bc

SOULMATE: Darren Guevara

book_age18+
87
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
possessive
sex
family
opposites attract
drama
comedy
sweet
secrets
like
intro-logo
Blurb

He's my everything, my man of my dreams, my soulmate. But he didn't knew about it. Why?! Because he's my boss and I'm just his secretary.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: THE BOSS
Kriinngg..... krriiinnggg... krriingg.. "Arrrghh... sino ba tong istorbo na to? Natutulog pa ang tao ehh.." pikit pa ang matang iniunat ni Sherly ang kanyang kamay upang abutin ang nag-iingay na aparato. "Where are you?" sing lamig ng yelo ang bumungad sa kanya pagkapindot ng ACCEPT CALL. "B..Boss!!", biglang nanlaki ang kanyang mga mata pakarinig ng baritonong boses nito. "...aahh... ehhh... boss kagigising ko..." "In my office, now. I'll give you 20 minutes to come over.", putol nito sa anumang sasabihin nito. "Pero... b..boss.." nanlalaking mga mata na sagot niya dito. Sabado ngayon at walang office hours pero bakit siya pinapatawag nito gayong wala namang pasok ngayon. "No buts. Just come here within 20 minutes or else..." sadyang binitin nito ang kung anuman ang nais nitong sabihin. Pumikit na lang siya ng mariin upang pigilan ang kung anumang inis ang kanyang narararamdaman. hmmmp. kung di lang kita mahal nungkang magpapaalipin ako sayo ng ganito. "Okay... okay... I'll be there in less than 20 minutes..." agad siyang tumayo sa higaan upang tumungo sa kanyang banyo. Bitbit ang cellphone at inilagay niya sa lababo. Hindi niya napansin na hindi pa pala niya na-END CALL ang tawag ng kanyang boss. Dali-dali siyang naghubad upang maligo. Tumapat siya sa kanyang shower at sinimulan niyang linisin ang kanyang katawan. Habang naliligo ay kumakanta pa siya. Hindi alintana ang maigsing oras ba ibinigay sa kanya ng boss nya. Malapit lang naman ang kompanyang nito kaya meron pa siyang sapat na panahon upang gawin ang mga dapat niyang gawin bago pumunta sa opisina nito. Pagkatapos masiguro na malinis na ang katawan niya ay kinuha niya ang twalya para punasan ang basang katawan. Lumabas siya ng banyo ng nakatapis at agad na naghalungkat sa kanyang cabinet. pinili niya na magsuot ng faded fitted jeans at off-shoulder white crop top. Tutal sabado naman ngayon at hindi naman talaga office day kaya ok lang sa kanila ang magsuot ng casual. Hindi mahigpit ang kompanya pagdating sa ganung bagay as long as hindi naman kabastus-bastos ang suot mong damit. Pinaresan nita ito ng white doll shoes. Pinatuyo nya ang kanyang buhok gamit ang blow dryer at saka ito itali ng pa messy bun. Naglagay lamang siya ng pulbo at liptint dahil hindi naman siya mahilig mag make up. Lumaki siya na isang simpleng babae pero may natatanging ganda na kahit hindi gamitan ng make-up ay mapapansin pa rin ang kanyang maamong mukha lalo na kung titigan ito sa malapitan. Isang ngiti ang ginawad niya sa salamin ng makuntento na siya sa kinalabasan ng ayos niya. "Teka... asan ang phone ko?!" hinanap niya ang kanyang phone ng hindi niya ito makita sa kanyang bedside table. Pagtingin niya sa banyo ay agad na lumiwanag ang kanyang mukha ng makita ito sa ibabaw ng maliit na lababo. Unti-unting kumunot ang kanyang noo ng mapansin niya on going pa rin ang tawag ng kanyang boss. Nanginginig ang kanyang mga kamay na dinampot ito at kinakabahan na itinapat ito sa kanyang tenga. "e... h..hello?!.. b.boss?!..." "Next time bago ka maligo... m.make sure na naka end call na phone mo." may diin ang pagkakasabi nito at tila nahihirapan pero alam niyang nakatiim bagang ito habang sinasabi ang mga salitang binitawan. "ahh.. ehhh.. pasensya na boss. Nawala sa isip ko.." hiyang hiya sa sarili at nag-iinit ang kanyang pisngi. "Ganyan ka ba kawalang pakialam sa paligid mo?" kahit di niya ito nakikita ay alam niyang madilim na naman ang aura nito at nakakunot na naman ang noo. Pinili na lang niya ang hindi sumagot upang hindi na ito mas magalit pa. "five minutes left." yun lang