8. LOUD

1558 Words
Nagkatotoo nga ang pinakaaayaw kong mangyari simula no'ng tumapak ako sa school. Simula nang nakausap ako ni Laticia, naging maingay na ang dapat kong tahimik na school life. Palagi na lang n'ya ako hinahanap at dinidikitan na parang linta. Dahil sa kan'yang ginagawa, marami tuloy ang nag-aakala na malapit kaming dalawa sa isa't isa, pero ang totoo niyan ay salungat ito sa kanilang iniisip. Ayokong magkaroon ng kaibigan na kasing ingay at ligalig niya. Sa totoo niyan ay ayoko talaga magkaroon ng kaibigan. Ilang beses ko na rin siyang tinataboy, ngunit palagi lang niya ako ningingitian — walang pakialam. Hindi ba s'ya nakakaintindi ng salita ng tao? Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng 'Ayokong makipagkaibigan sa 'yo'? Palagi rin niya ako niyaya sa lahat ng bagay at sa oras na nakikita niya ako, palagi niyang pinupulupot ang kan'yang mga kamay sa aking braso. Kahit na labag sa aking kagustuhan, pinapakilala pa rin niya ako sa mga kaibigan niya at kung ano-anong mga walang k'wentang bagay pa ang kaniyang binabanggit sa kanila. Ilang beses ko na rin siyang nasabihan na ayaw ko siya makasama o ayaw kong sakyan ang mga trip niya, ngunit kahit kailan ay hindi niya ako pinakinggan. Tatawa lang siya at sasabihing, "Ayos lang na maging shy…" Hinayaan ko na lang siya. Wala na akong magagawa sa sakit niya, mukhang malubha na 'to at wala ng lunas. Pero ano itong kakaibang nararamdaman ko? May… para bang may kumikiliti sa loob ko kapag pinupuri nila ako. At gumagaan ang pakiramdam ko sa oras na kinakausap nila ako. Nararamdaman ko lang ang mga ito sa oras na ako'y pumapatay. Gumagaan lang ang aking kalooban kapag ako'y pumapatay at dapat hanggang doon lang. Ngunit ano itong nararamdaman ko, masyadong palaisipan. Sa ngayon, nasa gym kami para kami ay mag-P.E. Suot ang aming uniform — puting T-shirt na may logo ng school sa likod na nasa bandang kwelyo at sa harap nito ay ang pangalan ng aming school, kulay itim naman ang suot namin na pants at may linya sa gilid na kulay ginto ang design — ay nag-warm up kami para sa ibinigay na task sa amin. Sumipol ang aming professor at lahat kami ay huminto sa aming warm ups. "Okay, class, gagawin na natin ang hinihintay ninyong basketball, lalo na ang mga loko-lokong lalaki sa likod na walang ginawa kun'di mag-basketball sa classroom habang naghihintay ng teachers," banggit ni Miss na tinawanan ng ilan. "Today, ituturo ko sa inyo kung paano mag-dribol… Alam ko iyong iba ay disappointed dahil kating kati na silang i-shoot ang bola sa ring. Mga fetus, dribol lang muna po tayo — basic muna, ah? Hindi ka makaka-shoot kung hindi ka makalalapit man lamang sa ring para tumira. "Isa pa, marami pa rin ang nagkakamali kung paano mag-dribol. Iyong iba ay palad ang ginagamit sa pag-bounce ng bola at siyempre, mali iyon... Para makontrol ninyo nang tama at ligtas ang bola, dapat mong i-bounce ito gamit ang mga daliri ninyo, maliwanag ba? Hindi ito volleyball, basketball ito, okay?" paliwanag niya habang ine-execute niya ang kaniyang sinasabi. Sumang-ayon naman ang lahat sa kan'yang pangaral. "Good! Now, pumuwesto na kayo at gawin ang mga sinabi ko," utos ni Miss. Binigyan kami ni Miss ng tig-isang bola at pinalinya kami. Tinuruan kami kung paano mag-dribol ng bola, iyong tamang form ng aming katawan at kung paano namin ma-steady ang bola habang pinapatalbog ito. Kasalukuyang nakaluhod ang isa naming tuhod samantala ang kabilang paa naman ay nakatapak sa sahig. Mga ilang minuto rin kaming ganito ang p'westo kung kaya ang ilan ay napapatayo dahil nasasaktan na ang isa nilang tuhod. Pinagbibigyan naman sila ng aming professor sapagkat nauunawaan naman n'ya na hindi lahat ay sanay sa ganitong gawain. Habang kami ay gumagawa ng activity, may mga ibang section ang pumasok upang gumamit ng gym. Nasa kabilang side sila at kasalukuyang nagtatayo ng net para sa activity nila na volleyball. Muling sumipol si Miss, senyales ng paghinto namin sa aming ginagawa. Binigyan kami ng twenty minutes para magpahinga. Pumunta ako sa side ng court kung saan nando'n ang aking tubigan. Kinuha ko ito at ininom habang pinupunasan ang aking mga pawis. Habang umiinom ako ay tumingin ako sa court at tiningnan ang iba kong mga kaklase. May mga ilan na nagpapahinga, iyong iba naman ay nagkuk'wentuhan lang, samantala ang karamihan ay sinusubukan na i-shoot ang bola sa ring — sinusulit ang binigay na oras ng aming professor. Nasa kalagitnaan ako ng pahinga nang dumating na naman si Laticia sa 'king p'westo at niyaya ako, "Let's go, Jovanna. Maglaro tayo ng basketball with them," habang nakangiti. Hindi ako maka-hindi sa kaniya sa kadahilanang alam kong kukulitin na naman n'ya ako hanggang sa mapa-oo niya ako. Anong magagawa ko? Wala akong ibang choice kun'di sumama sa kan'ya. Kung p'wede sana lumpuhin ang babaeng ito upang hindi na siya makapasok sa school, ginawa ko na, subalit masyadong maraming witness. At isa pa, nangako rin ako kay ate na magpapakabait(?) na ako ngayon. Nais ko man siya sundin, pero sadyang sinusubukan ako ng aking pasensiya. Pagpunta namin do'n ay ginurupo kami ng aming class president sa dalawa, lahat kami ay babae. Naging kagrupo ko si Laticia dahil sa pangungulit n'ya sa aming president. Mga ilang segundo nilang pag-uusap ay nag-umpisa na kaming maglaro. Sa amin napunta ang bola at kasalukuyang hawak ng kaklase namin na hindi ko matandaan ang pangalan ang bola. Hindi naman makalaro nang maayos ang ilan kung kaya ginagawa na lang nila patawa ang aming paglalaro. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng babaeng ito at kung bakit pa ako isinali rito. Hindi ko na lang ito sineryoso. Ilang minuto rin ang kanilang paglalaro at ni isa ay wala pang nakaka-score. Nang napunta ang bola sa akin, agad ko ito binato papuntang ring at ito ay na-shoot. Hindi ko alam na papasok 'yon. Pinuri ako ni Laticia na lalo kong kinainisan. "Wow, Jovanna, ang galing-galing mo talaga. Ang cool mo do'n sa part ng pag-shoot mo. You look like a basketball player," masaya niyang sambit, at saka niya ako ginaya nang ako ay nakatira. Hindi ko pinansin ang puri n'ya at nananatiling nakatingin sa taong may hawak ng bola. Ilang minuto rin kaming naglaro at napapansin ko na habang tumatagal ay patuloy nila ibinibigay sa 'kin ang bola. Sa una hindi ko maunawaan ang dahilan kung kaya sinusubukan ko ito itira at pumapasok naman. May isa nga lang ang hindi nakapasok sa kadahilanang bigla ako naharangan ng isang malaking babae. Naging seryoso ang lahat at may mga nag-sub para lang makilaro sa amin. At sa huli, doon ko na lang nalaman ang dahilan, gusto lang pala nila ako subukan lalo na ang president namin si Pablo. Si Pablo ay isang varsity player ng basketball sa school. Siya rin ang captain ng team at kilalang kilala siya sa buong campus. Sa huli kong tira, nagtagumpay ulit ang pagpasok nito sa ring. Agad ako pinuntahan ni Laticia na kanina pa nanonood, isa siya sa nag-volunteer na umalis. Pinuri ako nang pinuri hanggang sa dumugo ang tainga ko. "Puwede na ba ako umalis? Gusto ko na magpahinga," agad kong tanong sa kan'ya. "Oh, okay... Well, since na kanina pa nga tayo naglalaro, I think naman na need mo na rin... " Hindi ko na tinapos ang kan'yang sinasabi. Agad akong naglakad paalis sa kaniya. Sa tingin ko ay tama na ito. Matagal-tagal din ang huli kong kill– I mean, exercise. Ang huli kong exercise ay no'ng naghabulan kami ng babae sa bundok. Hindi naman ako masyado pinagpawisan dahil madali ko lang siya nahabol at hinatid sa impiyerno. Hindi pa ako nakalalayo ay may naramdaman akong kakaiba mula sa aking likuran. Masama ang kutob ko rito kung kaya agad ako tumalikod. Mabilis kong hinarangan ng aking kanang kamay ang mabilis na bolang papunta sa direksyon ni Laticia. Nasalo ko ang bola ng volleyball at sabay ko rin ito kinuha. Nakita ko sa mukha niya ang matindinh pagkagulat, hindi agad s'ya nagkapagsalita marahil dahil na rin sa pagkabigla. Patakbo kaming nilapitan ng isang lalaki at humingi ng sorry sa amin. "Ah... A-Ayos lang," tugon ni Laticia, sabay ngiti rito. "Sorry ulit, kung hindi dahil sa kaniya," sabay tingin sa akin, "baka natamaan ka na. Sorry talaga," paulit-ulit niyang paghingi ng tawad. Napansin ko rin na hindi niya ako matingnan sa mata. Kita ko sa kilos at pananalita niya na siya'y nahihiya. "Sa susunod mag-ingat kayo. Kontrolin ninyo ang hampas ninyo, lalo na't nasa public place kayo at maliit lang ang space," payo ko na sabay kong inihagis ang bola sa kan'ya. Nataranta naman siyang sinalo iyon. "Okay, okay. We will. Thank you and… sorry ulit." Patakbo itong bumalik sa kan'yang puwesto. Babalik na sana ako sa upuan, ngunit bigla naman ako hinarangan ni Laticia at ng ilan naming kaklase. Bakas sa mga mukha nila ang pagkatuwa at pagkamangha. Pinupuri(?) nila ako sa nagawa ko kanina at tinanong kung paano ko nagawang harangan ang bola mula sa likuran. Wala akong lakas upang sagutin silang lahat dahil sa dami nilang nakapalibot sa akin. Lalong nariringgi ang tainga ko sa mga salita at tili nila. Kung p'wede lang bumalik kanina ay ginawa ko na. Hinayaan ko sana matamaan ang mukha ni Laticia ng bola at baka sakaling hindi s'ya makapasok kahit isang araw lang. Kahit sa isang araw lang ay tumahimik ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD