna. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis niya sa dalaga dahil sa inasal nito sa kaniyang kaibigan. "Wow~ so rude... Kilala mo ba iyon, Latish?" tanong ng kaniyang kaibigan habang nakataas ang kilay nito kay Jovanna. "No," tugon niya. Napaisip nang malalim si Laticia tungkol kay Jovanna. "Pero parang familiar ang face n'ya. I think I've met her before, but I can't remember where or when." "Maybe because nasa iisang school lang tayo?" mataray niyang tugon. "Ilang years na kaya tayo rito, 'no? And ka-vibes na rin natin mga teacher natin sa sobra nating tagal." "Yeah. You're right naman na matagal na tayo sa school… Ito kasing si Ate Girl ay ngayon ko lang siya nakita, but at the same time parang magkakilala na kami nang matagal," may halong pagtataka niyang tugon. "Alam mo, Latish… Ang gulo mo, sa totoo lang… You know, what? Gutom na ako. Baka gutom lang 'yan. 'Wag mo na pag-iisip iyan at lalo ka lang magugutom... Let's go," aniya na sabay niyang hinila ang kaibigan papunta sa upuan. Hinayaan naman niya hilahin siya ng kaibigan at kumain sa ilalim ng puno. Taimtim niyang iniisip kung saan niya nakita si Jovanna subalit kahit anong pag-iisip niya, hindi pa rin niya matukoy kung saan niya ito nakita. Sa kabilang banda, pumasok si Jovanna sa kaniyang classroom at napansin niya na mag-isa lamang siya sa loob. Sinarado niya ang pinto at umupo sa kaniyang puwesto. Ang sunod niyang ginawa ay kinuha niya ang kaniyang kulay abo na earphones at saka siya nakinig ng music. Tumingin siya sa kaniyang kanan kung saan nandoon ang mga malalaking bintanang nakabukas. Kita niya roon ang ganda ng kalangitan. Makalipas nang ilang mga minuto, hindi niya napansin na may iilang mga estudyante na ang pumapasok sa loob ng silid. Sa oras din iyon, bago pa pumasok si Laticia sa kaniyang classroom ay nagpaalam muna siya sa kaniyang mga kaibigan sa ibang seksyon. Pagpasok niya ay napansin niya si Jovanna. "Wait, siya iyong..." bulong ni Laticia sa kaniyang sarili, at saka siya bumalik sa kaniyang upuan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bandang likuran ni Jovanna. Pinagmamasdan niya ang tahimik niyang kaklase. Hindi pa rin mawala sa kaniyang sarili na mausisa tungkol dito. "I know na nakita ko na siya before, pero bakit hindi ko pa rin natatandaan? There's something in me that wants to remember her," isip niya. Napasandal ito sa kaniyang upuan at tumingin sa kaniyang mesa. "Should I ask her?" bulong niya, sabay siyang tumingin kay Jovanna. Sa ilang minutong pag-iisip kung lalapitan ba niya ang dalaga o hindi, napagdesisyunan niya ring kausapin ulit ang kaklase niya. Habang nakatingin sa labas at nakikinig ng kanta, may humarang sa harapan ni Jovanna. Binaba niya ang isang earphone at tumingala upang tingnan ang taong bumabagabag sa kaniyang katahimikan. "Hi! My name is Laticia, classmate mo ako and doon ang seat ko." Sabay turo sa sariling upuan. "Oh! By the way, ako nga pala 'yong nag-ask sa 'yo doon sa upuan kaninang lunch time. Remember me? It is nice to meet you, by the way," pagpapakilala niya na sabay abot ng kaniyang kamay para makipag-hand shake. Tiningnan lang ni Jovanna ang kamay ng babaeng gumugulo sa kaniya. "Ano na naman ba ang kailangan nito?" isip niya na may halong pagkairita ngunit hindi niya ito pinahalata. Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi siya nakipag-kamay kay Laticia dahil wala siyang gana na makipagkaibigan sa kaniya. Hinayaan lang niya ito. Iniatras naman ni Laticia nang dahan-dahan ang kaniyang kamay, subalit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mukha. "First day of class pa lang kaya it's alright to be shy. Actually, gan'yan din ako sa first day ko in school. By the way, are you perhaps a transferee?" mabilis niyang sambit. "There's only five section sa bawat grades and familiar ako sa mga face nila and it seems na bago ka pa lang dito. "If you want, I'm willing to be your tour guide. I will tell you kung saan p'wedeng tumambay, especially in our lunch time or even sa free time natin… You can trust me, 'cause kinder pa lang ako ay dito na ako nag-aral kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa loob ng school. Actually… Hindi naman masyado malaki ito so mame-memorize mo rin agad ang school. But it's much better if you have someone with you when you're exploring our campus, right? "Remember sa harapan ng malaking puno na nasa parking lot? Sa tabi niyon, may isang parang small na burol na nakatayo. Sabi pa nga ng iba na may nuno raw do'n na naka-stay. I even remember when I was kinder, those stories were always told to us by our teachers to, you know, to keep us from staying here nang matagal. And then..." pagpapatuloy niya sa kaniyang kuwento tungkol sa karanasan niya sa paaralan. Hindi huminto si Laticia sa pagsasalita. Lalong nairita si Jovanna sa kaniya. Kahit nilakasan na niya ang pinapakinggang music, nangingibabaw pa rin ang boses ni Laticia. "Puwede ko ba siyang putulan ng dila?" isip ni Jovanna habang tinitiis ang kadaldalan niya. Binaba niya ang earphones at nagwika, "Shut up. Gusto ko ng katahimikan. Iyon lang ang kailangan ko sa ngayon... Thanks." Napahinto si Laticia sa pagsasalita at siya ay napasinghap. Narinig niya kung gaano kalamig at kalalim ang boses ni Jovanna na tunay nagpataas ng kaniyang balahibo. Nagulat at napahawak sa bibig ang dalaga nang marinig niya iyon. Bumulong pa siya ng "Oh my G! Boses ba 'to ng girl? Bakit nakakakilig ang boses n'ya? 'Di naman ako tomboy or bi, pero bakit ako kinilig sa kaniya?" dahil sa pagkamangha niya sa kaklase. Bigla niya nilapitan si Jovanna na kinabigla nito. Yumuko siya at nilapit ang mukha sa kaklase. Masaya niya itong tinanong, "Ano name mo? I think we'll become a ve~ry good friends so we should know each other's names, 'di ba? Oh my gosh! Excited na ako sa susunod na mga araw na magkaklase tayo!" Dahil sa ipinahayag ni Laticia, napabuntong hininga na lamang siya at napailing. Napagtanto na niya na hindi magiging tahimik ang kaniyang mga susunod na araw nang dahil sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD