Napatitig ako sa lalaki matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam ang gagawin. Anong... ibig sabihin niya doon? Posible. Wala naman siyang natatandaan siguro? Hayop ka, Magnolia! Anong siguro!? Hindi mo alam!? Tinignan ko si Hector na unti-unti naglabas ng munting ngiti. Nagtaka ako sa ekspresyon at bahagyang natakot. "A-Anong ibig mong sabihin?" "Why do you..." Umabante ito sa'kin kaya umtras ako—ganon ang ginawa namin hanggang sa napasandal ako sa pader. "A-Ano bang ginagawa mo?!" Kabadong tanong ko. Kumunot ang noo nito. "Ikaw? Anong ginagawa mo?" Balik tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakakaba. Ang tanong niya o ang mabango nitong hininga? My mouth hang opened. "H-Ha?" Napailing si Hector. "Bakit ka umaatras? Why are you so surprised? Sinabi ko lang naman na

