CHAPTER 12: DREAMING

2058 Words
Nanatili akong walang imik sa kinauupuan ko at hinayaan na lang sa kung saan niya ako gustong dalhin. Napansin ko na lang na medyo liblib na un dinadaanan namin at wala akong maaninag na kahit ano sa paligid maliban sa mga puno na natatamaan ng ilaw ng sasakyan. Gusto ko man siyang tanungin pero pinili ko na lang na itikom ang aking bibig. Sa totoo lang ay inaantok na ako sa sobrang pagod dahil sa mga nangyari kanina idagdag pa ang tambak na trabaho sa opisina. I looked at my wrist watch to check the time. God, 1 am na pala! Malalagot ako nito kila mommy. Baka nag-aalala na sila sa akin. Napabuntung-hininga na lamang ako sa kawalang magawa sa sitwasyong kong ito. Maya-maya pa ay pumasok ang sasakyan niya sa isang malaking gate na kulay itim. Nagtatanong ang mga mata kong nilingon si Darren. "Nandito tayo sa mansyon." mukhang nabasa niya ang tumatakbo sa isipan ko at halos lumabas ang mga mata ko sa pagkakabigla sa kanyang sinabi. "Ano?! Bakit mo ko dinala dito?!" halos nanakit ang lalamunan ko sa biglang pagsigaw sa kanya. "Birthday ni mommy mamaya at inaasahan ka na dadalo sa kaarawan niya." sagot niya sa akin at dali-dali siya na bumaba ng kotse. Naiwan akong nakamaang sa sinabi niya. Ang walanjo, di man lang nag-abiso. Ano yun basta na lng niya ako kakaladkarin papunta dito ng hindi man lang ako inaabisuhan? Namimihasa na talaga siya sa ginagawa niya. Napapitlag naman ako ng binuksan niya ang pinto sa gawi ko. "Ano tutunganga ka na lang ba diyan o gusto mong buhatin pa kita?" inis na bumaba ako ng sasakyan niya at malakas kong sinara ang pintuan. Handa ko na sana siyang sigawan ng maulinigan ko ang isang malamyos na tinig ng isang ginang. "Nandiyan ka na pala, hijo", naghihintay na pala ito sa may hamba ng pintuan. "Mom, why are you still awake? Masama sa kalusugan mo ang magpuyat." nilapitan niya ang kanyang ina at hinalikan niya ito sa pisngi. "Hinintay talaga kita dahil sabi mo nga na dito ka uuwi." kita ko sa mga mata ng ginang ang kasiyahan niya na makita ang kanyang anak. Nabaling ang tingin nito sa akin at bahagyang nagulat. "Oh! Shey, kasama ka na rin pala?! Mas lalo kang gumaganda, huh?!" lumapit sa akin si tita Sandra at nakipagbeso. Agad naman ako nakaramdam ng hiya nang lapitan ako nito. "Happy Birthday po tita Sandy! Kaso wala po akong gift kasi bigla na lang akong hinala ni Sir" "Aww thank you, hija but no worries hindi mo na kailangan na mag-abala pa. I'm so happy na sumama ka rin papunta dito. Sapat na ang presensya mo bilang regalo." ngiting tugon ng ginang at giniya kami papasok sa loob ng mansyon. Ilang beses na akong nakarating dito sa mansyon nila pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa kagandahan ng mansyon nila. It's a Spanish style with modern touches na talagang napaganda ng pagkakagawa at napakaaliwalas ng paligid. Pasimple kong inilibot ang aking paningin hanggang sa matanaw ko ang naglalakihang picture ng pamilya Guevara. May mga picture din sila ng mga lolo't lola niya pati na rin ng mga kanunu-nunoan nito. Grabe ang gagandang lahi. Isang purong espanyol ang lolo niya at half Filipina half-Spanish ang lola naman niya. Kaya hindi nakakapagtaka ang kagwapuhan ni sir Darren dahil namana niya ang itsura niya sa lolo niya. Kita pa rin ang kakisigan nito sa kabila ng edad nito at hindi mo mahihinuha sa larawan. Sa tantya ko ay mas malaki ang mansiyon nila sir kesa sa mansyon namin. Magtataka pa ba ako, ehh isa lang naman ang mga Guevara sa mga pinakamayaman sa bansa. Isa lamang ito sa mga mansyon nila sir at sa pagkakatanda ko meron din silang mansyon sa Spain na minana ng lolo niya sa magulang nito at pinamana din sa kanya. "Kumain na ba kayo?" tanong ng ginang ng tuluyan na kaming makapasok. "That's great!..." "Nakakain na po...." Sabay naming sagot ni sir Darren. "You need to eat first. Baka nakakalimutan mo hindi mo na solo ang katawan mo." mariing sabi ni sir Darren at hindi alintana ang presensya ng kanyang ina. Nagpalipat-lipat ng tingin ng mommy ni sir Darren sa aming dalawa at napansin ko na medyo bakas sa magandang mukha nito ang pagkagulat sa narinig. Pinili ko na lang manahimik dahil kahit naman kailan ay hindi ako mananalo sa kumag na ito. Umiwas na lang ako ng tingin at napaismid ng bahagya. "Aahh, anyway, hijo ikaw na ang bahala kay Shey. May pagkain sa ref initin mo na lang. And hija, tama si Darren masamang nagpapalipas ng gutom, hmmm?!" Tumango na lamang ako kay tita Sandy dahil nakakahiya nga naman kung magpapilit pa ako. Nang umkyat na si tita sa kwarto nila para matulog ay pumunta naman kami sa dining area. Malaki at mahaba ang kanilang lamesa na parang akala mo ay kakasya ang buong baranggay. Pagkapasok namin sa dining area ay lumiko siya sa may two door na may pinturang puti na sa tingin ko ay ang dirty kitchen nila Sinundan ko siya at umupo sa isa sa upuan sa may island counter. Naupo ako paharap sa likuran niya habang siya ay nagsisimula nang kumuha ng mga ingredients sa kanilang ref. "What do you want to it?" malumanay lang na tanong ni sir Darren sa akin. "Kahit ano, ok lang." nakakibit-balikat kong sabi dahil sa totoo lang ay wala naman akong ganang kumain gusto ko na lang na magpahinga. Ang sakit pa ng paa ko. "Ok, mabilis lang 'to." agad na sinimulan ni sir Darren ang pagluluto. Naka suot siya ng apron habang abala siya sa pagluluto. Mamaya ay naamoy ko na ang mabangong aroma ng niluluto niya. Laking pasamat ko ng hindi naman nagreklamo ang tyan ko at hindi ako nakaramdam ng kahit na anong di-kanais-nais. Ilang saglit lang ay nilapag niya sa lamesa iisang plato na may pasta at umuusok pa. Agad kong kinuha ang tinidor upang matikman ang niluto nito. It looks delicious kahit pa hindi ko alam kung ano ang tawag dun sa niluto niya. "So how is it?!" biglang tanong ni sir Darren ng makailang subo na ako. "Hmmm, pwede na...." sagot ko habang ngumunguya ng pasta. Napataas ang isang kilay niya ng marinig niya ang sagot ko. "Really?! Hindi naman halata na pwede na yang niluto ko." may halong sarkasmo ang pagkakasabi niya nun. Nakatutok lang ako sa kinakain ko. Alam kong nakatitig siya sa akin pero binalewala ko lamang yun. "Shey..." inangat ko ang aking tingin sa kanya at muntik na akong mabilaukan ng makitang ang lapit ng mukha niya. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Unti-unti siyang lumapit ay hindi... unti unting lumalapit ang kamay niya papuntang mukha ko. My world suddenly stop spinning dahil sa kilos niya. Heto na naman ako s mga kilos niyang hindi ko maintindihan. Namalayan ko na lang na pinunasan niya ang gilid ng labi ko. At lalong nawindang ang puso ko ng sumunod niyang ginawa. Isinubo lang naman niya ang daliri niya. "I knew it. Mas masarap nga siya." hindi ko alam paano ako mag re-react sa ginawa niya. Tumikhim ako para maialis ang bara sa lalamunan ko at para mabawasan ang pagkailang ko. Agad akong tumayo ng maubos ko ang pagkain at pumunta ng ref para kumuha ng maiinom. Ramdam ko na nakasunod lang ang tingin niya sa akin. Sa totoo lang masarap talaga ng niluto niya pero nungkang sasabihin ko sa kanya. Mamaya niyan lumaki pa ang ulo niya pagsinabi ko un. Though malaki naman talaga siya. Umayos ka nga Sherly kung anu-ano pumapasok sa utak mo. Saway ko sa sarili. Kaloka! Niligpit ko ang kinainan ko at hinugasan ko na rin diretso pati na rin ang mga pinagkainan niya. Nilagay ko naman sa ref yung natira sayang naman. Muntik ko nang mabitawan ang pinggan ng biglang may pumulupot na braso sa may bewang ko. Nanigas ang katawan ko ng maramdaman ko ang halik niya sa may leeg ko. Pilit akong umiiwas pero mukhang hindi niya ako hahayaan na kumawala sa kanya. "Ahhmm, Darren..." s**t bakit parang paungol ang pagkakabigkas ko. "Yes... baby..." he said between his kisses. Nakikiliti ako ng sobra na gustung-gusto naman ng katawan ko. Argghh, hindi magandang senyales ito. Dapat pigilan ko ang sarili ko at huwag magpapadala sa kanya hangga't hindi pa naaayos ang lahat. Ibinalik ko ang wisyo ko at lumayo sa kanya ng bahagya. Buti na lang at tapos na ako maghugas kaya may dahilan na ako para lumayo sa kanya. "Ahmm, inaantok na ako sir. Kung pwede lang sana matutulog na ako. Kung hindi naman ay a--" pinatatag ko ang sarili ko para masabi ko sa kanya iyon ng nakataas ang ulo. Pero hindi na niya ako pinatapos at tumalikod na siya. "Follow me." malamig pa sa yelo ang kanyang tinig ng magsalita siya. Bipolar talaga. Sinundan ko n lamang siya para makatulog na ako. Umakyat kami sa pangatlong palapag at huminto kami sa pangalawang pintuan. Napansin kong may katapat itong kwarto pero hindi na ako nag-usisa pa kung kanino iyon. Hindi naman ako magtatagal dito dahil pagkatapos ng celebration bukas ay uuwi na ako. Kaya bakit ko pa iintindihin kung kanino iyong kwarto. Kung maganda ang sala nila ay mas lalo akong humanga pagkabukas ni Darren ng kwarto. Lihim akong napasinghap sa nakikita ko. Mukhang mapapasarap ang tulog ko nito. "Ok ka na ba dito?" matiim lang siyang nakatitig sa akin ng lingunin ko siya. "O-oo, salamat." Muli kong nilibot ang mata ko para iwasan ang tingin nyang iyon. "Kung may kailangan ka katukin mo lang ako sa katapat na kwarto." napalunok ako ng matantong kong sa kanya ang kwartong iyon. Bakit parang sinadya niya ata na malapit ako sa kanya. Tumango na lamang ako para matapos na dahil hindi ko na matagalan pa ang sitwasyon namin. Ilang sandali na ang lumipas pero hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto at nakatitig lang siya akin. Ang hirap talaga basahin ng isang ito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Tumikhim ako at pinilit ko na magsalita. "Sige, ahhmmm.. matutulog na ako." yun lang ang sinenyas ko na ang pinto para iparating sa kanya na gusto ko ng magpahinga. Wala naman akong nakuhang sagot sa kanya kungdi isang malalim na buntong-hininga. Tumalikod na siya ng walang sinasabi at lumabas na ng kwarto. Doon lang ako nakahinga ng magsara na ang pintuan. Agad agad akong lumapit dito para masiguro na mailock ko iyon. Mahirap na. Haha nabaliw lang ako akala mo naman papasukin ka ni papa Darren. Che!! sinaway ko ang sarili ko. Kaloka, pati sarili ko kinakalaban ako. Nilapitan ko ang closet at laking tuwa ko na may mga damit na naririto. Kanino kaya ang mga ito saisip-isip ko. Tiningnan ko isa-isa at napansin kong may mga tag pa ito and take note puros mga branded ang mga damit. Napanganga pa ako ng makita ko ang presyo. What the heck! 7,000 para sa isang simpleng bistida. Ibinalik ko ito sa pinaglagyan niya at pumili na lang ako ng pantulog. Naistress naman ako dahil walang terno na pajama. Puros mga nighties ang naandun. Seriously, wala man lang matinong damit. Though nagsusuot naman ako ng mga sexy lingerie pero hindi sa ibang teritoryo. Buti kong nasa bahay lang ako. Wala na akong nagawa kundi ang kumuha ng pinakadisente na nighties kahit di naman kasi sobrang igsi ng pagkakatabas nito. Kulay red siya na spaghetti strap pero mababa ang neckline niya. Pares na sobrang igsi ng short medyo kita na ang kuyukot ko pagtumuwad lang ako ng kaunti. Anyways, kinuha ko na lang ang roba din na pula at mukhang terno niya ito. Pero hanggang sa may hita ko lang ang haba. Pumasok na ako ng banyo para makapagshower man lang kasi sobrang lagkit ng pakiramdam ko. Matapos kong magshower at makapagbihis ay lumabas na ako ng banyo. Pinatuyo ko ang buhok ko at nahiga na rin para matulog. Marahil sa sobrang pagod ko ay di ko na namalayan na nakatulog na ako. Naramdaman ko na lang na parang gumalaw ang kama at may tumabi sa akin. I'm not sure if I'm just dreaming or someone that lay beside me. Pero dahil wala na akong lakas na alamin kung ano yun ay tuluyan na akong nagpalamon sa antok ko at binalewala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD