Kabanata 48

1060 Words

Inilapit ko ang sarili kay Hector. Tutal naman ang mantra ko sa buhay—kung may katangahan kang gagawin, sagarin mo na. Ikinabit ko ang kamay sa leeg ni Hector para hindi siya tumigil sa maanghang na halik. Pero mukhang wala din itong balak na itigil ang ginagawa dahil dinidiin niya ang ulo sa'kin hanggang sa mapahiga. Saglit itong tumingin para sipatin ako ng tingin. Mukhang itong nag-aalangan. Nakapatong na ito sa'kin pero iniiwasan niyang madaganan ang tiyan ko. "Ang laki na ng tiyan mo..." Aniya at hinaplos ang banda doon. Nag-init ang mata ko. "Ang tagal-tagal na... Hindi mo manlang ba ako tinitignan?" Sa tagal namin na nagsasama dito, hindi ba manlang niya ako sinipat ng tingin at sabihin iyon? Ang tagal-tagal kong hinintay na marinig iyon sakanya. Iyong galing mismo sakanya!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD