Kumunot ang noo ko sa klase ng tingin at sinabi sa’kin ni Hector. Is this an acting? Kasi kung oo ay ang galing-galing niyang magpanggap sa’kin na parang… hindi talaga niya ako kilala. Medyo masakit sa puso ha? Sa real ba ‘to? Pilit kong pinapatawa ang utak ko para maalis ang tensyon sa’kin. Baka ito ang naisip niya to save me. I just need to trust him. Pero nanginginig na din talaga ako dahil sa kaba. “Leave…” Aniya. Walang emosyon ang mukha nito at tila galit na galit sa’kin. Hindi ko pa rin maiwasan na tumabingi ang ulo dahil sa sinabi niya. Nakaharap na ang lalaki sa’kin pero parang hindi ko pa rin siya kilala… Ang galing oh… Pwede na kami magsama na um-acting. Kuha niyo? Kaming dalawa… We will be a perfect scammer in tandem. Malalim kong tinignan si Hector. Aalis ba talaga ak

