12 Daffodil

2645 Words
Daffodil "often considered the first spring flower, the daffodil represents and new beginnings and hope for the future." Leyanna Pov Pagkabayad ko sa tricycle ay patakbo akong pumasok sa loob ng bahay nila Aling Marita. Gusto ko agad makita ang Anak ko at mayakap Ito ng mahigpit. Pero mas nagulat ako sa binalita sakin ni Aling Marita. Napatda ako sa narinig na halos sumabog yung utak ko. "Paanong nangyari na wala ang Anak ko dito Aling Marita. Bakit niyo po siya hinayaan na lumabas ng bahay." napaiyak na ako lalo. Tuliro kung saan ko hahanapin ang Anak ko. Mas baling mawala sakin si Radeon, wag lang ang anak ko. "Pasensiya na Hija, may pumunta kasi dito mga katrabaho mo daw sa flower shop dati. Galit na galit sila at gustong kunin ang Anak mo para kahit papano daw makaganti sila sa ginawa mo sa kanila." Tangina! Anong ginawa ko sa kanila na sinasabi ni Aling Marita? Ilang buwan na simula ng umalis ako sa flower shop. Sira ulo ba sila ako pa ang sinisisi nila. TangIna sila. Kung may masama lang na mangyari sa Anak ko kakapatay na talaga ako! "N-nakuha ba nila ang Anak ko?" takot na takot ako na hinihintay ang sagot nito. "Hindi. Dahil bigla na lang itong nawala sa loob ng bahay ko. Pumasok pa nga ang dalawang lalaki sa loob ng bahay ko. Hinaloghug nila ang buong sulok ng bahay. Natakot akong magsumbong sa mga pulis dahil may dala silang baril hija. Hindi sila makapasok sa kwarto na inuupahan mo dahil naka-lock iyon. Pasensiya na hija hindi ko nabantayan ng mabuti ang Anak mo." pati Ito umiiyak na din at nanginginig pa sa takot. Niyakap ko na lang Ito. Kahit papano nakahinga ako ng maluwag. "Pasensiya na Aling Marita, wala akong alam na kasalanan sa kanila dahil matagal na akong wala sa trabaho. Hindi ko alam kong anong dahilan nila bakit ginagawa nila Ito sakin. Sige po hahanapin ko lang ang Anak ko." sabi ko kay Aling Marita. Ang nasa isip ko na lang ay ang pumunta sa simbahan. Mamayang alas singko ulit ng hapon ang misa. At alam kong kunti na lang ang tao sa loob ng simbahan. Malakas ang loob kong nandito ang Anak ko. Sigurado akong nandito siya. 'Please panginoon gabayan mo ang Anak ko. Siya na lang ang meron sakin. Siya na lang ang nagpapalakas sakin. Paano na ako kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko kayang mawala ang Anak ko. Ligtas sana siya panginoon.' daing kong panalangin sa panginoon. Pumunta ako sa may gilid ng simbahan sa may kampanaryo. Doon kasi kami madalas na pumupunta ng Anak ko kapag tapos na kami magsimba. Panginoon nagmamakaawa ako kailangan kong makita ang Anak ko. Hindi ko mapigilan na hindi maiyak na naman. Mawala na ang lahat wag lang ang Anak ko. Anak ko nasaan ka. Sunod-sunod na luha na naman ang dumaloy sa pisngi ko. "Anak ko nasaan ka? Nandito na si Mama. Hinding hindi na kita iiwan anak ko." malakas kong sabi. "Radleigh, nandito ka ba? Andito na si Mama." umikot pa ako para makita ko kung andito ba ang Anak ko. "Anak asan kana ba? Nag-aalala na si Mama. Panginoon ko, tulungan mo po akong mahanap ang Anak ko. Parang awa niyo na po." napaluhod na lang ako sa sobrang pag-aalala sa Anak ko. "Miss are you okay?" Are you okay? Gago ka ba nakita mong umiiyak ako natural hindi ako okay. Sigaw ng isipan ko. Kaya imbes magsalita ako umiling na lang ako. "You need help?" "Fly away! Go away!" sagot ko. Tumayo na ako pero ang makulit na lalaki hinawakan pa ako sa may siko at tinulungan na makatayo. Hindi ko Ito pinansin. Hindi din ako nagpasalamat. Naglakad pa ako sa pinakadulo. Kung wala dito baka nasa loob ng simbahan ang Anak ko. Sabi ko pa. Pinahid ko na ang luha sa aking pisngi. Nahaloghug ko na lahat dito sa may kampanaryo. Kaya ang huling pag-asa ko na lang ay sa loob ng simbahan. Kaya nagmadali na akong umalis doon at pumasok na sa loob ng simbahan. Hindi ko pinansin ang lalaking kumausap sakin. Papasok palang ako sa loob ng simbahan ay kita ko na ang batang nakaupo sa harapan ng altar. May iilan pang mga Tao na nasa loob ng simbahan. Mabilis akong lumapit doon sa kinaruruunan ng bata. Napalingon naman agad sakin ang Anak ko. Mukhang nagulat pa Ito pagkakita sakin. Mabilis itong tumayo at patakbong lumapit na sakin. "Mama ko!" malakas niyang tawag sakin. Patakbo na akong sinalubong ang anak ko. Agad kaming nagyakapan na dalawa. Hindi ko na naman mapigilan na hindi umiyak. "Bakit ka umalis sa bahay ni Aling Marita ha? Paano kong nasagasahan ka ng sasakyan. Paano kong nakuha ka ng masasamang tao. Pinag-alala mo ako ng sobra Anak." iyak ko pa. "Sorry po Mama. Di ba sabi mo po kapag may masamang tao tatakbo lang ako dito sa simbahan. Iyon po ang ginawa ko Mama may masamang tao kasi na gustong kumuha sakin. Narinig ko po na nakikipagtalo si Nanay Marita tinatanong ka po nila Mama. Kaya agad akong tumakas at tumakbo Mama." paliwanag nito sakin. Kaya niyakap ko na naman ito ng mahigpit. Hinalik halikan ko pa ang buong mukha nito. "Salamat panginoon safe ang anak ko. Ginabayan mo po siya ng mabuti." sabay tingin ko sa harapan ng altar. "Tahan na Mama. Wag na umiyak po. Okay lang naman ako eh. Hindi po nila ako nasaktan." sabay punas sa luhang tumulo sa pisngi ko. Sabay halik sa labi ko. Napangiti ako kahit may mga luha pa sa aking mga mata. "Mag-pray na muna tayo bago tayo umuwi Anak." sabi ko at iginiya ko ang Anak ko sa harapan. Hindi ko pinansin ang mga taong nasa loob ng simbahan na nakatingin saming mag-ina. Lumuhod ako habang nananalangin. Gumaya din sakin ang Anak ko. Ng tapos na kaming nanalangin ay umupo na muna kami ng Anak ko sa loob ng simbahan. Kinandong ko ito sabay yakap sa kanya. Buo na ang disisyon ko na uuwi kami ng Tarlac sa lalong madaling panahon. Tatawagan ko pala si kuya Gardo para sa safety namin ng Anak ko. Nasa labas na kami ng simbahan ng maisipan kong tawagan na si Kuya Gardo. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko. Pero babae ang nakasagot kakausapin ko parin Ito. Kailangan ko ng tulong eh. "Hello po si Kuya Gardo po?" "Sino 'to? Babae ka ba ng Asawa ko?" mataray pang tanong nito. Napangiwi ako sa sinabi nito. "Hindi po. Kaibigan po ako ni Serenity, pero hanggang four month lang ang pagkakaibigan namin na dalawa. Dahil umalis na ako noon sa pinagtatrabahuan ko. Pasensiya na po sa abala pero kailangan ko po ng tulong ni Kuya Gardo po." kinapalan ko na ang mukha ko. Para sa safety naming mag-ina. "Anong pangalan mo?" "Yanna po." "Yanna? Nalili--- oh andito na pala si Gardo. Oh may naghahanap sayo babae mo!" napangiwi ako sa sinabi ng babae. "Hello who's this?" tanong ni Kuya Gardo sa kabilang linya. "Kuya Gardo, si Yanna po Ito. Mukha pong busy kayo." nahihiya kong sabi. "May kailangan ka ba Yanna?" "Opo Kuya, hindi na po kami safe ng Anak ko dito Kuya. Hindi ko po alam ang nangyari sa flower shop po. Ang mga katrabaho ko dati pumunta sila sa inuupahan kong bahay at gustong kunin ang anak ko. Para daw makaganti sila sa ginawa ko. Wala po akong alam sa nangyari sa flower shop Kuya. Wala po akong ginagawa sa kanila Kuya." mahaba kong paliwanag. "Pinasara ko." simpling sabi nito. "Ha?" nagulat ako. "Marami silang violation na nilabag sa business nilang iyon. Wala silang permit, hindi nagbabayad ng tax at hindi nagbabayad ng renta ng shop na iyon. Inangkin na ng owner ng flower shop ang rental shop na 'yon. Hindi rin maganda na i-tolerate nito ang gawain ng mga ibang empleyado niya sa maling gawain. They deserve it." paliwanag ni kuya Gardo. "Kaya pala sinasabi nilang kasalanan ko. Kung bakit wala na silang trabaho ngayon. Buti nga sa kanila ang kaso lang gusto nila akong gantihan. Kaya aalis na lang kami ng Anak ko dito." "Stay there ipapasundo kita sa tauhan ko. Tatawag ako kapag nandiyan na sila okay. Mag-iingat kayong dalawa ng Anak mo. Bye." "Bye po. Salamat." Kaya ang ginawa ko ay pumasok ulit kami sa loob ng simbahan ng anak ko. Nasa thirty minutes na kaming naghihintay at alam kong nababagot na ang Anak ko. "Anak nagugutom ka ba ha?" tanong ko. "Mediyo lang Mama. Hindi pa po ako kumakain ng tanghalian eh." "Ha? Bakit hindi ka pa kumain kanina? May niluto akong pagkain mo di ba?" taka kong tanong. "Maaga pa kasi kanina Mama, tapos may biglang dumating na kaaway kaya hindi na po ako nakakain." mahina nitong sagot. Mas inuna pala nito ang kaligtasan ng sarili kisa ang kumain kanina. Siguradong nagugutom na Ito. Kahit ako naman nagugutom na. Tinignan ko ang oras at alas dose y medya na pala ng tanghali. Mabuti na lang talaga at umuwi din ako agad. "Pasensiya na anak tiis na muna tayo kunti ha." sabay haplos ko sa ulo nito. Tumango lang naman Ito. Mayat maya ay nakatanggap na ako ng tawag mula kay kuya Gardo. Sinasabing nasa labas na ang susundo samin. Nasa gilid Ito ng kalsa sa tabi ng kampanaryo. Kaya tumayo na ako at iginiya na ang Anak ko. Agad kaming nagtungo doon. Sinabi ang plate number at kulay ng sasakyan. Nasa tapat na kami ng sasakyan ng may lumapit samin na dalawang lalaki. Namukhaan ko ang isa sa kanila. Boyfriend Ito ng supervisor ng flower shop na pinagtatrabahuan ko. "Sila Mama ang gustong kumuha sakin kanina." malakas na sabi ni Radleigh sakin. Kaya agad kung binuksan ang pinto ng sasakyan at pinasok sa loob ng sasakyan ang anak ko. Papasok palang ako ng hinila nila ako palabas ng sasakyan. Napasigaw ako at nagpumiglas. "Wag niyo saktan Mama ko!" sigaw ng anak ko. "Bitawan niyo siya kung ayaw niyong pagsisihan Ito sa buong buhay niyo?" matigas na sabi ng isang lalaki sa gilid namin. "Kalalaki niyong tao nananakit kayo ng babae! Anong kasalanan niya sainyo?" "Siya lang naman ang dahilan kung bakit nagsara ang pinagtatrabahuan ng girlfriend ko. Sumbongera kasi ang babaeng Ito. Dapat lang na makaganti man lang ang mga katrabaho nito na nawalan ng trabaho." Dahil sa inis ko ay agad kong sinapak ang lalaking boyfriend ng supervisor namin at tadyak naman ang Isa. Gagantihan sana nila ako ng may dalawang lalaki ang humarang sa gitnan namin. "Pumasok kana sa loob ng sasakyan miss Yanna. Kami ng bahalang imbestigahan ang mga lalaking Ito at ang iba pang katrabaho mo. Kailangan nilang managot sa ganitong ginagawa nila." matigas na sabi ng mas batang lalaki. "Pulis kami at kahit magtago pa kayo. Sisiguraduhin kong naka-wanted na kayong lahat kasama ang mga trabahador ng shop na iyon. Hindi niyo dapat isinisisi sa matagal ng umalis na trabahador doon. Alam niyo ba na bawal ang mag business ng walang permit? Hindi niyo ba alam na walang permit ang business ng amo niyo. Hindi nagbabayad ng taxes at renta. Kaya dapat lang na maipasara ang business na iyon ng hindi maparesan ng iba. Mga Gago!" Napatda naman ang dalawang lalaki. Hindi siguro nila alam na walang permit ang business ng amo nila. Nakita kong pumasok na ang dalawa sa loob ng sasakyan. Iniwan ng nakatanga ang dalawang lalaki sa labas. "Salamat po at sakto lang ang dating niyo. Nasaktan na sana kami ng Anak ko." pasasalamat ko. "Saan ka namin ihahatid miss Yanna?" tanong ng driver. "Ahmm... Kung okay lang po ba sainyo na iligpit na muna namin ang mga gamit namin ng Anak ko. At kung hindi nakakaabala pakihatid niyo na lang po kami sa terminal ng bus patungong Tarlac po?" pakiusap ko. Hindi naman madami ang gamit namin ng Anak ko dahil palipat lipat naman kami ng tirahan. Mahirap magbuhat ng mga gamit. "Sure, hayaan mong tulungan kana naming magligpit ng