Hindi talaga ako nag-iisip. “Magnolia Mijares!” Sigaw ng ama ko sa telepono. “Saan mo nakuha ‘tong tatlong milyon!?” Galit na bungad niya. Tumaas ang kilay ko. “Luh, Papa? Ayaw mo ba ng tatlong milyon? Balik mo sa’kin—” Nagbigay kasi ako kay Papa ng tatlong milyon. Binawasan ko na ang pera para naman hindi mag-init ang ulo niya. Tsaka... nakakatuwa magbigay. Sana ay nakikita ko ang mukha ni Papa na mukhang pera! “Nagbebenta ka ba ng ipinagbabawal na gamot—” “Papa naman ‘eh! Mukha ba akong ganon!?” Inis na bulyaw ko dito. Tumawag ba siya para sabihin sa’kin ang bagay na ‘yon? Akala ko pa naman, natuwa siya! Mukhang pera ‘to ‘eh! “Aba’y saan mo nakuha ‘to? Kailan ka uuwi?” Kumalma ang ama ko. I sighed. Hindi ko nga alam kung kailan ako makakauwi. I told my father what happened earli

