Naaliw akong panoorin sina Tina at Glory mula sa malawak na balkonahe ng bahay ni Franco. Nangunguha sila ng bunga ng rambutan. Karga-karga ko si Audrey habang si Franco naman ay seryosong nagbabasa ng script at nagkakape sa coffee table sa balkonahe din. Naka puting sando shirt na na medyo bakat ang matipunong dibdib habang sa bawat galaw ay nahuhubog ang porma ng mga muscles sa braso, naka brown na walking shorts at itim na Nike slide slippers na kita ang makinis na mga paa at mahahabang daliri na may malinis at maayos na mga kuko. He looked expensive and too handsome even in pambahay clothes. Eto yung mga detalyeng hindi ko gaanong napapansin sa kanya noon dahil pag magkasama kami, madalas akong pagod o kaya tulog. "Babalik ba si Shannon mamayang gabi?" salita at lingon ko habang hin

