Hinihingal akong natigilan sa sinabi ni Hector noong sinamaan niya ako ng tingin. Medyo scary—kaya syempre huminto muna ang lola niyo. Baka sapakin ako nito syempre, wala akong palag. Uso mag-isip minsan, Magnolia. Magnolia. Biglang may sumagi sa isip ko dahil sa naisip. 'Okay… Ako ang mali dito. Kumalma ka muna, Magnolia—' Napatakip ako ng bibig noong maalala ko ang pagtawag niya sakin ng Magnolia kanina! Ako nga talaga ang kilala niya! Confirm, ako ang nagwagi! Ako ang minahal kahit manloloko! Ako na lahat! Kumunot ang noo nito at nagtaka sa asta ko. "What are you doing?" I shook my head. Pagkatapos talaga ng kasal at pirmahan ang investment—ako talaga mismo ang magsasabi... ng lahat. Pero bakit okay lang sakanya? Gusto kong magtaka—but everything favors in me! Bakit pa ako

