Natigilan ako sa sinabi ni Hector at talagang nag-loading. Ipaalala? Paano? Anong gagawin niya? Napaamang ang labi ko noong magtiim ang bagang niya sabay ang sama ng titig sa kalsada. Lasog na siguro ang salamin kung nakakatunaw ang tingin! Mahigpit ang hawak nito sa manobela at lumalabas ang ugat. Kinginang braso yan oh... Pababa ng pababa ang tingin ko—pero shocks! Pinigilan ko ang sarili at napailing. Lumipad ang utak ko sa kamunduhan. Grabe, ang ugat naman kasi ng braso niya!? Kinikilig ako braso pa lang! Nakakabanas! Dapat talaga umuwi na ako! Maala-darna ang utak ko ha! Lipad lang ng lipad! "Iuwi mo ako, Hector!" I hissed in annoyance. Gusto ko na lang tumalon sa kotse pero hello? I love my life kaya! Tsaka feeling ko delicades ako sakanya! Ang gwapo-gwapo kasi! Galit ako pero

