21 Sunflower

1909 Words
Sunflower "These bright blooms have become a symbol of healing, particularly for those recovering from illness or injury." Family/Leyanna Pov Sa family Osmeler namin beninta ang lupa namin na katabi lang din ng hacienda Osmeler. 6Million ang benta namin sa lupa kasama na ang mga bahay namin. Hindi na nila pinagiba ang bahay dahil mapapakinabangan daw nila. Para sa imbakan ng mga pagkain ng alaga nilang mga hayop sa hacienda. Marami din kaming tanim na kahoy hinayaan na lang nila. Sabi ng secretary ng family Osmeler ay mananatiling private ang lugar na ito. At walang sisirain o puputulin na kahoy. Mas maganda daw na wag putulin dahil mapapakinabangan pa ng mga Tao ang bunga ng mga tanim namin. May mga mangga, bayabas may guyabano at santol pa at yung avocado na kabubunga lang ay naharvest na din namin. Tapos yung lupa na lilipatan namin ay 2Million lang benta nila. Kasing lawak din ng lupa namin sa Tarlac. Same lang din may mga tanim din na mga puno. Kaya approved sila Papang at Kuya sa lupa na bago naming matitirhan ngayon. May bahay na doon kaya bago kami lumipat ay nilinisan muna namin ang bahay. Para may pansamantala kaming malilipatan. Kinuha namin ang mga alaga naming mga hayop sinakay iyon sa isang truck din. Ayaw sana nilang payagan na umalis si Mamang sa mansion pero desidido na rin na umalis si Mamang dito sa Tarlac. Kahit sayang daw ang sahod niya sa mga Osmeler at magaan ang trabaho niya. Mas pipiliin daw niyang makasama kaming pamilya niya. Maraming pabaon ang mga amo ni Mamang at mga katrabaho nito sa mansion. Kompleto daw ang pamilya Osmeler ng malamang aalis na si Mamang doon sa mansion nila. Alam kong napamahal na ang mga Anak ni madam Reina kay Mamang. Nabalitaan din nila ang nangyari sa pamilya namin kaya kami aalis na ng Tarlac. Sila na din ang nagsabi na kailangan pagbayaran ng mga abusado ang ginawa nila samin. Dapat lang! After how many months nakapag adjust na din kami sa panibagong buhay na tatahakin ng pamilya ko. Bumili din kami ng sasakyan pang angkat ng baboy na aalagaan namin. Naghanap din sila Ate sa palengke na pwedeng upahan para magtinda ng mga gulay gaya sa nakasanayan na nila sa Tarlac. Ang ilang sa lupa namin ay ginawang vegetables garden sa kabila naman ay ang babuyan namin at manukan. May mga kapitbahay naman kami pero hindi din dikit sa amin. Naisipan ni Mamang na mag store na lang din siya. Para kahit papano may binabantayan siya. Para hindi siya maboring sa bahay. Unti-unti na naming nakakalimutan ang mga masasamang karanasan namin sa dating lugar kung saan kami lumaki. Ang lumang bahay ay nirenovate namin para tirahan nila Papang at Mamang kasama ang dalawa kong kapatid. Nagpatayo ng sarili nilang bahay sila Kuya at Ate para sa sarili din nilang pamilya. Nagtulong tulong na lang silang pinatayo ang mga bahay nila. Isang taon din bago kami nakabangon at naging tahimik na ang buhay namin kahit papano. Mag grade one na ang Anak ko sa pasukan. Kaya imbes na Iwan ko siya sa mga magulang ko kay isinama ko na lang siya sa tagaytay. May malaking offer kasi sakin si Sir Noven. Kaya kinausap ko ang pamilya ko na hindi habang buhay ay nakadependi kami sa kanila. Kailangan ko din kumita ng pera para sa kinabukasan ng Anak ko. Pinatos ko na ang libreng edukasyon ng Anak ko doon. Libreng tirahan na din para samin ng anak ko. Nalulungkot man sila na mawalay na kami ng Anak ko sa kanila. Pati din naman kami ng Anak ko mas sobrang nalulungkot. Pero may cellphone naman na pagvideocall namin. Para hindi mabigat ang buhay kapag ando'n kaming lahat. Kumikita pa naman ang pagba-vlog namin. Minsan na lang nakakapost sa YouTube dahil sa busy kami. Atupagin ko na lang kapag nasa tagaytay na kami ng Anak ko. Para may Pera parin akong maitutulong sa pamilya ko sa Pampanga. Mas mediyo malapit na ang uwian namin ng Anak ko ngayon kumpara noon. Si Sir Noven na din ang nagsundo samin ng Anak ko. Mga gamit lang namin ang dala namin ng Anak ko. Provide na daw ng owner ng flower shop na pagtatrabahuan ko ang tirahan at mga gamit pang kusina at tulugan. Actually yung flower shop ay may isang kwarto na daw na pasadya. May maliit lang na kusina at konek na yun sa sala. Kaya pasalamat siya kay Sir Noven na hinanapan talaga niya ako ng fit na work para sakin. Bagong bukas lang pala ang Sevenity Club na ito. Marami na rin ang mga patayong mga shops gaya ng restaurants, coffee shop, mini store, flower shop, may chapel din, souvenir and accessories store and more. Exclusive lang pala ang lugar na ito. May golf club pa, basketball area, gym, open to all swimming pool. At ang dalawang building na circle yung isa at square naman ang Isa pa. Ang cute. May malawak pa na outdoor at indoor riding arena for horse. And a lot more ang ganda naman pala dito. Sigurado akong hindi maboboring dito ang Anak ko. Mag eenjoy siya sa makikita niyang mga horse na pangarap niyang masakyan. Sunday ngayon at opening ng Flower Shop. Wala daw ang may ari nito naka base sa ibang bansa. Kaya ako na daw ang bahala na mang manage sa flower shop na Ito. Ang pangalan ng flower shop ay 'Miss Florist de Sunflower'... hmmm gusto ko yung name dahil sunflower ang pinakafavorite ko sa lahat with orchids. Maraming mga tourist ang mga bisita ngayong linggo. Kaya pagkatapos ng pablessing ng flower shop ay nag pa give aways ako ng mga souvenirs and accessories na sponsor ni Serenity. Para sa mga tourist na bumisita dito. May mga bonggang premyo pa. Good luck sa mga mananalo. Si Charmy ang kasama ko owner ng Isang restaurant sa tabi ng talon. Nakilala ko siya kahapon dito. Mabait naman at kaibigan din pala siya ni Serenity. Kaming dalawa ang magbibigay ng free paraffle sa bawat tourista na mapapadaan dito sa flower shop. "Hello. How much the souvenirs?" tanong ng isang turista. "We do not sell it ma'am. Bunot ka na lang po ma'am just for fun and free." sagot ni Charmy. "Wow talaga paano kapag wala akong mabunot. Sana may souvenirs parin po." sabi din ng Isang kasama nito. May mga nagsilapitan na din na mga turista dito sa flower shop. "Don't wait, participate in our raffles and let the winning flow! Our raffle prizes will have you feeling like a million bucks. Get yours now!" masayang sambit ni Charmy. "Entering our raffle for a chance to win big. Pick one and tada may souvenirs kana!" masaya ko din na sabi. "Oh bunot na Isa Ma'am." nakangiting sabi ko pa. Nilapit ko na ang box at pinabunot ko siya. Siya na din nagbasa sa nabunot niya "Surprise! Wala bunot ka ulit!" natawa kami lahat. "Akala ko pa naman." sabay tawa. "Sinurprise ka lang po ng nakasulat." sabi ko naman na natatawa. Pero binigyan ko parin ng souvenirs. Eme, lang yung mga sinulat ko for fun din. "Ikaw halika bunot na. Don't be shy." Ang na bunot niya "Bokya, eme lang, bunot ulit!" humalakhak kami ni Charmy. "Kaloka yang mga sinulat mo ha." natatawang sabi ni Charmy. "Just for fun nga lang. May surprise diyan malas nila kapag hindi nila mabunot." sabi ko naman. "Oh, kuya bunot kana. Masaya 'to. Once in a full moon lang. Kaya grab it now." sabi ko pa. Nagkatawanan naman ang mga turista. Nag eenjoy sila sa kalukuhan namin ni Charmy. " 'Seller' meaning kunin mo na yong seller, joke! Next!" humalakhak si Charmy dahil alam ko siya nag sulat nito. "Walang pamigayan ha. Not for sale ang seller." sabay tawa ko. Natatawa na din ang mga bisita. "Oh next. Lapit na walang hiya, hiya dito. Hindi kayo makakakuha ng free souvenirs. Gawa ito ni Miss Serenity Parker the Princess of Art. Sa Cromwell Mall Makati ang location kapag gusto niyo bumisita sa shop niya. Maraming choices doon na magaganda." sabi ko pa. May mga lumapit naman na iba pa. Paano naka-mic kami ni Charmy baka abot hanggang Falls ang boses naming dalawa. Lalo na ang mga halakhakan namin. "Ay nabunot! Bunot ulit!" basa ng nakabunot. "Anong nakalagay sa nabunot mo?" tanong ni Charmy. "Nabunot niya yung nakaroll na papel. Ay nabunot! Eme." maarte kong sabi. Nagkatawanan kami ng nakabunot. "Corny ang mga nabubunot niyo. Galingan niyo naman bumunot!" sabi naman ni Charmy. Marami pa ang bumunot at natatawa kami sa mga sinulat namin ni Charmy. The purpose is mag enjoy ang mga turista sa pagbunot ng kunwari paraffle namin. Pero may mga sinulat din naman kami na free lunch with family, free tickets sa movie. Cash, bouquet of flowers, Vase na gawa ni Serenity. Frame with picture dito sa lugar na Ito. And more. Kaya galingan nila. Wala pang nakakakuha sa grand prize. "Bakla nanalo ka jackpot!" sumigaw ang nakabunot ng hindi pa niya nababasa lahat. "Charot lang lugi kami! Bunot na ulit!" napasimangot pagkabasa niya ang buong nakasulat. Humalakhak naman kami. Dapat binasa niya lahat bago mag react. "Walang malungkot lahat may souvenirs." malakas kong sabi. "Raffle on, raffle on, don't stop until you've won." malakas naming sabi ni Charmy. Two hundred ang mga sinulat namin ni Charmy. Umabot kami hanggang hapon sa pag iisip ng mga isusulat namin. Kaya wala pang nakakuha sa mga maayos na prizes. "Oh bunot kana ulit miss jackpot na na-scam. Baka pagkakataon mo na Ito." natatawa kong sabi dahil ang iba not interested dumaan lang at ayaw nila makijoin. "Yay talaga po?" masaya nitong sambit. "Wow how about us?" tanong din ng iba na malas sa mga nabunot. Puro kalukuhan lang. Ilan na lang ang naiwan dito at pinagsabay sabay na namin ni Charmy na bumunot ang lahat. "Wait! Sabay-sabay niyong buksan at basahin ang nabunot niyo! Kung sino sainyo ang maswerte na makakakuha sa grand prize." pigil ko sa mga turista na akmang babasahin na ang mga nabunot nila. Grand prize is 5k si Sir Noven nagbigay sa grand prize na cash. Ang ibang may Ari din ng Sevenity Club ay nagbigay din sa ibang prize na ipamimigay namin ni Charmy. "Mag bilang ako ng tatlo ay nakatago na kayo... Ay sorry mali. Hindi pala tago taguan Ito." humalakhak naman sila. "Ready?" tanong pa ni Charmy "Ready!" sigaw naman nila. "Heto na. One. Two. Tot, tot, tot. Three. Basahin na ang mga nabunot niyo!" malakas naming sabi ni Charmy. Tilian sila sa mga nabunot nila. Yung iba malas parin. Tuwang tuwa sila sa nabunot nilang prize. Pero ang grand prize hindi parin nila nabunot. Kamalas naman nila. Pumalakpak naman kami ni Charmy at nag congratulations kami sa mga nanalo. Pina-claim naman namin sa main office dito din sa loob. Doon nila makukuha ang mga prizes nila. Pero yung bouquet of flowers ay binigay ko na sa nanalo ng bulaklak at swerte dahil lalaki ang nakakuha. Sakto daw para sa Mama niyang may birthday ngayon. Nasa falls daw ang Mama nito nag-eenjoy sa pagtatampisaw doon. Napangiti naman ako. Ando'n din ang Anak ko sa falls kasama ni Sir Noven. At iba pang mga Bata na Anak ng ilan sa mga Asawa ng may Ari ng Sevenity Club din. Enjoy na enjoy ang mga turista sa pakulo namin ni Charmy. At least kahit papano nakapag pasaya kami ng mga turista. Baka next time balik ulit sila dito pero wala ng pa-raffle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD