Ang damit, paligid, at musika ay nakapagpaalala lang sa’kin ang unang pagkikita namin ni Hector. Gusto kong hampasin ang ulo dahil sa nangyari, pero hindi ko naman magawa kasi hello, ang weird ko naman? “You look very fine,” bulong ni Hector sa tenga ko at iginapang ang kamay sa likod. Ayan, isa din ‘yan! Noong unang pagkikita namin, ganito din ang hawak niya sa’kin noon! O talagang paranoid lang ako? Hindi ko na alam talaga ha! Pero idadaan ko na lang sa prayers ‘to! “B-Bakit ba tayo nandito?” “I will buy a gift for Donya. Birthday na niya next month. She wanted the painting here…” Iginaya ako nito sa isang reserve na upuan. The food is served and everything is fancy. “Mr. Santiesteban!” Bati ng isang lalaki. Medyo napatalon pa ako sa gulat! “Hello… Mister…” Tumawa ito. “Ayos, m

