20 Calendula

2139 Words
Calendula Flower "Is also known as marigold, has been used for centuries for its healing properties. It symbolizes comfort and recovery, providing hope in times of illness. It's a flower that symbolize healing and strength." Leyanna Pov Presinto Nasa hospital din pala ang dalawang lalaki na nataga ko kanina. Wala akong pakialam sa kanila mas nag aalala ako sa kalagayan ni Papang. Nasa hospital pa lang sila Papang at si bunso. Hindi pwede yung walang gagawin ang mga pulis. Kailangan na makulong ang mga barumbado. Trespassing ang ginawa nilang paglusob sa bahay namin. At saktan kaming lahat at manira ng gamit namin. Lalo na ang mambato at basagin ang mga salamin ng bentana namin. "Ano pong kasalanan ng pamilya ko sainyo para gawin niyo samin Ito? Mga gago kayo sana noon pa kayo nakulong eh. Pero dahil malakas kayo sa mga kapulisan dito. O, baka may kamag-anak kayong mga pulis na nagtatrabaho dito. Ay pwede niyo na lang kaming lusubin sa bahay namin ng walang kalaban laban. Tandaan niyo, Idedemanda ko kayong lahat." galit na galit kong sabi. "Huminahon kayo miss. Hindi malulutas ang problemang Ito kapag naghi-histerikal kayo." awat sakin ng isang Pulis. "Kapag huminahon po ba ako ay malulutas pa rin ba ang problemang Ito? Di ba hindi, baka kapag naayos na ang problemang Ito ay palalayain niyo na ang mga hinayupak na mga gagong lalaking mga Ito. Marami akong isasampa sa kanilang lahat. Kapag hinayaan niyo lang na makalaya ang mga 'to ng walang hustisya sa ginawa nila sa pamilya ko. Humanda kayo isusumbong ko kaya kay General Gerardo Bustamante." gigil na inis ko sa kanila. Hindi pwedeng hindi sila makulong. Hindi ko din sure kung general nga si kuya Gardo. Sana tama ang sinabi ko. "Noong una ho hinayaan niyo ang mga iyan na makalaya dahil wala kaming kakayahan at sapat na Pera para sampahan sila ng kaso. Hindi nga nila binayaran lahat ng sinira nilang mga gamit namin pang bukid noon. Wala din kayong aksyon sa nangyari. Kami pa ang may kasalanan dahil lang mas kumampi kayo sa mga barumbadong mga yan. Sila ang salot sa Barangay namin na laging naba-barangay, napapa-blotter at naipapapulis, pero wala kayong aksyon na ginawa. Hinayaan niyong maperwisyo ang mga Tao dahil sa kapabayaan niyo. May kinikilingan kayo may pinuprotektahan at may iniingatan kayong mga hudas at masamang tao." sabi naman ni Ate Wilma. Bihira lang din itong magsalita at magalit dahil napakabait nito. Mapagpasensya at mahinahon sa lahat ng bagay. Magkaiba kami ng personality pumapatol talaga ako sa mga chismosa dati sa flower farm. Lagi ako sinasabihan ni Ate na umiwas na lang kisa makipag-away. Pero hindi talaga kaya ng loob ko na tumigil na lang at hayaan lang sila. Lalo na kapag wala namang katutuhanan ang mga chismis nila. Alam kong galit na galit din Ito. Ang nakakairita sa lahat ay yung paparinggan ka. Minamata at bubulong sila na parang mga bubuyog. Tapos kapag sitahin at patulan sila. Sasabihin na bakit ikaw ba pinaparinggan namin. Yung obvious na obvious kahit walang pangalan pero ikaw talaga ang pinag-uusapan. Nakakakulo ng dugo yung gan'on gawain nila. "Gagawa gawa kayo ng ikakasakit ng damdamin ng mga tao. Kapag kayo binalikan kayo pa ang maangas at galit na akala niyo kayo ang naagrabyado. Kapag wala pa kayong aksyon ngayon at hayaan ang mga yan na pagala-gala. Ewan ko na lang. Saka na lang siguro kayo aaksyon Sir, kapag may isa na sa pamilya namin ang napatay nila. Idudulog namin Ito sa matataas na opisyalis ng kapulisan." dagdag din ni kuya Carlo. "Kayo ang nauna. Sinaktan niyo ang Asawa ko ng walang kalaban laban. Tapos magpapa-awa kayo sa mga pulis na akala niyo wala kayong kasalanan. Bwesit kayo! Tangina niyo!" galit din na sabi ng lalaki. "Anong kami kayo ang nauna! Cyber bullying at paninirang puri ang ginawa ng mga Asawa niyo! Dalawa sila at mag-isa lang ako. Pero kayo dinamay niyo lahat ng pamilya ko. Dapat lang na bigyan kayo ng leksyon sa ganyang ginagawa niyo sa kapwa niyo. Mga Asawa niyong chismosa ang dahilan ng mga awayan ng ibang kabarangay natin. Kapag nakanti ang mga Asawa niyo tudo suporta at aksyon naman kayo para gumanti. Tino-tolerate niyo ang ganyang ugali ng mga asawa niyo. Mga wala kayong kwenta. Pwede ko lang din sila sampahan ng kaso!" gigil kong inis. Masamang tingin lang ang sinukli nila sakin. "Ang yayabang niyo! Ang pamilya lang namin ang kaya niyong gawan ng masama. Hindi ako makakapayag na hindi kayo makulong. Hintayin niyong makarating dito si Kuya Gardo ng malaman niyo ang hinahanap niyo!" Marami pa ang mga tanong ng mga pulis at halos magtalo pa kami ng mga lalaking makakapal ang mukha. Mayat maya ay dumating ang mga Asawa nila kaya mas lalong uminit ang tension. Kita ko ang mga pasa sa mukha nila sanhi ng panununtok ko. Umirap sila sakin tinaasan ko lang sila ng kilay. Akmang susugurin ako ng Isa sa kanila ng agad na umawat ang mga pulis. Tumayo din ang lalaking Asawa nito at agad akong nilapitan. Para sana suntukin ng maagap si Kuya Carlo, tinulak niya ang lalaki. Tumilapon ito sa sahig. Nagkagulo na ulit naka-agapay lang si kuya Ariel sakin sila ni Ate. "Kalalaki mong tao pumapatol ka sa mga babae. Sana ikaw na lang ang nataga kanina." gigil na sabi ni Ate. "Napakawalang hiya niyong magkakapatid." sigaw ng isang babaeng nasuntok ko kanina. "Paano kami naging walanghiya? Sino ang mas walang hiya satin ha? Narinig niyo bang sinisiraan ko kayo o kami ng pamilya ko. Tangina lang ha. Kayo ang magaling mang away, magaling magparinig, magaling makialam ng buhay ng may buhay, at kayo ang magaling magchismis tapos kami pa ang walang hiya? Wow, perfect amazing people in this universe, space, galaxy, milky way, and earth. Sana kunin na kayo ng mga alien!" sarkastiko kong sambit. "Napaka gaga mo!" sigaw din ng Isa. "Ganyan na lang ang nasasabi niyo dahil wala kayong maibato sa amin. Dahil totoo naman na wala kaming pakialam sa ibang tao dahil sarili lang namin ang pinapakialaman namin. Hindi kami nagchichismis ng ibang tao dahil mas inaatupag namin ang kumita para sa kinabukasan namin at may pangkain kami araw-araw. Kayo nganga, dilat na dilat ang mga mata dahil sa kaka-chismis niyo!" inis na patol ko sa kanila. "What's happening here?" seryosong tanong ng kadarating lang na panauhin dito. Kuya Gardo nagalak ako agad. "Good afternoon Sir!" sabay-sabay pang bati ng mga pulis. Mukhang nataranta pa sila. "Gusto pa po yata ng mga pulis na masuntok ako ng mga lalaking yan bago sila makulong. Kulang pa ba ang ginawa nila sa mga kapatid ko. At kami ni Ate we all injured po Sir. Tapos ang dami pa nilang interrogate sa Amin. Eh, obviously naman po na kami ang dihado dito Sir." seryoso kong sambit kay Kuya Gardo. "I know and I heard everything you all said here. Yung sinabi niyong lahat. As in lahat-lahat. Paano mo Ito maipaliwanag Sir Vergara?" namutla ang isang Pulis sa tanong ni Kuya Gardo. "Ganito ba ang patakaran niyo dito sa municipality niyo? Nasaan ang mga pinag-aralan niyo bago kayo naging pulis. Nakalimutan niyo na ba ang mga sinumpaan niyong tungkulin na maglingkod sa bayan? Hindi ang maglingkod sa kamag-anak, kaibigan, kapatid o kahit ano pa man na kakilala niyo! It's very clear that you didn't do your job very well here! Sumasahod kayo na wala namang kayong ginagawa sa mamamayan niyo! Walang kayong ginagawa para proteksyonan ang mga naagrabyado! You all useless!" galit na sermon ni Kuya Gardo, sa mga Pulis. "Sir magpapaligaw po kam----" "Anong ipapaliwanag niyo? Iibahin mo ang sinabi mo sa mga lalaking iyan! Bullsh!t! May mata ako dito mula Batanes hanggang Jolo lahat may mga tinalaga akong mga tauhan. Binigyan ko na kayo ng dalawang pagkakataon tapos akala ko maayos na ang pamamalakad niyo dito. Hindi naman pala. Ipasa niyo na ang mga resignation letter niyo bukas na bukas din!" madiin na sabi ni Kuya Gardo. "Sir, wag naman po. Pangako pagbubutihin na namin ang trabaho namin dito. Kailangan ko ang trabaho Sir. Nagmamakaawa ako!" lumuhod na ang isang Pulis at ang dalawa pa ay nakayuko lang. "Alam niyo ba ang mga ginawa niyo? Hinayaan niyong walang bantay ang dalawang sugatan na lalaking kasama nila. Kamuntik na silang tumakas mabuti at naabisuhan ko ang ibang mga pulis dito. Wag niyong gawing laro ang pag seserbisyo niyo sa bayan. I said what I said and that's final! At kung kinanti niyo pa ang pamilyang Ito ng walang kasalanan at kalaban laban. Alam niyo na sa susunod ang mangyayari sainyo." diin na banta ni Kuya Gardo sa kanila. "Mula Batanes hanggang Jolo saan man kayo pumunta ay mahuhuli din kayo. Isang libo isang iyak buong bansa eat Bulaga! Tabi, tabi kayo diyan! Bwesit kayo ng dahil sainyo hindi na ako nakanood ng eat Bulaga!" sabay hawi ng mga tao at lumapit sakin si Ate Nina. Gusto kong matawa dahil napaka-init at intense ang atmosphere ay heto ito agaw eksena. Si ate ang mahinang natawa tinago lang niya ang mukha. Si Kuya Gardo naman ay napangiwi sa ginawa ng kasama nitong Si ate Nina. "Bruha ka! Bakit may mga pasa ka sa braso. Meron ka pang sugat sa pisngi at mga gasgas sa katawan. Sinong hayop ang gumawa nito kay Yannang! Sumagot kayo!" sigaw ni Ate Nina. Ang kwela lang talaga nito. Maka-acting wagas. Napakamot nalang ng ulo si Kuya Gardo at sumimangot. Niyakap ako ng mahigpit ni Ate Nina na parang close na close kami. Eh, magkakilala lang naman kami kagaya ng kay Serenity. Pero nakakahalubilo ko silang tatlo nila kuya Gardo sa flower shop dati. "W-wag mahigpit Ate Nina. Masakit ang katawan ko." mahina kong sabi. Napatigil naman Ito. "Sorry, namiss lang kita. Wala na kasi akong kadaldalan sa flower shop. Puro na lang sila seryoso at dedma. Ikaw lang talaga ang natatangi sa lahat. Nandito din si Serenity hindi ko na muna pinababa dahil gusto ko ako na muna ang kumausap sayo. Diba feeling special ka arte nito." sabay tawa. "Talagang feeling special po ako. Dumating kasi kayo on time salamat sainyo." sabi ko. "Tara na sa labas at bahala na si Gadongdong dito sa mga hinayupak na mga Ito. Kasama na rin nilang ikulong ang mga impakta na mga ito." sabay irap sa mga babaeng namumutla na sa kaba. Hindi ko na sila pinansin pa at si Kuya Gardo na ang bahala sa kanila. "Saan bahay niyo ng maihatid kana namin?" tanong pa nito. "Ahm... hindi pa ako pweding umuwi Ate Nina. Kailangan pa naming pumunta sa hospital. Nasa hospital pa kasi ang dalawa kong kapatid at si Papang." walang nagbabantay sa kanila doon. "Ate Yanna." malakas na tawag sakin ni Serenity ng makalabas kami ng presinto. "Senyorita Serenity!" bulalas ko din. Pero sumimangot Ito at humalakhak naman si Ate Nina. Ayaw pala nitong natatawag na senyorita. "It's Serenity po!" sabay lapit sakin at niyakap ng mahigpit pero inawat siya ni Ate Nina. "Masakit ang katawan niya. Narinig mo naman yung sinabi ni Gardo 'di ba?" "Ay sorry Ate Yanna." "Bakit napadpad kayong dalawa dito?" tanong ko. "Galing kaming semetery. Tapos narinig kong may kausap si Kuya Gardo at narinig ko ang pangalan mo. Kaya sumama na kami ni Ate Nina, dito." paliwanag nito. "Tsaka tinakasan niya yung boyfriend niya. May tampo ang mga sisiw. Kaya sumama dito si Serenity." "Tsk!" May dumating na mga police patrol Van. Walang nagawa ang apat na kalalakihan ng isakay sila sa sasakyan ng mga police habang nakaposas patalikod ang mga kamay nila. Wala akong awa na nararamdaman sa kanila dahil sa ginawa nila sa pamilya ko. Lalo na kay Papang. Sa Kabilang sasakyan sumakay sila Ate at ako naman dito kina Kuya Gardo. Magkatabi kami ni Serenity sa likod. Sila Kuya Gardo at Ate Nina sa harapan. Nagtanong tanong ako kung may alam silang lupa sa Pampanga na binibenta. Agad naman na sumagot si kuya Gardo. Meron daw at pwede kaming mag-alaga ng baboy doon at manok. Dahil may mga kulungan na daw ng mga baboy doon. Binibinta daw ng kaibigan nito. May bahay na din daw do'n bungalow type. Kaya nagtanong na ako kung magkano ang lupa na binibenta nila. Kung gaano kalawak kung may space ba na taniman ng mga gulay at tirahan ng mga alaga nilang kalabaw, baka at kambing. Sasamahan daw kami ng isang tauhan nito para makita ang lupa kung gusto namin o hindi. Para makahanap siya ng ibang lupa sa Pampanga din. Nagpasalamat naman ako agad sa kaniya. Hinatid nila kami sa hospital at sinabihan na sila na ang bahala sa gastusin dito sa hospital. Tumanggi ako dahil sobrang kalabisan na kung pati ito sila na din ang umako. Okay na sakin ang mahanapan kami ng safe na matitirhan. May pera pa naman kami para sa gastusin dito sa hospital. Tama na ang pagtulong nila na maipakulong ang mga abusado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD