Natapos rin ang gabi at mag uumaga na pero ito pa rin ako, hindi maka tulog. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto namin. Inaalala ang bawat pangyayari.
Hindi ko man lang napigilan ang sarili ko na tugunan ang halik niya.
Iniling iling ko na lang ang ulo ko at pinilit na makatulog. Papikit na sana ako nang may nakita akong kumiskislap sa bintana.
Tumayo ako at binuksan ng konti ang bintana. Tinignan ko ng mabuti ang kumiskislap.
Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat. Lumilipad ito tapos mahaba.
Isang....dragon?
-
Tinakbo ko ang daan sa labas ng bahay habang sinusundan pa rin ang kislap. Hindi ako pamilyar sa lugar na pupuntahan ng nilalang na iyon.
Tumingin ako sa likod ko. Malayo layo na pala ang tinakbo ko. Binalik ko ang mga paningin ko at unti unti ko na nakikita ng malinaw ang isang malaking dragon.
Napadpad ako sa isang malaking gubat kung saan mismo galing ang liwanag.
Nakakatakot pero kayanko ito. Pumasok ako ng buo ang loob.
-
Hindi ko alam kung saang parte na ako ng kagubatan. Pero isa lang masasabi ko, nakakatakot.
Sinundan ko lang ang liwanag at nang makalapit na ako ay huminto ako sa likod ng isang malaking puno. Pinagmasdan ko ang dragon na nakahiga.
May sinabi si Amanda tungkol dito pero hindi ko maalala.
Bigla namang umungol ang dragon habang dinidilaan ang sugat sa buong katawan niya.
Napasinghap na lang ako sa nakita ko. Humihingal ito na parang nahihirapan.
Pinatatagan ko ang sarili ko at lumabas.
"Huwag ka gumalaw, lalala ang sugat mo." sabi ko na siyang nagpatigil sa ginagawa ng Dragon.
Nakita ko naman sa mga mata nito na gulat na gulat. Bigla naman ito naging alerto at akmang susunggaban na sana ako ng hindi ako gumalaw, nakatitig lang ako sa nga mata niya.
"Hoshi...." bigla kong sambit. Naalala ko si Hoshi ng makita ko ang mga mata ng Dragon. Isang kulay abo na nakakalunod.
Natigil naman ito sa pagsunggab saakin. Unti unti ko nilapit ang kamay ko sa kanya at hinahaplos ang kanyang ilong. Ang lambot ng balahibo niya.
Niyakap ko ito ng mahigpit. Ramdam ko na kilala ko ang Dragon na ito.
"Pagalingin na natin sugat mo." tanong ko at bumitaw na sa kanya.
Nakita ko naman na nag iwas ito ng tingin saakin. Napangiti na lang ako at naghanap ng makapal na tela.
Buti na lang may patong ang isang damit ko kaya ito na lang ginamit ko. Tinalia ko na ito sa buntot niya para tumigil na ang pagdaloy ng dugo. Minsan nilalayo niya dahil masakit.
"Tiisin mo lang ang sakit mawawala din ito." paninigurado ko sa kanya.
Kumuha ako ng tubig malapit sa isang talon at nilinis ito sa sugat niya. Nakahiga ito ngayon at hingal na hingal.
Natapos ko din ang paggamot ng mga sugat niya.
Pinagmasdan ko ulit ito na natutulog. Hoshi.
Umiling iling ako. Pagnakikita ko ang dragon na ito naalala ko si Hoshi.
"Pagnakikita kita, bumibilis ang t***k ng puso ko." sabay haplos sa malambot nitong balahibo.
"Pero, hindi ko alam kung totoo ba ang mga nararamdaman mo sakin. Hoshi." huli kong sabi at natulog sa tabi ng isang malaking Dragon.
-
Hoshi's POV
Minulat ko ang mga mata ko at nadatnan na natutulog sa balikat ko si Aclesia.
Hinaplos ko ang pisngi niya at/hinalikan sa noo.
"Totoo lahat ng iyon, Aclesia. Hindi ko na napigilan sarili ko na mahalin ka ng patago." sagot ko sa tanong niya kanina.
Oo, narinig ko lahat ng mga sinabi niya kanina.
Paano niya ako nasundan dito?
Delikado ang kagubatan na ito. Maaaring mapahamak siya dito.
Niyakap ko ng mahigpit sa Aclesia. Siya lang babae na ginusto ko ng protektahan.
Ngumiti ako at hindi siya pinagsawaang pagmasdan. Hindi mo lang alam Aclesia, nandito lang kagubatan ang iyong Ama at Ina.
Tinignan ko ang buwan na ngayon ay sumisilaw ito sa liwanag. Ang ganda pagmasdan ng buwan at bituin.
"Hmmm....wag moko....iwan...."
Nilingon ko si Aclesia. Nanaginip siguro ito. Ang himbing ng tulog.
Pinisil ko ang ilong niya ng mahina lang para hindi siya magising. Ang cute.
Sa konting araw ko lang siya nakasama ay hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa kanya.
Gumawa ako ng isang dalawang scale ng dragon.
Ngumiti ako. Ano kaya magiging reaction niya pagkagising niya?
-
Clesyaela/Aclesia's POV
Nagising ako sa tapik ng kung sino man.
"Ano ba, mamaya mo na ako gisingin." pagmamaktol ko habang niyayakap ang isang makisig na katawan.
Katawan????
Napabangon ako dahil sa gulat at tinignan ang nakangising lalaki na walang damit.
"AHHHHHHH!!! HOSHI ANG BASTOS MO!!!" sabay takip ng mata ko. Potcha. My virgin eyes.
"HAHAHAHAHA! Epic ang mukha mo Aclesia!"
"MAGBIHIS KA NGA!!! HAMBALUSIN KITA DIYAN E!" sigaw ko sa kanya.
"Ito na ito na magbibihis na..." sagot niya.
Maya maya bigla na lang akong may naramdaman na malamig sa leeg ko. Binuksan ko ang mga mata ko at kita ang isang neklace na may kaliskis na nakasabit. Scale?
Binalingan ko si Hoshi na ngayon ay nakangiti.
Inaalala ko ang lahat na nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko ng tinignan ko ang mga galos sa katawan niya.
Ibig sabihin......
"Ikaw iyong dragon?" di makapaniwalang tanong ko.
"Oo, at ang necklace na binigay ko sayo ay tanda ng nararamdaman ko sayo." sabi niya sabay pakita ng neklace niya din. Parehas kami.
Umiwas ako ng tingin dahil sa nagiinit ang mga pisngi ko.
"Don't you like it?"
"Gusto! Salamat dito ah." sabi ko.
Tumayo siya at nilahad niya ang kamay niya sakin.
"Halika, hanapin natin ang Ama mo dito sa kagubatan."
Napintig naman ang tenga ko at tinignan siyang nagtataka.
"Ito ang kagabutan ng Taotera Mori, delikado dito pag ikaw lang mag isa. Maraming halimaw dito na naninirahan."
Tumayo ako at nilibot ang mga paningin ko. Ito na ba ang pinagbabawal na kagubatan?
"Tara na. Gusto ko na makita si Papa." sagot ko at tinanggap ang kamay niya.
"Hold on tight, My Princess!" sabi niya at lumipad.
"AHHHHH!!! ANG TAAASSSSSS!!!" sigaw ko nang lumipad siya ng napakataas.
Hinawakan niya lang ako ng mahigpit. Napangiti na lang ako. Chansing din pala ito! HAHAHAHAHAH.
"Hoshi....Je't Aime."