Kasalukuyang nag-aayos si Keslie ng kaniyang sarili sa silid niya. Pagkatapos ay isinuot na niya ang itim niyang fitted na cocktail dress at ang itim na sapatos na may taas na limang inches. Bago pa siya aalis ay kinuha niya ang kaniyang maliit na shoulder bag at isang plastic bag na may lamang polo shirt.
Muli niya inayos ang kaniyang mukha at nasiyahan sa kinalabasan ng kaniyang gawa. Ngumiti muna siya at nagwika ng "Perfect!" sa kaniyang repleksyon bago tuluyang umalis.
Tirik pa ang araw nang nilisan ang kanilang tahanan. Sakay sa kaniyang itim na kotse, pumunta siya sa isang tahimik at abandonadong lugar. Napapaligiran ang lugar ng mga ligaw na halaman at iilan na mga bulaklak. Sa lugar din niyon, may isa namang lumang gusali ang nakatayo. Kapuna-puna naman ang mga bitak-bitak na mga pader at pinaliligiran na rin ito ng maraming lumot, senyales na matanda na ang gusali.
Pagkatapos niyon ay ginarahe na ni Keslie ang sasakyan sa harapan ng gusali. Lumabas siya at pinagmasdan ang paligid. Tahimik at tanging tunog lang ng mga kuliglig ang kaniyang naririnig sa mga oras na iyon.
Makalipas ng mga ilang segundo ay pumasok na siya sa loob. Suot ang kaniyang itim na gloves na gawa sa latex, kinuha niya ang susi ng padlock upang buksan ang pinto na gawa sa yero. Malawak ang loob at maraming nakatambak na mga sira at lumang gamit, karamihan doon ay gawa sa kahoy. Ang lahat naman ng bintana na naroon ay sementado na kung kaya napakadilim nang siya ay pumasok.
Binuksan niya ang mahinang ilaw na maliit lang ang nasasakop nitong liwanag. Sunod niyang isinara ang pinto at lumapit sa ilaw.
Habang siya ay naglalakad, may narinig siyang ungol ng isang mahinang lalaki. Bahagya itong umungol sa sakit at pagapang na lumalapit sa liwanag. Nakita ni Keslie ang isang lalaking duguan at maraming latay at pasa sa katawan. Wala ring suot na pang-itaas ang nasabing lalaki, tanging sira-sirang maong na pantalon ang suot nito.
Nang makalapit ang lalaki sa liwanag ay agad din itong bumagsak. Hingal na hingal at tunay na nahihirapan. Tumingala ang lalaki at tiningnan si Keslie. "Please... Keslie… T-Take me," nanghihina niyang pagmamakaawa.
Sinuri niya ang mukha ng lalaki at kapansin-pansin na ang mukha lang nito ang walang sugat o galos kahit katiting lang.
Nilapitan ni Keslie ang lalaki at hinaplos ang maganda nitong mukha. "Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin, hm?" malambing niyang tanong.
Bumilis ang kabog ng puso ng lalaki at saka nilunok ang kaniyang laway bago ito magsalita. Bulong niya, "I... s-s-sincerely apologize. I-I will do... e-everything you say. I will give you… anything that y-y-you desire… so please… haah… please forgive me." Kahit tuyo ang kaniyang lalamunan at hirap na magsalita ay pinilit pa rin niyang sagutin ang babae.
"Really? You will do anything that I said? Then why did you disobey me?" walang emosyon niyang tanong.
"I'm s-s-sorry. I'm j-just a fool... Please for…f-forgive a fool l-like me. G-G-Give me a...nother chance t-to prove to you h-h-how sincere I am and…and my loyalty t-t-to you," mahina niyang tugon na kasabay niyon, ang kaniyang pag-iyak.
Yumuko at pinunasan ni Keslie ang mga luhang pumatak sa mga mata ng lalaki gamit ang kaniyang suot na gloves at hinalikan niya ito sa noo. "Madali lang naman ang utos ko sa iyo. Kung una pa lang, sinunod mo na ako, hindi na sana ito nangyari pa. I think you know how much I love you and… I don't want to see you in any kind of pain. My heart is always aching sa oras na pinaparusahan kita ng gan'to," malungkot na tugon ni Keslie sa kaniya. Pagkatapos niyang magsalita ay sunod siyang tumayo. "Let's go," yaya niya. Inabot niya ang kanang kamay rito.
Sinubukan namang tumayo ang lalaki upang abutin ang kamay ni Keslie. Kahit na siya'y nahihirapan ay nagawa pa rin niyang magalaw ang sariling katawan. Kasalukuyan siyang nakaluhod at inabot ang kamay ni Keslie. Gumaan ang kaniyang pakiramdam nang maabot niya ang kamay ng babaeng kaniyang minamahal.
Nilapitan at niyakap siya ni Keslie na sabay ang pagtulo ng mga luha ng lalaki. Hinihimas-himas naman siya sa kaniyang buhok upang siya ay kumalma.
Nang mahimasmasan ang lalaki, niyaya na niya ito umalis sa madilim at maruming lugar. Pinasuot ni Keslie rito ang itim na polo shirt na dala-dala niya kanina. Pagkatapos ay inalalayan na niya ang lalaki hanggang sa makapasok ito sa loob ng kotse.
Bago pa lang sila aalis, kinuha niya ang cellular phone na may bomba at kinandado ang pinto. Bumalik na rin siya sa loob ng kotse na kung saan naghihintay ang lalaki. At saka niya kinuha ang isang paper bag na nasa likuran, iniabot niya iyon sa nanghihina at gutom na gutom na lalaki.
Nang makita nito ang laman, mabilis niya iyon binuksan at saka kinain ang pagkain na nasa supot. Pinagmasdan lang ni Keslie ang lalaki kung paano ito kumain. Siya ay napangisi nang makita ang kaawang awang kalagayan nito.
Habang nasa kalagitnaan ito ng pagkain, nagsalita si Keslie tungkol sa kaniyang nararamdaman. "You know... I thought na bibiguin mo ulit ako. Akala ko hindi mo na ako tatawagan simula no'ng mahanap mo ang cellphone na ito." Sabay niyang pinakita ang hawak niyang phone. "You don't have any idea how happy I am nang malaman kong ako ang una mong tinawagan. If you didn't call me ay baka," biglang naging malungkot ang kaniyang mukha na mabilis napuna ng lalaki, "baka sabog na ulo na lang ang maaabutan ko sa warehouse. Alam mo ba na ang phone na ito ay naka-program para sumabog sa oras na nag-dial ka ng ibang number?" Sunod niya itong binigyan ng malaking ngiti — isang malaking ngiti na tunay na nakangingilabot.
Biglang nasamid at saka napaubo ang lalaki sa kaniyang kinakain nang marinig ang ibinahagi ni Keslie. Nakaramdam ulit siya ng takot mula sa kaniya, subalit nananaig pa rin ang kagustuhan sa babaeng nasa harapan niya. Iniisip na binibiro lamang siya nito sapagkat nais nitong makita ang takot niyang mukha.
Agad naman siyang pinagtawanan ni Keslie. Sunod din niya kinuha ang tubigan at pinainom sa lalaki. Nang matapos ay pinunasan niya ang bibig nito at binigyan ng isang halik — isang halik na nagpabigla at nagpalakas sa lalaki. Nakaramdam ito ng init mula sa ibinigay na halik ni Keslie, ganoon din kung paano haplusin ng babae ang buhok at ang batok nito.
Hindi rin nagtagal ay inalis din niya ang kaniyang labi sa lalaki. Napansin niya sa mga mata nito ang pagkasabik sa kaniyang mga halik, pati na rin sa kaniyang mga haplos. Siya ay ngumisi at saka kumuha ng dalawang fries upang ipakain sa lalaki.
"You'll need to eat a lot and sleep if…" sabay niyang nilapitan nang husto ang kaniyang mukha sa tainga ng lalaki, "if you want to have enough energy for the treats I'll be giving you tonight… Mr. Aries Coldwell," bulong niya na lalong nagpabilis ng kabog ng puso ni Aries. Tukoy na niya kung anong klaseng treats ang ibibigay ni Keslie sa kaniya.
Nang matapos kumain at magpahinga, tiningnan ni Keslie ang oras — alas-singko na ng hapon. Itinuon naman niya ang atensyon kay Aries at siya ay may napuna. Napansin niya na kakaiba na ang paghinga at namumula na rin ang mukha nito. Mabibigat at mabibilis ang paghinga nito na tila ba hinahabol ito ng kung sino. Bukod pa roon, hindi na tuwid ang tingin ni Aries kung kaya minabuti na suriin ito.
Tinanggal ni Keslie ang suot na gloves at hinawakan ang noo nito. Naramdaman niya ang hindi pangkaraniwang init sa katawan ng lalaki at siya ay nayamot. Ayaw na ayaw niya kasi ang mag-alaga, ngunit wala naman siya pagpipilian sapagkat siya ang dahilan kung bakit nagkasakit si Aries.
Sa kabilang banda, habang nakapatong ang kaniyang kamay sa noo ay maingat namang kinuha ni Aries ang kamay niya. Hinalikan ng lalaki na may pagmamahal ang kaniyang palad at pulsuhan. Nilingunan niya si Aries at nasaksihan ang mga mapupungay at mapang-akit na mga mata ng lalaking kaniyang kasama.
Siya ay natawa. "Mukhang maayos ka naman. You still have the energy to seduce me, don't you?" banggit ni Keslie at saka siya ngumisi. Sunod niyang tinanggal ang kamay sa lalaki. Napagdesisyunan na rin niyang paandarin ang kotse upang makaalis sa lugar at mabigyan na rin ito ng nararapat na lunas.