Gladiolus flower
"both the fighter and the flower get their name from the Latin word gladius, which means sword. Symbolising strength, Victory and power, the flower come in long, pointy shape stalks that are reminiscent of a sword."
Leyanna Pov
Saktong pag-uwi ng mga kapatid ko galing iskwela ng may nagdatingan na mga nakamotor. Kinabahan ako bigla kaya pinasok ko sa bahay ang mga bata. Nakatawag na ako kay Kuya Gardo kanina. Tatawag daw ulit ako kapag may manggugulo sa bahay. At tama nga si Papang maghihiganti sila sa ginawa ko sa dalawang chismosa.
Sila naman ang nauna kung hindi sila nagsabi ng masasakit na salita hindi ko sila papatulan. Di sana walang nangyaring awayan sa school kanina. Kaya tumawag na ako agad kay Kuya Gardo. Narinig kong napasigaw ang kapatid ko na parang nasaktan.
"Ilabas niyo ang kapatid niyo kung ayaw niyong mabalin ng buto sa katawan." rinig kong sigaw ng isang lalaki sa labas.
"Kuya Gardo, pakibilisan po. Rinig niyo ang mga sigaw sa labas. Mga binabato nila dito sa bahay. Binabasag nila ang mga benta namin. Wala kaming kasalanan sila naman ang nauna." takot na takot kong sabi kay Kuya Gardo.
"Calm down paparating na ang mga pulis. Mag -iinngat kayo diyan okay!"
"Opo Kuya." sobrang kaba ko talaga.
Nangtapos na kaming nag-usap ni Kuya Gardo ay nilapitan ko ang mga Bata. Sinabihan ko na wag na wag silang lalabas at aalis dito sa kwarto. Tango sila ng tango dahil sa takot.
Kailangan kong lumabas hindi pwede yung ganito na akala mo hari sila, na sila lang ang kinakatakutan ng lahat. Nakita ko ang parang itak ni Papang sa gilid ng pinto. Mediyo pahaba kasi iyon at hindi naman gaano matulis. Kinuha ko iyon bago lumabas ng kusina. Sa likod ako dumaan. Pati pala si Ate nasa labas nakahawak din ng kahoy. Nakahanda na para proteksyonan ang sarili.
Tumakbo sila sa harapan ng marinig nilang sumisigaw si papang. Takot ang naramdaman ko ng makita kong pinapalo nila si Papang at nakikipaglaban si kuya at Denis. Ang dami naman nila. Dahil sa galit namin hindi na namin naisip ang panganib. Mabilis kaming tumakbo ni Ate para proteksyonan si Papang.
"Mga walang hiya kayo! Wag niyong saktang ang Papang namin!" Agad kong hinataw ang hawak kong itak sa lalaking pumalo sa Papang ko. Gan'on din sa Isa pang lalaki.
Bahala na kung may masugatan ako. Ang mahalaga matulungan namin si Papang. Gan'on din ang ginawa ni Ate ko. Bahala na kung matamaan kami sa pamalo nilang hawak ang importante makaganti kami. Napasigaw ako sa sakit ng may pumalo sa likuran ko. Natadyakan ko ito bago pa man niya ako mapalo ulit. Inihataw ko ang hawak kong itak. Tumunog iyon dahil bakal din pala ang hawak ng pumalo sakin.
Pero hindi ako nagpatinag hindi ko ininda ang sakit. Bahala na bago pa niya ako mapalo ulit ay may pumalo na sa lalaki tumba Ito sa lupa. Si Ate Wilma ko iyon. Pinagpapalo niya ang lalaki. Kinuha ni Ate ang bakal at tinapon sa malayo. Anim na mga kalalakihan lang pala sila. Kasama ang mga barumbado.
"Lele!" sigaw ni Ate sabay patulak na yakap sakin. Natumba kaming dalawa sa lupa ni Ate. May papalo na pala ulit sakin. Lumapit pa ang dalawang lalaki at ako talaga ang gusto nilang mapuruhan. Pero bago pa nila ako mapalo ay may mga pulis ng dumating.
