Ramdam na ramdam ko ang pagkapahiya sa lahat noong basta na lang ako tinabig ni Hector at tinalikuran paalis. Parang tinusok ng ilang karayom ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Natulala na lang ako sa nangyari. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ‘to. Oo, ilang beses na ako inapi—pero hindi ako pumapayag. Walang nakakaapak sa’kin at sa pride ko. Ngayon lang. Nararamdaman ko ang kakaibang tingin at awa sa paligid. Pero alam ko naman na puro ka-plastikan ang mga babaeng ‘to, lalong-lalo na si Laura. “Paalisin ang babaeng ‘yan!” The Donya ordered. Ang alam ko na lang ay I am getting dragged out of the hacienda. Nanghina ang tuhod ko. But Hector said that he likes me. He wants me. I feel so offended that I wanted to cry. Kasi… wala din palang laman ang mga sinabi niya. It was just a lie

