Gabi na rin habang mag-isang nilalakad ang daan patungong bahay. Wala na kasing tricyckle na nakaabang sa kanto kaya nilakad ko na lamang ito. Medyo malapit lang naman mula rito hanggang bahay at maliwanag naman ang paligid kaya hindi na ko natatakot kahit mag-isa ko lang na naglalakad. Malungkot ang aking mukha na umuwe ako ng bahay. Bumalik ako rito dahil sa utos ng aking mga magulang. Maliwanag naman ang bahay nang datnan ko ito. Imposibleng narito si Anton. Dumiretso ako agad ng kusina. Inilapag ko sa mesa ang binili kong isang supot na balot at pinoy na may kasama ng suka na may sili. Ngayon lang na naman ako makakatikim nito kaya madami akong binili. Pagkaupo ko ay agad na nilantakan ko ang balot. Masarap yung sabaw ng balot tapos lalagyan ko ng asin para magkaroon ito ng lasa.