Mabilis akong bumangon at kinuha ang kahoy na nasa tabi ko. Ipinalo ko sa mga binti nilang dalawa para hindi sila makatakbo agad. Gumanti yung isang lalaki pero nasangga ni Ate. Kamuntik na ang ulo ko na mapalo. Nakaalerto palagi si ate sakin kaya siya ang napalo sa braso. Tatlong beses na akong kamuntik mapalo kung wala si Ate baka lamog na ang katawan ko. Dalawang beses palang akong napalo sobrang sakit na.
Agad na lumapit ang mga pulis kamuntik na makatakas ang dalawa buti naharang ng dalawang Pulis. Agad akong lumapit kay Papang at niyakap ko Ito ng mahigpit. May sugat ang ulo nito na ikinabahala ko. Alam kong masakit din ang katawan nito dahil sa pamamalo nila. Sumunod naman si Ate.
"Ayos lang ba kayo mga Anak ko?" mahinang tanong sakin ni Papang na may pag-aalala sa boses nito.
"Opo Papang. Kayo kumusta ang pakiramdam mo Papang? May sugat po kayo sa ulo baka mapano kayo. Tatawag na tayo ng ambulansya ng maipagamot na natin agad ang sugat mo sa ulo."
"Ate tumawag ka ng ambulansya idala natin sa hospital si Papang." malakas kong sigaw.
"Pati Si bunso may sugat siya sa kilay. May sugat din si Denis sa braso baka nabalian pa siya. Ikaw Carlo maayos ka lang ba?" tanong pa ni Ate. Sobra-sobra ang pag-aalala namin.
Tumango lang Ito kahit maraming pasa din Ito na natamo. Mabuti at andito sila kung wala baka napuruhan kami nila Ate. Si Ate Nelda naman nakabantay sa mga bata sa loob ng bahay. Pinigilan pala Ito ni Ate kanina na wag ng lumabas para bantayan na lang ang mga bata.
Puro dugo na ang dalawang lalaki na natamaan ko kanina sa itak na hawak ko. Hindi ako naawa kundi puot at galit ang nararamdaman ko sa kanila. Malakas ang loob kong sampahan sila ng kaso dahil alam kong tutulungan ako ni Kuya Gardo. Hindi ko ininda ang sakit sa katawan ko
Isinakay lahat sa police patrol car ang anim na nanggulo sa bahay namin. Kinausap kami ng isang Pulis sinabi kong susunod kami ni Ate sa presinto. Hinihintay namin ang ambulansya na tinawagan ng isang Pulis para maitakbo na sa madaling panahon ang mga kapatid ko at si Papang.
"Nelda, ikaw na muna ang bahala sa mga Bata. Itakbo muna namin sa ospital sila Papang. Maglock kay ng pinto. Wag ng lumabas ng bahay ha." malakas na sigaw ni Ate Wilma para marinig siya ni Nelda. Nasa pintuan lang pala Ito kasama ang mga Bata. Dahil bumukas agad ang pinto namin.
"Ayos lang ba kayong lahat. Carlo ayos ka lang ba ha? Si Papang may dugo siya sa ulo." hindi na siya nakapagsalita ng makita niya ang mga itsura namin. Mukhang kanina pa sila umiiyak sa loob.
Naaawa ako sa mga bata na nakaka-experience ng mga ganitong kabayolenting eksena. Bwesit naman kasi ang mga taong Ito. Mga mayayabang, barumbado at feeling kinakatakutan ng lahat.
"Paparating na ang ambulansya. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Mag-lock kayo ng pinto ha. Mag-iingat kayo dito. Uminom kayo ng tubig ng mahimasmasan kayo." bilin ulit ni Ate.
Tinulungan na kami ng staff ng ambulansya na isakay si Papang sa loob ng ambulansya. Mukhang nanghihina na Ito dahil hirap na din na maglakad. Inakay naman ni Ate si bunso sumunod na kaming lahat na pumasok sa loob.
"Mas malala ang ginawa nila ngayon dahil tayo na ang sinaktan nila at nanira pa sila ng bahay. Iwan ko na lang kung hindi pa sila makukulong." may galit sa boses na sabi ni Kuya. 5 minutes lang nasa hospital na kami sa bayan.
Agad nilang inasikaso ang mga pamilya ko. Naiwan kami ni Ate sa labas. Pati si Carlo pinatignan na din namin sa doctor. Sasalang silang apat sa x-ray at CT scan. Lalo na si Papang at bunso.
"Kung sana hinayaan ko na lang na alipustahin nila ang pagkatao ko. Ayos lang sana kaso pati Anak ko dinamay nila. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasaktan ko sila. Kung alam ko lang ang nangyari sainyo noon nag-ingat sana ako. Hindi sana kayo nasaktan lalo na si Papang. Kasalanan ko Ito eh. Nasubrahan ako ng tapang na ikakapahamak ng pamilya natin sa bandang huli. I'm sorry Ate." umiiyak kong sabi.
"Wala kang kasalanan, Lele. Sila lang talaga yung mga taong masasama ang mga ugali. Ayaw malamangan at masabihan lalo na ang ayaw nila matalo. Mahilig lang sila gumanti kahit sila ang nagsimula ang away. Pino-provoke ang pamilya natin kapag napuno at nagalit tayo at pinatulan sila. Sila pa ang may ganang magalit." alo sakin ni Ate Wilma.
"Kaya dapat lang talaga na makulong sila. Tama si Papang hindi na tayo safe dito. Baka kapag nakakulong sila ay may ibang gagawa ulit niyan satin. Ang layo naman kasi ang mga kamag-anak ni Papang. Si Mamang naman sa Pampanga, parang ayoko doon dahil naiinis ako sa pinsan natin ate." simangot ko.
"Wilma, Lele!" mabibilis na hakbang ang ginawa ng Asawa ni Ate makalapit lang dito. "Anong nangyari kumusta kayo?" sabay yakap nito kay Ate.
"Wag mong higpitan ang pagyakap sakin masakit ang katawan ko." daing ni Ate.
"Sinaktan ka din nila? Ikaw Lele?" sabay kaming tumango. Nasa bayan ito may mga deliver na gulay at prutas. Kaya wala sa bahay kanina.
"Pasensiya na wala ako kanina. Kumusta si Papang, mga kapatid niyo?" may pag alala din na tanong nito. "Kauuwi ko lang ng sabihin ni Nelda na nandito kayo sa hospital kaya agad akong nagtungo dito." pagbabalita nito sakin.
Napatayo kaming tatlo ng lumabas sa x-ray room ang mga kapatid ko na dalawa. Pero si bunso at Papang nakaconfine na sila. Malakas yata ang ginawa nilang pamamalo kina Papang at bunso. Kung hindi pa kami tumulong ni Ate Wilma kanina baka napuruhan ng sobra si Papang.
"Anong resulta kuya?" tanong ko agad.
"Wala pa mamaya pa. May mga resita ang doctor kanina nakasulat sa papel para sa nalamog naming katawan. Kayo dapat nagpa-xray din kayong dalawa. Kita kong napalo ang likuran mo Lele dalawang beses pa yata. Pati ikaw Ate." sabi din ni Kuya Carlo.
"Wag na makiinom na lang kami sa gamot na niresita sainyo." sagot ni Ate.
"Mas mabuting mag pa-xray din kayong dalawa." tinulak na kami ni Kuya Ariel. Sakto naman na lumabas ang nag-xray sa mga kapatid ko.
"Doc, pasensiya na baka pwede din sila ma-xray. Baka may nabaling buto sa katawan nila. Ayaw lang nila magsabi dahil nag aalala sila sa ama nila." sabi ni kuya Ariel.
"Sa loob na tayo para isahan ng matignan ang resulta mamaya." ayoko sana kaso pinilit ako ni Kuya.
Sobrang bayolente naman pala ang mga napangasawa ng mga chismosang iyon. Kaya pala ang lalakas ng loob eh. Mga basag ulo naman pala ang mga Asawa. Pati mga ibang mga kalalakihan na wala naman kaming ginawang kasalanan sa kanila. Isa din sa nanakit sa amin dahil lang kaibigan nila ang mga gagong mga lalaking Ito.
Kailangan namin ng hustisya. Kaya nakakahiya man ay kailangan kong kapalan ang mukha kong magpatulong talaga kay Kuya Gardo. Pwede din kay Sir Noven na tauhan ni Kuya Gardo. Alam kong matutulungan nila ako. Kailangan na din talaga na makaalis na kami dito sa lugar na Ito. Maganda dito pero mga kabarangay ang mga anay ng buhay namin.