gamit para hindi kayo gabihin sa daan mamaya." "Salamat po." "I'm Noven, ako lang kasi ang available na tauhan ni Boss Gardo at siya naman ang driver ko si Manong Nestor." pakilala nito sa sarili nila. "Yanna po. At siya naman si Radleigh anak ko. Bumati kana Anak sa kanila." "Hello po. Salamat sa pagligtas sa Mama ko po." sabi din agad ng Anak ko. "You're welcome buds!" sabay ngiti nito sa Anak ko. "Diyan lang po ang bahay na inuupahan namin Kuya." sabi ko agad. Agad na tinigil sa tabi ang sasakyan. Bumaba na kami ng Anak ko. Nasa labas naman na si Aling Marita at ilan sa mga nagre-renta. "Diyos ko. Salamat sa panginoon at ligtas kayong dalawa." maluha luhang sambit ni Aling Marita. "Aling Marita, uuwi na lang po kami ng Tarlac ng Anak ko. Baka safe po kami doon at ayoko din po na madamay kayo sa nangyari. Pasensiya na po at pinag-alala ko po kayo." "Mas mabuti pa nga Hija, para sa kaligtasan niyong mag-ina. Mamimiss namin kayo dito. Lalo na ang mga tinda mo at kaingayan mo Hija. Pero ang importante ay ang kaligtasan niyong mag-ina." malungkot na sabi ni Aling Marita. Sumunod pa Ito sakin para siguro tulungan kami sa pag-iimpake. Nilabas ko ang malaki kong bag doon ko lahat nilagay ang mga gamit namin ng Anak ko. Nilagay ko sa isang karton ang mga kago-grocery ko lang na mga pagkain namin ng Anak ko. Ang nasa cooler box ay ibibigay ko na kay Aling Marita ang laman. Kukunin ko ang cooler box ko dahil kailangan namin iyon sa Tarlac. Tinapon na namin ang ilang sa mga lumang gamit ko. Wala naman imik ang dalawang lalaki na tumutulong sakin sa pagliligpit ng gamit ko. May binigay si Aling Marita na karton at doon nila nilagay ang ibang mga gamit ko. Sakto lang ang dami ng gamit namin ng Anak ko. Keri ko iyon na dalhin sa Tarlac. May tricycle naman na papasok sa Amin. Naglinis muna ako sa loob ng kwarto kahit sabihin sakin ni Aling Marita na wag na. Baka daw gabihin kami sa daan. Pero dahil nakakahiya ay naglinis parin ako napabilis lang dahil mabilis ang kasama kong dalawa sa paglilinis sa maliit naming kwarto. "Maraming salamat sa kabaitan niyo samin ng Anak ko po dito Aling Marita. Sainyo din hindi ko kayo makakalimutin. Manood na lang po kayo sa YouTube channel namin ng Anak ko. Dagdag views po." nagkatawanan pa kami sa sinabi ko. Sila kasi ang supportive kong mga kapitbahay. Extra sa pagba-vlog namin ng Anak ko sa ihawan. Nakadagdag kasiyahan pa dahil sa ingay at kulit din nila. "Basta mag-iingat kayong mag-ina ha. Wag kang makakalimot kapag sikat kana sa YouTube world babaita!" yakap sakin ng ka-close ko dito sa inuupahan naming kwarto. "Salamat mamimiss ko din kayong lahat. Magkikita din tayo someday, something and somewhere, everywhere." halakhak naming lahat. "Ayan ang namimiss namin sayo Yanna. Kahit may mga problema ka nakakatawa ka parin. Napaka positive mong tao at masiyahin sa kabila ng lahat ng mahirap na pagsubok sa buhay. Salute kami sayo." sabi din ng Isa pang kaibigan ko dito. "Tantanan niyo na siya ng makaalis na sila. Biglaan man ang pag-alis niyo dito, tandaan mo Yanna na hindi ka namin makakalimutin dito. Mag iingat kayo. Halla, sige pasok na sa loob ng sasakyan." sabay tulak sakin ni Aling Marita. Kumaway-kaway pa ako sa mga Ito bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Nakita kong nakikipag-usap ang anak ko sa lalaking nagpakilalang Noven. Napatingin Ito sakin at bahagyan napatitig pa. Na consciousness ako bigla. Kaya hindi ko na lang Ito pinansin at agad kong niyakap ang Anak ko. Yumakap naman agad ito sabay bulong na nagugutom na siya. Kaya kinapalan ko na ang sasarili ko na dadaan lang muna kami sa bakery shop para bumili ng tinapay para may laman ang tiyan ng anak ko habang nasa biyahe kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD