DALTON Alas otso na naman ako nagising dala ng pagkalasing ko kagabi. Maayos na ang loob ng bahay at wala na kong makitang mga kalat rito. May mga pagkain na ding nakahanda sa mesa. Hinanap ng aking mga mata si Agatha ngunit hindi ko man lang makita rito sa loob ng bahay. "Agatha!" tawag ko sa kan'ya. Walang sumasagot. Tinungo ko ang kan'yang kuwarto at kumatok ng ilang beses sa pinto. Pero ganun pa din, wala ding sumasagot. "Agatha... Nariyan ka ba sa loob?" Sa paghihintay ko dito sa labas ng kan'yang kuwarto ay walang tumutugon. Wala din akong marinig na anumang bakas ng ingay galing sa loob ng kan'yang kuwarto. Pinihit ko ang saraduhan ng pinto. Bahagyang iniawang ko ng konti ang pinto at sumilip. Walang tao rito at malinis na din ang loob ng kan'yang kuwarto. Agad na kinontak

