"Lauren," marahang tawag sa akin ni Franco. "I am requesting Laura to clear my schedule at least once a week because I want to spend time with Audrey." wika niya habang nanatiling nakatitig sa akin. "Inimbitahan ko siya dito para marinig niya mismo sayo na pumapayag ka. She won't believe me na pumayag ka sa gusto ko." Natigilan ako. Me? Did I? Wala akong maalala na sinabi kong puwede niyang hiramin ang bata once a week. Ang alam ko lang, sinabi ko na he can visit or borrow him, pero walang binanggit na specific schedule o bilang ng araw. Pero kahit ganun, napilitan akong sumagot kay Laura. “Yes, I did,” sabi ko na lang, dahil nangako naman ako sa sarili ko na kung saan masaya si Franco, I’ll support him. Nakakurba ang mga labing sumulyap agad sa akin si Franco, di maitago ang saya. Gum