at pinatay na nito ang tawag. Naku po. Agad na kinuha niya ang kanyang bag na nakasabit at agad na lumabas ng kanyang apartment at linock ito. Binilisan na lamang niya ang kanyang lakad tutal naman ay dalawang kanto lang naman ang pagitan ng tinutuluyan niya sa kanyang trabaho. Hindi pa rin mawala sa isip ni Darren Guevara ang imahinasyong naglalaro sa isip niya nang hindi sinasadyang di pinatay ng kanyang sekretarya ang call kanina. f*ck... what's happening to me?... it's just a sound as if I saw her under her shower... Inis na tumayo siya sa kanyang kinauupuan at linuwagan ang kanyang necktie. Ngunit hindi pa man niya napapakalma ang kanyang sarili ay dumaan na naman sa kanyang isipan ang naglalarong imahe ni Sherly habang ito'y naliligo. Agad na nagreact ang kanyang alaga dahil dito. Will you come down, bud? inis na tinangnan nita ito at pinapagalitan na tila isang bata. Bumalik na lang siya sa kanyang upuan upang ipagpatuloy ang nakabitin niyang trabaho. May kailangan siyang tapusin kaya naman tinawagan niya si Sherly para papasukin kahit pa Sabado ngayon at walang pasok. tok tok tok... "Come in." Patakbong tinungo ni Sherly ang private elevator na tanging daan papuntang opisina ng amo niya. Nagmamadaling siya na halos ikadapa na niya para lang makarating siya sa oras na ibinigay sa kanya ni Darren. Pagkapasok niya sa private elevator ay saka lang siya nakahinga ng maayos. Pagkalabas niya ng elevator ay kinalma niya ang kanyang sarili bago kumatok sa pinto. "Come in." sa tono palang ng boses ng boss niya ay alam niyang wala na naman ito sa mood. Maingat niya binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Malamig na aircon ang bumungad sa kanya pero sa aura ng boss niya ay tila nagliliyab ito sa hindi niya malamang dahilan. Kung hindi ko lang siya matagal ng nakakasama ay mananakbo na ako sa takot... grabe ang aura niya parang siyang mabangis na hayop na nakakita ng kakainin. Hindi niya malaman kung makipagtitigan ba dito o babawiin ang paningin dahil sa sobrang intensidad na pinupukol sa kanya. Kung kanina ay kumakalabog ang kanyang puso dahil sa pagtakbo, ngayon naman ay nagwawala ito dahil nakita na naman niya ang kanyang amo. Hindi rin maialis basta basta ang kanyang mga mata dahil tila may magnet ito kung kaya't pinili na lang niya na tingnan na lang ito. "Are just standing there and staring at me the whole day?" nakataas ang isang kilay niyang sabi. "ehhemm.. s.sorry b.boss", kinakabahang hingi niya ng paumanhin sa boss niya at pasimpleng tinungo ang kanyang lamesa. naku naman self kumalma ka si boss Darren lang yan yung matagal mo ng mahal/soulmate. hehehe Bago pa man siya makaupo sa pwesto niya ay bigla niyang naalala ang katanungan na kanina pa niya nais itanong. "ahh... ehhh... b.boss, bakit nga po pala niyo ako pinapasok ehhh Sabado ngayon?" biglang lingon niya rito at tinanong niya ito. Naabutan niya pang nakatitig ito sa kanya ngunit agad na nagbago ang kung anumang reaksiyon ng mga mata nito. Tila naman natauhan bigla si Darren sa agarang pagharap ni Sherly sa kanya. Hindi niya akalain na bigla bigla itong haharap upang itanong ang bagay na iyon. "We need to finish our presentation for Mr. Chua. He suddenly asked to reschedule our meeting because he needs to fly in New York by Monday....." oh crap why do I have to explain her. mariing siyang pumikit ng ma-realized niya ang kanyang sinasabi. Napansin naman niya na pinipigilan lang ni Sherly na mangiti sa kanya dahil first time niya itong kausapin ng ganun mahaba at tila hindi siya aware dito. Tumikhim muna siya bago ipagpatuloy ang kanyang sinasabi. "Anyway, you should reset the reservation for the reschedule of my meeting with Mr. Chua by tomorrow. Not only that, I need you here to accept calls or anything you must do inside my office." agarang sabi nito ng hindi na inintindi pa ang mga reaksyong mababasa niya sa mga mata ni Sherly. "ok. copy that." matamis niya itong ningitian kahit pa lalong sumasalubong ang mga kilay nito. Kasi naman napaka unfair ng mundo, kahit pa salubong na ang medyo may kakapalang kilay nito ay imbes na makabawas ito sa kagwapuhan niya ay tila mas nakadagdag pa ito sa kanyang appeal. Sinimulan niyang gawin ang kanyang trabaho. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa tutunog ang kanyang tiyan ay hindi niya maiisipang silipin ang kanyang relo upang malaman kung anong oras na ba. Pasado alas dos na ng hapon. Lumingon siya sa pwesto ng boss niya. Tutok ito sa kanyang computer at gaya niya ay mukhang hindi rin nito namalayan na lagpas na pala ng pananghalian. hay naku... ang gwapo talaga ng papa Darren ko. nakapalumbaba pa siya habang sinasabi niya ito sa kanyang sarili. Bigla naman itong tumingin sa kanya nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. Dali-dali siyang bumaling sa mga folder na nasa lamesa at nagkunwaring may tinitingnan doon. Hindi na nakita ni Sherly ang pinipigilang ngisi ni Darren ng mahuli niya itong nakatitig lang sa kanya at nakapangalumbaba pa. "You can have your lunch break Ms. Delos Reyes." narinig niyang sabi ng boss niya. Seryoso ito at walang mababasang kahit na anong reaksyon. "Sige po. K.kayo po boss? Hindi pa rin po ba kayo kakain?" kinakabahang tanong niya rito. "No, I need to finish this first." "aahh sige po. kayo pong bahala..." tila nag-aalangan siya kung aalis ba dun para kumain sa labas o sasamahan ito sa pagtatrabaho. Pero kumakalam na ang sikmura niya at medyo may masakit pa ang ulo niya dahil sa hung over kagabi. Nag-aya kasi ang mga kaibigan niya na magpunta sa isang bar at doon sila nag-inuman. Napahawak siya sa kanyang sintido upang pakalmahin ang nararamdaman niyang sakit. "Are you okay, Ms. Delos Reyes?! takang tanong ni Darren ng mapansin niyang tila nahihirapan habang tinutungo ang pintuan palabas. "o.okayy lang ako boss... hung over lang po..." pumikit siya ng mariin upang palisin ang sakit ng kanyang ulo. Ayaw na ayaw niyang may nakakakita sa kanya na nahihirapan. Hindi na hinantay ni Sherly na magsalita pa ang kanyang boss. Basta na lamang niya kinuha ang kanyang shoulder bag at lumabas na ng opisina. Sinundan na lamang ni Darren ng tingin ang paglabas ng kanyang sekretarya. Pagkalabas ng opisina ni Sherly ay dire-diretso siya sa elevator. Bigla na lamang siyang bumangga sa isang matigas na pader. Nakapikit kasi siya na nakayuko kaya hindi niya namalayan na babangga na pala siya sa isang matigas na bagay. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa pagbagsak sa sahig ngunit bigla na lang may mga brasong pumulupot sa kanya upang saluhin siya at hindi matumba. Unti-unting dinilat ni Sherly ang kanyang mga mata at alamin kung sino ang sumalo sa kanya. She gasps in surprise when she saw a handsome guy in front her. Napakalapit ng mukha nito sa kanya at amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. She can't move even just a little. Dahil kung gagawin niya iyon ay tiyak na magkakadikit na ang kanilang mga labi. Napagwapo nito sa salitang gwapo at may mala anghel na mukha. Ngunit may pagka misteryoso. Sa ganung ayos sila nadatnan ni Darren. May kung anong pagkainis ito na nararamdaman ng mabungaran niya ang mga ito pagkalabas niya ng opisina upang sundan ang sekretarya niya. Tumikhim ito upang kunin ang kanilang atensiyon. "What are you doing here?" may diin nitong sabi at napansin niyang tila nataranta si Sherly. shemay.... bakit biglang lumabas si boss? halos lumabas na ang puso ni Sherly nang marinig niya ang boses ni Darren. Hindi siya nakagalaw pero gusto na niyang makatayo ng maayos. Ang kaso tila naaliw ang lalaking ito sa posisyon nila at hindi alintana ang nagbabantang tinig ng boss niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
596.6K
bc

My Last (Tagalog)

read
493.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Fight for my son's right

read
152.4K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
316.8K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook