Ch#8: Pagkikita

476 Words
Third Person's POV Sinimulan nila ang paghahanap sa Ama ni Aclesia. Dumaan sila sa mga pasikot sikot na lugar. Nakarmdam ng takot si Aclesia dahil hindi na niya alam ang pinupuntahan nila. Napansin ni Hoshi na pinagpapawisan na siya kaya hinawakan nito ang kaniyang kamay. Tumingin si Aclesia ng maypagtataka sa kanyang mukha ngunit nginitian lang siya ng binata. Nakarating sila sa pinakagitna ng dulo kung saan walang liwanag, tanging dilim lamang ang makikita roon. Ginawan ng paraan ni Hoshi para magkaroon ng ilaw. Manghang mangha si Aclesia sa ginawa ni Hoshi na tila bang first time niya pa rin makakita no'n. "Sigurado ka ba dito natin siya mahahanap?" tanong ni Aclesia. "Kasi, nakakatakot na dito." "Huwag ka mag alala, nandito ako." sagot naman ng binata. Nakalampas sila sa isang malaking bato. Tanging mga ingay lang ng mga ibon ang maririnig sa loob ng kagubatan. Maya maya ay nakarating na sila sa isang malaking kuweba. Ito na ba? ang nasa isip ni Aclesia. "Handa ka na ba?" tanong ng binata. Tumango na lang sagot ni Aclesia at pumasok na sila. Pagkarating na pagkarating nila sa pinakadulo ay agad silang hinarangan ng isang malaking hayop. Isang mabangis na hayop. Gutom na gutom nang makakita ng dalawang nilalang na pumasok sa kuweba. Agad na nilagyan ng binata sa paa ng malaking halimaw ng isang nagiilaw na diyamante. Kakaibiang diyamante. Umungol ng malakas ang malaking nilalang at siya ding pagtalsik ni Hoshi sa malaking bato. Agad naman siyang pinuntahan ni Aclesia. Nag aalala siya. Hindi niya alam ano ang gagawin. Tila nawalan na siya ng lakas para ipagpatuloy pa ito. Malaking sugat ang natamo ni Hoshi kaya hindi na ito makagalaw. Tinignan ni Aclesia ang malaking nilalang at sumigaw. "PAPAAAAAA!!!!! ALAM KONG IKAW 'YAN, PLEASEEEE TAMA NA!!!!!!" buong lakas na sigaw nito. Tumigil ang nilalang sa paglapit sa kanila at unti unting umiilaw ang kanyang katawan. Tulala lang itong tinignan ni Aclesia na nagpalit ng anyo ito. Ang Papa niya. Hindi maiwasan na makaramdam ng saya—sobrang saya ni Aclesia na agad niya naman itong niyakap. Niyakap niya ang kaniyang ama ng napakahigpit na ayaw na bang bitawan ito. Nagulat ang kaniyang ama pero ito'y niyakap din siya pabalik. "Rafaelo..." Lumingon silang dalawa sa isang manipis na boses na tumawag sa pangalan ng kaniyang ama. Naestatwa si Aclesia sa kanyang nakita. Naguunahan ang kaniyang mga luha sa pagbasak. Umiiyak siya dahil sa saya na buo na ang kaninyang pamilya. "Mama..." sambit niya at agad na yinakap ang Ina. "Ito na ba ang anak ko?" hind makapaniwalang sambit ng Ina niya. "Siya nga." Pagtapos nilang magyakapan ay tinulungan nila si Hoshi dahil sa natamong sugat nito. Nagpalipas muna sila ng gabi sa kuweba hanggat hindi pa nagigising si Hoshi. Dahil diyan hindi na maiwasan na maging masaya ni Clesyaela dahil buo na ang pamilya niya ulit. Buong buo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD