DALTON Tulog pa din si Agatha nang marating na namin ang bahay. Hindi ko na siya ginising pa dahil kaninang binuhat ko ito ay hindi siya nakaramdam na binuhat ko siya at dinala na rito sa loob ng kan'yang silid. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama at inayos ang pagkakahiga nito. Kinumutan ko na din ito saka ko siya tinabihan rito sa gilid ng kama. "I'm sorry Agatha for the sins I have committed against you. I lied to you in the first place. Everything that happens to you is my fault. At dahil sa kapatid mo ay nadamay ka," mahinang ani ko rito. "Garry," bulalas nito saka nito ibinaling sa kaliwa ang kan'yang ulo. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ito o talagang namiss niya lang si Garry. Napasinghap na lang ako rito habang tinititigan ko ang kan'yang mukha. She has an innoce

