"Saan ka pupunta?" Paalis pa lang ako suot ng high heels ko at bagong bili na skirt at blazers ay humarang na si Gio sa harap ko. "Sa pangarap ko," sagot ko sa lalaki at akmang lalagpasan siya pero hinawakan nito ang ponytail ko sa buhok! My eyes widened in disbelief! Ang hirap-hirap ayusin ng maala-Ariana high ponytail na buhok tapos sisirain lang niya?! "Anong pangarap?! Tito! Si Magnolia!" Inis na sigaw ni Gio sa bahay. Akala naman niya ay may mapapala siya sa pagiging sumbongero! Hindi niya alam na suportado ako ng ama ko! "Hoy, 'wag ka ngang masyadong sipsip... Porket alam mong milyonarya ako," irap ko sa kaibigan at tinabig ang kamay niya. Kainis ‘eh! "Taeng 'to! Tapos mamaya pagbalik mo dito may uhog na naman sa balikat ko?!" He exclaimed. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Gi

