AGATHA Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling magkalapit ang mga mukha namin. Tila na nahipnotismo ako sa guwapong mukha niya. Hindi ko magawang kumilos o kumurap dahil nakatitig lamang ako sa kan'ya. Yung alam kong guwapo na siya pero itong iharang niya na mukha nito sa akin pakiramdam ko ay malalaglag na ang suot kong panty. Nang bigla kong maalala si Garry. Naitulak ko siya bigla. Alam kong sobrang lakas iyon dahil hindi naman niya ini-expect na itutulak ko siya. Napanganga na lang ako dahil tumama likod niya sa may pinto. "What the hell you are doing Agatha!" singhal nito. Pekeng ngumiti ako. "Sorry, hindi ko alam na napalakas yung pagtulak ko sayo. Masakit ba?" Nag-alala ako baka kasi tumama yung pako sa likod niya. May pako kasi doon na ginawang sabitan ng nude p

