Maaga akong gumising para makapag-ayos sa date namin ni boss Darren, este sa meetting nila ni Mr. Chua.
Napapailing ako sa kalokohan ko. Ang meeting ay gaganapin ng 11am, pero heto at 10 am pa lang eh nandito na ako sa pinareserve ko na VIP seats para sa kanilang meeting.
The restuarant is very cozy at its finest and most comfortable and elegant with the perfect look in all surroundings that all customers will be satisfied not only with their delicious foods that they served but also while they're staying inside the place.
They are one of the best restaurants here in our country and also abroad.
Pano ko nalaman? Well, isa lang naman sa mga kaibigan ni boss Darren ang may-ari ng lugar na ito, si Raven McGregor.
Hindi ko pa naman siya kilala ng personal at never pa kaming nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap.
Minsan ko lang sila nakita sa isang magazine noon nung mga panahon na hindi pa ako secretary ng boss ko.
Sikat na sikat silang magkakaibigan at talaga namang walang tulak kabigin.
Bukod sa mala Adonis nilang mukha eh mga tanyag na sila sa kanilang larangan na napili kahit sa napaka bata pa nilang edad.
Pagpasok ko sa loob ay sinalubong agad ako ng isa sa mga stuff doon.
"Good morning, ma'am! May I help you?" nakakasilaw na ngiti ang ginawad sa akin ng waiter.
I was shocked while looking at him. Required ba yung ganito kagwapo na waiter dito?
Hinamig ko ang aking sarili at pasimpleng tumikhim.
"We had a reservation here for Mr. Guevara."
Hindi ko inasahan na may mas liliwanag pa sa ngiti niyang yun pagkarinig ng mga sinabi ko.
"So, you are Darren's secretary? Nice, it's my pleasure to finally meet you." hindi ko alam kung sa ngiti ba niya ako nadadala o sa mga kislap ng mga mata niya.
Alanganin kong inabot ang pakikilagkamay dahil medyo nawi wierduhan ako sa gwapong nilalang na ito.
"I'm Raven, one of his friends and most handsome among them all." dire-diretso nitong sabi habang hawak ang aking kamay.
Unti-unting nagliwanag ang anyo ko sa sinabi niyang yun.
"ohh hi sir Raven... my gosh... akala ko isa rin po kayo sa mga stuff dito... hehehe." nag-peace sign pa ako habang sinasabi ko yun sa kanya.
Naaaliw siyang napapangiti sa katabilan ko.
"Grabe naman sa sir lakas maka professor at saka ang gwapo ko namang waiter kung ganon. hahaha" pakikisakay niya sa kagagahan ko sabay tawa ng malakas.
Napapatingin tuloy ang ibang kumakain na nakakarinig sa amin.
"Kaya nga sabi ko, required ba ang ganitong looks pagnag-apply ng waiter? dugtong ko pa...
"Hindi ka lang maganda, magaling ka rin magpatawa. Hahaha." nagmukha tuloy akong engot nito. Kasi naman itong bibig ko hindi mapigilan pagka minsan.
Ewan kung bakit palagay ako sa taong ito. Nakakadala kasi ang magandang aura niya. Kabaligtaran ng boss ko.
"Anyway, start calling me Raven. Stop the formality. Hindi mo naman ako amo at sa tingin ko ay hindi naman ganun kalayo ang edad natin." tuluy-tuloy na sabi pa nito.
"Ehhem! Excuse me." nanigas akong bigla ng marinig ko ang baritonong boses nito.
"Hey man! You're here." lumapit kaagad si sir Raven kay boss Darren sabay tapik sa balikat nito.
Tango lang ang ginanti nito sa kaibigan niya. As usual wala na naman sa mood. Madilim na naman ang aura. See ang layo nila ni Raven.
"Good morning, boss" yumuko ako upang magbigay galang dito.
"Why are you early?" seryosong baling nito sa akin.
Seriously hindi ba siya natutuwa na maaga ako ngayon.
Hindi ko alam kung paano siya sasagutin sa tanong niyang yun.
"She's really dedicated with her job that's why? Ayaw mo ba nun?" Raven stated as a matter of fact.
Tamad na tiningnan ni boss Darren si sir Raven.
"May dinaanan pa po kasi ako boss kaya medyo napaaga ako at para masiguro na rin po ang reservation natin dito." pagdadahilan ko na lamang kay boss Darren.
Siyempre ayokong mabuking na medyo excited ako sa meeting na ito to think na wala naman special sa araw na ito. Excited much lang hahaha.
Tumango na lamang siya at mukha namang naniwala. Sana lang.
"Any moment Mr. Chua will arrive here. Will you show us our table?" he firmly said while looking at his expensive watch.
"Kanina ko pa talaga kayo hinihintay. At sadyang tinaon ko na naririto ako para makilala ang apple of the eye mo." nakangising ni Raven sa boss ko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi nito kay boss. Mukhang may kakatagpuin pa si boss Darren after ng meeting.
Medyo kumirot ang puso ko sa isiping iyon.
Sumunod na lang ako kay sir Raven ng nakayuko.
Binalewala ko na lamang ang aking narinig.
Kahit nakatalikod na ako ay ramdam ko pa rin ang panunutok nito sa aking likuran.
"Here we go. I'll send a person who'll going to take your orders. Enjoy guys!" kumindat pa ito sakin ng gumawi ang kanyang tingin sa kinauupuan ko.
Nangingiti na lang ako na napapailing dahil sa pagpapacute niyang yun.
Paglingon ko kay boss ay madilim ang tingin nito.
What is his problem this time?
"Are you guys know each other? biglang tanong ni boss Darren.
"No, we just met earlier when I came here." totoo naman yun ngayon ko lang nakilala ng personal si sir Raven.
"But you looked so closed to each other?"
Hindi ko alam bakit siya ganun magtanong. This is actually the first time that he asked me about personal things.
"Maybe because he's so nice to not to be noticed. Bulag na lang siguro ang hindi makakapansin sa isang Raven McGregor." kibit-balikat kong sagot sa kanya.
Napataas naman ang kilay ni boss Darren sa sagot ko.
"So, do you find him interesting?" medyo may pagkauyam niyang tanong sa akin.
"Yeah, and he's cute... no erase that... he's gwapo...." pero mas gwapo ka. Gusto ko sanang idugtong pero isinaisip ko na lang.
Matamis ko siyang ningitian sa abot ng aking makakaya kahit pa medyo nangangatog na aking mga tuhod.
Daig pa kasi nito ang susugod sa isang giyera. At kahit pa na sinong nilalang ang makasalubong nito ay tila hindi hahayaan na basta na lamang ito makakatakas
"You really don't have a good tastes when it comes to a guy." mahinang sabi nito ng may din.
"I'm what?!" I asked him curiously.
Hindi ko kasi narinig ang sinabi. Medyo mahina ang pagkakasabi niya nun.
"tsk. Nothing." nakaismid itong tinuon na lang ang tingin sa Menu.
Napamaang na lang ako sa inakto niya. Problema niya?
Binalewala ko na lamang ito at pumili na rin ng maaaring orderin sa Menu.
Maya-maya ay dumating na ang waiter na kukuha ng order namin.
Hindi rin nagtagal ay dumating din si Mr. Chua at naging maayos naman ang meeting nila.
"I've been waiting so long to be part of your business. I knew your father for so long since we're in college days. Masasabi kong napalaki ka niya ng maayos." nakangiting sabi ni Mr. Chua habang nakasalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
"Thank you, sir! I will make sure that your money is safe with us."
"Malaki ang tiwala ko sayo Darren. Simula pa lang ng pinalitan mo ang ama mo sa posisyon ay sinubaybayan ko na ang lahat ng mga naging achievements mo bilang CEO ng GGC. At balita ko ay may ipapatayo kang bagong branch ng hotel sa Davao?" tanong agad ni Mr. Chua. Mukhang inabangan nga nito ang mga pangyayaring nagaganap sa boss ko.
"Yes, sir. Hopefully that we can start our new branch of hotel in Davao within 5 months. The construction of the building will start by next week." sagot ni boss Darren matapos sumimsim ng wine nito.
"That's good. I know that you can do better than what we expected. Let's cheers to that." saad ni Mr. Chua sabay taas ng sariling sariling kopita
"Cheers!" pakikisabay ni boss Darren dito.
"Para sa tagumpay ng ating samahan at para sa magandang samahan ng iyong kasintahan." dugtong pa ni Mr. Chua na ikinalingon kong bigla sa kanila.
Muntik pa akong napaubo dahil dun. Nang tingnan ko si boss ay mukhang natutuwa pa ito at hindi kinontra ang matanda.
Ngumiti lamang si boss Darren saka ininom ang natitirang wine sa baso nito.
Magsasalita sana ako ng tinangnan niya ako na parang sinasabi ng kayang mata na sakyan mo na lang at wag ng kontrahin pa.
Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang.
"Magaling kang pumili, Iho. Bagay na bagay kayo ng iyong kasintahan."
Napilitan akong napangiti ng humarap sa akin si Mr. Chua.
"Marami nga pong nagsasabi niyan." pakikisakay pa ni boss Darren sa sinabi ni Mr. Chua.
Ewan kung saan niya pinulot yun pero hindi ko maiwasan kiligin kahit pa alam kong sinasakyan lang nito ang kung anong tingin ni Mr. Chua sa aming dalawa.
"Oh pano, mauna na ako sa inyong dalawa. May dadaanan pa akong importanteng lakad bago ako lumipad papuntang ibang bansa."
Tumayo kaming lahat at nakipagkamay kay Mr. Chua at parehas kaming yumukod ni boss Darren bilang paggalang rito.
"Hindi ka dapat nagsinungaling kay Mr. Chua", tinaasan lang ako ng kilay ni boss Darren nang sabihin ko iyon sa kanya.
"I didn't say anything." huh?! nababaliw na ba siya eh anong tawag niya dun.
" Wala? eh ano yun?" hindi naman sa ayaw ko yung idea na yun pero ayaw ko kasing mag-assume.
"Wala akong sinabing kasinungalingan. I just let him what he thought about us. Bakit may masama ba?" tiningnan niya ako ng diretso.
Gaya ng dati hindi ko kayang salubungin ang maladagat niyang mga mata. May emosyon akong nababanaag dito pero mahirap pangalanan.
"Kahit pa at least tinama mo man lang. Nakakahiya sa tao." ayaw ko kasi na nanloloko ng ibang tao kahit pa medyo patay na patay ako sa kanya.
Totoo ba na medyo lang? usig ng mahadera kong utak.
Dumilim bigla ang aura ni boss Darren matapos na marinig ang sinabi ko.
Ano naman problema nito?
"So, kinahihiya mo na maging boyfriend ako?" tiim bagang tanong nito sa akin.
"Huh?! No, of course not... I mean, you're such a good catch... in fact lahat ng mga babae na nakakakilala sayo ay gusto kang maging boyfriend."
"And that's included you." biglang singit niya sa mga sinasabi ko na siyang nagpatuyo ng lalamunan ko.
Tumatango ako nang hindi ko namamalayan at hindi kaagad rumehistro sa utak ko ang sinabi niya.
Bigla akong napainom ng tubig nang marealize ko kung ano ang sinabi niya. It's not even a question but a statement na parang sigurado siya sa mga sinasabi niya.
Titig na titig lamang si boss sa akin. May pagkaaliw sa kanyang mga mata dahil sa biglaang kong pagkabalisa.
"O-of course not. Why would I?" mariing tanggi ko kay boss Darren pilit na sinasalba ang sariling kahihiyan.
Ngumisi lamang ito ng nakakaloko habang umiinom ng wine.
"Really?! But why does your eyes says a different story?" napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya sa sinabi niyang iyon.
Hindi na lamang akong nakipagtalo dahil hindi ko na kinakaya pa. Kaunti na lang ay magpapalamon na ako sa lupa.
Matapos naming kumain ay nagpasya na kaming umalis sa lugar na iyon.
Paglabas namin ng restaurant ay nagpaalam na ako sa boss ko. Ngunit hindi niya ako pinayagan na magcommute. Kaya naman walang sabi-sabi na hinila niya ang kamay ko patungo sa kanyang sasakyan.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger side bago siya umikot patungong driver's seat.
Tahimik ko lang siyang hinihintay na makapasok siya ng kanyang kotse. Lalo akong hindi mapakali kapag ganito siya kalapit sa akin.
Nanunuot sa aking ilong ang pabango nito. Napaka-manly nito at hindi masakit sa ilong.
Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kanyang sasakyan. Malinis ang paligid at nasa maayos ang lahat. May mga paper bags na nakalagay sa back seat ngunit hindi na ako nag-usisa pa tungkol doon.
Tahimik lang siyang nagmamaneho at seryosong nakatingin sa kalsada.
Napansin kong ibang direksyon na ang kanyang tinatahak. Hindi na ito ang daan patungo sa aking tinutuluyan.
Medyo narataranta akong nilingon siya.
"I know this not our way to your place." biglang sabi nito ng maramdaman ang pagkabalisa ko.
"Pansin ko nga boss. Pero saan po tayo pupunta boss?" alanganing tanong ko rito.
"May bibisitahin lang tayong lugar." maikling sabi nito.
Umayos na lamang ako ng upo at inaliw na lang ang sarili sa mga gusaling nadaraanan namin.
Hanggang sa ang mga building ay unti-unting napalitan ng mga puno.
Maya maya pa'y pumasok ang kanyang sasakyan sa isang malaking gate na parang rehas.
May kalumaan na ito at may bahagyang kalawang sa ibabang parte nito.
Hindi naman nagtagal ay huminto ang sasakyan nito sa isang malaking bahay.
May pagkaluma na ang desinyo nito ngunit nasa maayos pa naman.
Magtatanong pa sana ako kung sino ang kikitain namin dito nang magsilabasan ang maraming bata sa bumukas na malaking pinto.
"Come on, let's go!" agad itong lumabas at naiwan akong nagtataka sa loob ng sasakyan.
"Kuya Darren!!!" sabay-sabay na tawag ng mga bata.
Bumaba ako ng sasakyan at nakita kong sinalubong ng yakap si boss Darren ng mga bata.
Magkakaibang edad ng mga ito. Sa tantiya ko ay magmula sa pitong taon hanggang sa dose anyos ang mga ito.
Bakas sa mga mata nito ng makita nila ang boss ko.
Pagdako ko naman sa kanya ay nakangiti rin ito sa mga bata.
Kakaiba ang kislap ng mga mata nito at tunay na saya ang nababasa ko rito. Walang halong pagpipilit o walang halong kaplastikan.
"Kamusta kayo, nagpakabait ba kayo rito habang wala ang Kuya Darren niyo?" tanong ni boss sa mga bata nang hindi inaaalis ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Opo, kuya. Kasi alam namin na magagalit ka kapag nagpasaway ang isa sa amin." sagot agad ng isang bagang babae na sa tingin niya ay nasa walong taon.
Cute na cute ito sa kanyang suot na bestidang pula na pinaresan ng pula ring ribbon sa magkabilang tuktok ng buhok nito.
"Kuya, buti napadalaw ka na, kati mit na mit ka na namin, eh!" sabi naman ng isang bata sa tingin ko ito ang pinakabata sa kanilang lahat.
Nakakalong ito kay boss Darren nakasuot ito ng bestidang puti na may pabilog na kwelyo at may ribbon sa may bandang neckline nito.
Kulot ang dulong bahagi ng buhok nitong nakasuot ng headband na may nakadisenyong bulaklak.
"Medyo nabusy lang ang ako kaya medyo napatagalan ang pagbalik ko rito." napapakamot pa sa noong sagot ni boss Darren sa mga bata.
Madali naman nakaunawa ang mga bata sa binigay nitong dahilan kung bakit natagalan ang pagdalaw nito sa kanila.
"Ikaw po ba ang kasintahan ni Kuya Darren?"
"Ayy tiyanak!!!" bulalas ko ng may biglang magsalita sa likurang bahagi ko.
Lahat sila ay napalingon sa gawi ko matapos kong tumili.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat ko rito.
"Ang ganda ko namang tiyanak. hihihi" bungisngis nitong sabi nang umikot ito patungo sa harapan ko.
"Elena!!! Naku kang bata ka. Tinakot mo pa ata ang kasama ni Kuya Darren mo. Pasensya ka na hija sa batang ito." hinging paumanhin ng isang babae.
May katandaran na ito at kita ang mga linya sa kanyang noo.
"Ok lang po yun medyo nagulat lang po talaga ako." ngumiti ako dito saka binalingan ang bata.
Titig na titig ito sa akin na tila sinusuri ang aking kabuuan. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa habang nakalagay ang mga braso nito sa harap ng dibdib.
Liningon ko si boss Darren at nagkatagpo ang aming tingin. Medyo nataranta pa ako ng mapansin kong papalapit na pala ito sa kinaroroonan ko.
Umiwas na lang ako sa mga mata nito. Hindi talaga kinakaya ng sistema ko.
Sasagutin ko na sana ang bata ng unahan ako ni boss Darren.
"Elena, siya ang ate Sheryl nyo..... ang kasintahan ko." tila nawindang ako sa sinabi niya sa bata.
Jusko ... pati ba naman sa mga batang ito? pilit akong ngumiti sa mga bata nang makita kong lahat sila ay nakatutok sa akin maging ang tatlong may edad ng mga kakabaihan.