Dahlias
"Themselves represent inner strength, positive change, and standing out from the crowd."
Leyanna Pov
Nagpukos siya sa macapuno balls maraming may gusto sa tinda kong Ito. Gumawa na din ako ng iba't ibang kulay na macapuno balls. May nag-order na din sakin dahil tinulungan ako ng Isa sa kasama kong naghihintay sa pag-uwi ng anak namin sa Kinder.
Gumagawa parin naman ako ng suman na malagkit at suman na saging. Free lang kasi ang dahon ng saging. Hinihingi ko lang sa kapitbahay namin. Kaya kapag nakaluto ako inaabutan ko din ng niluto kong suman. Ayaw sana nitong kunin ibenta ko na lang daw. Pero ipinilit ko lang dahil libre naman yung dahon ng saging na binibigay nila sakin.
Ganito kabait ang ibang mga kapitbahay ko. Although hindi maiwasan ang pagchismisan ako ay ayos lang sakin. Basta hindi ko naririnig ay sige lang ang chismis wala ako pakialam. Hindi ako yayaman kapag inatupag ko ang sasabihin nila sakin.
Sabado ngayon at maaga akong nagising para mamalengke. Iiwan ko sana ang Anak ko kaso nagising na din Ito. Ramdam niya sigurong aalis ako ng maaga.
"Morning morning Mama ko. Alis po ikaw samahan po kita Mama." paos pa ang boses nitong tanong sakin.
Bumangon na din ito sa higaan nito. Napangiti pa ako dahil tinupi na din niya ang kumot na gamit niya. Nagagaya niya sakin kaya maganda talaga na gumawa ng mabuti. Naa-adapt ng Anak ko ang mga ginagawa ko. Nakakaproud naman ang Anak ko.
"Morning too Anak. Dito ka na lang Anak. Mapapagod ka lang sa paglalakad eh."
"Malaki na ako Mama. Hindi naman po ako magpapakarga sayo. Gusto ko samahan kita lumabas. Diba nga tulong-tulong tayong dalawa Mama.
Wala na akong nagawa kundi utusan siya na magmumog na at magpalit ng damit. Habang ako naman ay gumagawa ng tinapay na babaunin namin habang naglalakad patungo sa palengke. Nagdala na din ako ng biscuit, tubig at towel na pamunas ng anak ko.
"Suot mo na yung sandal mo Anak at aalis na tayo." inayos ko pa ang sombrero na suot nito sa ulo. Alam na alam talaga nito ang isusuot kapag umaalis kami ng maaga sa bahay.
"Tara na Mama."
"Okay let's go." sabi ko sabay sukbit na sa backpack na dala ko.
Alas singko palang ng umaga kaya hindi pa gaano matao sa daan. Pero safe naman kami dito dahil may mangilan-ngilan na din na pumapasok sa trabaho nila. Yung iba nagjo-jogging at maaga din na mamalengke kagaya ko.
"Mama, diba po sahod na natin sa YouTube po?" tanong ng anak ko. May ipapabili siguro Ito sakin.
"Yes anak. Malaki na ang pera natin. Kapag sembreak mo sa iskwela pwede na tayong magbakasyon sa Tarlac sa Lolo at Lola mo Anak." pagbabalita ko.
"Yeeeeh, excited na ako umuwi doon Mama. Pero Mama pwede po kaya pabili ako ng laruan po. May nakita kasi ako na laruan maganda po siya. Pero kung mahal po wag na lang po Mama." sabay bawi nito agad.
Minsan lang Ito magpabili ng laruan kaya tignan ko kung kaya at kung mahal papilihin ko na lang ng ibang laruan. Deserve naman niya ng mabilhan ng laruan dahil sa galing nito kumanta. Isali ko nga minsan sa school nila kapag may contest na kantahan.
"Sige Anak tignan natin mamaya yung gusto mo na laruan. Kung mura ibibili kita kapag Mahal wag na lang Anak. Bili ka na lang ng iba na mas Mura okay. Mas importante kasi ang pagkain natin. Ayokong maubusan tayo ng pagkain. Ayokong magutom ka Anak. Naiintindihan mo ba si Mama?" paliwanag ko.
"Opo, Mama. Di ba sabi ko naman kapag Mahal wag na lang po. Hindi ka na naman nakikinig Mama. Antok ka pa Mama ha?"
Natawa naman ako sa sinabi nito. Nasabi nga pala talaga niya na kapag Mahal wag na lang.
"Bingi na yata ang Mama mo Anak." natatawa kong sabi. "Kain kana muna ng tinapay anak. Baka nagugutom kana. Mamaya magluluto tayo ng sinigang na Is---"
"Mama, gusto ko bulolo po. Yung kinainan natin sa baba malapit sa daan. Sarap ng sabaw nun bili ka Mama ng gan'on na ulam natin. Ako naman po ngayon ang masusunod Mama." pang sisingit nito sa gusto kong lutuin na ulam mamaya.
"Ayaw mo Anak ng bulola?" biro ko.
"Bulolo iyon Mama. Kasi matanda na lalaki yung nagtitinda. Kaya siguro pangalan ng ulam bulolo. Kasi Lolo na siya. Wala naman Lola doon Mama eh." seryoso pang sabi ng Anak ko. Humalakhak ako.
"Bulalo kasi iyon Anak. Bulalo tawag sa ulam na iyon. Hindi bulolo at bulola. Sige basta para sa Anak ko bibili tayo ng?"
"Bulolo!" malakas naman niyang sambit. Napahagikhik na lang ako. Sige Bulolo na lang nga.
Kunti na lang din ang brown rice namin kaya bibili na lang ako mamaya. Hindi na ako bumibili ng white rice, brown na lang. Napaka-hassle kasi ang paulit-ulit na lutuan. Nakakasunsyom kami ng malaking bills ng kuryente kapag sa rice cooker ang gamit ko. Uling madalas ang gamit ko sa pagluluto. Mahal din ang benta nila sa uling kaloka. Kaya barbecue na lang ang tinitinda namin sa hapon ng Anak ko hindi na kasama ang fishball. Tumigil na din ako sa pagtitinda ng gulay dahil maliit lang naidadagdag sa puhunan ko. Mabuti pa sa kakanin at macapuno balls. Ayon double ang kita. Kaya doon ako nagpukos at ibebenta din namin bukas dahil linggo naman. Malapit sa simbahan kami magpwesto ng Anak ko. Kumikita pa naman kami sa pagba-vlog kaya dagdag income din yun.
Kakayod hanggang kaya ko pa. Gagawin ko ang lahat para sa Anak ko. Bawal mapagod, bawal tumigil, at bawal ang mag give up. Kaya ko ito para sa Anak ko.
"Anak fighting!" sabi ko sa anak ko. Busy na pala itong kumakain.
"Fight, fight ba tayo Mama? Wala naman kalaban." inosenteng tanong ng anak ko.
"Fight lang muna pala Anak. Fighting na kapag may kalaban. Sabayan muna ako anak." bungisngis ko.
"Fighting."
"Fight."
Hayyyy... Hindi na naman kami nagkaintindihan ng Anak ko.
"Mama fight lang kasi wala naman tayo kalaban."
"Mas sosyal kasi Anak ang fighting. Dali na sabihin mo din flighting ha." utos ko pa.
"One, two, three, fighting." sumimangot ako ng fight parin ang gusto niyong sabihin. Tumawa naman ang anak ko.
"Wala tayong teamwork Anak. Kaya matatalo tayo kapag may kalaban." sabi ko pa.
"Tatakbo tayo sa simbahan Mama. Diba 'yon sabi mo sakin Mama. Kapag may masama na tao na mang-away satin tatakbo tayo sa simbahan. I-protect tayo ni Papa Jesus." sabay tingala sakin.
"Oo Anak pero maganda parin yung may teamwork tayong dalawa. Para kapag may kalaban sabay natin silang lalabanan." sabi ko naman.
"Oo Mama fighting. Ayan may teamwork na tayo." sabay pa kaming natawa. Inakbayan ko na lang Ito habang naglalakad patungong palengke. Inilagay naman Ito sa may likod ko ang isang kamay niya.
Kumakanta kami habang naglalakad exercise na din namin Ito kada sabado. Minsan naglalakad din kami patungong paaralan nito. Pero dahil ayoko naman na pawisan na makarating sa paaralan ay sumasakay na lang kami sa tricycle.
*****
Linggo
Nagriring ang cellphone ko. Nagtataka ako kung bakit tumatawag sakin ang pinsan ko. Matagal ng hindi ko siya kinukontak simula noong umalis ako sa apartment nito. Ano kaya ang sasabihin nito. Tanong ko pa sa sarili ko. Sinagot ko na agad baka magising pa ang Anak ko sa ingay ng cellphone ko.
"Hello Jessica."
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong nito agad sakin.
"Meron magtitinda ako ng kakanin sa labas ng simbahan. Sa hapon naman magtitinda ako ng barbecue. Bakit?" sagot ko.
"Wag ka na munang magtinda ngayon may ipapakita ako sayo importante. Alam mo ba ang simbahan sa antipolo?"
"Oo alam ko. Nakapunta na ako doon dati. Anong meron?" taka kong tanong.
"Makikita mo kapag dumating ka dito. Agahan mo mga alas diyes dapat nandito kana ha. You need to see this." makahulugan pang sabi nito sakin.
"Okay sige. Bye." iyon na lang ang nasabi ko. Dahil curious ako ay tinigil ko na muna ang ginagawa ko.
Iiwan ko na muna ang Anak ko sa may-ari ng bahay na inuupahan namin. Sa kabilang bahay lang naman ito nakatira. Nakikinood naman doon minsan ang Anak ko. At kalaro ng Anak ko ang apo nito.
Alas otso palang naman ng umaga. Pwede naman ako mag tricycle hanggang antipolo simbahan eh. Tatawagan ko na lang ang pinsan ko pagkarating ko doon. Nilagay ko na muna ang mga gagawin kong pang barbecue mamaya sa cooler box ko.
Nagluto na ako ng pagkain ng anak ko mamayang tanghali. Dinamihan ko na para sa kanilang lahat nila Aling Marita at sa apo nito.
Mag alas nuwebe na ng ipunta ko sa kapitbahay ang anak ko. Binilinan ko ito na wag siyang lalabas ng bahay nila Aling Marita. Sa loob lang siya maglaro. Kung nagugutom, naiihi, natatae o naantok wag siyang mahiya magsabi kay Aling Marita. Opo lang siya ng opo sakin. Pangalawang beses ko na itong Iwan doon. Okay lang naman sa matanda dahil mabait din naman daw ang Anak ko.
****
Nakasakay na ako ng tricycle ng mag-message ulit sakin ang pinsan ko. Nagtatanong kung nasaan na ako. Maaga daw itong umalis sa apartment nito dahil malayo ang Antipolo sa apartment nito. Totoo naman iyon sobrang traffic pa. Sobrang nakakahilo at nakakapagod ang traffic.
"Nandito na ako sa Antipolo Church." chat ko sa pinsan ko. Nasa gilid ako nakaupo. Mukhang may ikinakasal sa loob ng simbahan. Nasa kalagitnaan na yata ng ceremony. Naririnig ko kasi ang seremonya ng Pari.
Napaigtad pa ako ng may kumalabit sakin. Napatayo pa ako bigla sa gulat.
"Kanina kapa?" tanong nito sakin.
Tinignan ko ito kakaiba yung aura niya. Mukhang may something na hindi ko maipaliwanag. Tumango ako.
"Anong meron at pinapunta mo ako dito. Hindi ako pwedeng magtagal dito Jessica." sabi ko.
"Malapit na sila matapos. Tara dito banda para makita natin sila." sabay hila sakin papasok sa simbahan. Nagtaka ako kilala ba nito ang ikakasal? At bakit kailangan ko pang tignan kung sino ang kinakasal.
"Bakit kailangan pa nating pumasok dito? Kilala mo ba ang ikinakasal ha?" usisa ko.
"Kilala natin. Wait lang wag ka maingay." sita niya sakin.
Mas matanda Ito sakin ng limang taon. Matanda na Ito ayaw pa mag-asawa. Hinihintay parin niya si Rad, na baka siya daw ang gusto ng lalaki at pakasalan. Tsk! Piling din talaga ang pinsan kong Ito.
Nakatayo lang kami sa likuran. Kiss to bride na ang nakikita ko sa harapan. Napapaisip ako na siguro milyonaryo ang lalaki na pinakasalan ng babae. Ang gara ng decoration ng simbahan ang ganda. Pati ang suot ng babae ang ganda din nagmukha na siyang Princesa sa suot nitong gown.
Nakatulala na lang ako ng parang may mga namumukhaan akong kakilala namin. Ha?
"Kuya Reagan? Nandito din ang pamilya ni Kuya Reagan? Sinong kinasal sa kanilang magkakapatid? Sila ba ang may okasyon o kamag-anak nila?" sunod-sunod kong tanong kay Jessica. Kamalabog na bigla ang puso ko pinapanalangin ko na sana hindi si Radeon ang ikinakasal ngayon.
"Tignan mo na lang sa harapan." sagot nito.
Pero mediyo malayo kami sa harapan kaya hindi malinaw sakin. Ilang minuto pa ang hinintay namin. Nagsilabasan na ang ilan sa mga dumalo sa kasal. Tapos na din ang picture taken sa harapan. Habang papalapit sila ay unti-unti ko naman nakikita kung sino ang mga kinasal.
Napanganga ako sa gulat ng makita kung si Radeon nga ang ikinasal. Masayang masaya na nakahawak sa bewang na babaeng pinakasalan niya. Mukhang in love na in love sila sa isa't Isa. Yung puso ko nakaramdam ng sakit at kirot, ng sumabog bigla ng pagtatagain nila ng pinong pino ang inosente kong puso. Triple kill yung sakit. Halos hindi ako makahinga ng biglang napatingin si Radeon, sa gawi namin ni Jessica.
Alam kong nagulat din Ito na makita niya ako. Hindi ko maarok yung tingin niya sakin habang ako ay wasak na wasak. Sobrang sakit ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanilang dalawa ng asawa na niya ngayon. Bigla din napatingin sakin ang babae. Parang kilala niya ako dahil may kakaiba sa ngiti nito.
Napatulala na lang talaga ako. Hindi makagalaw at hindi na halos humihinga pa. Gusto ko na lang ay lamunin ako ng lupa. Dapat wala ako dito. Sana humindi na lang ako sa pinsan ko. Wala sanang ganito na mangyayari. Sobra ko lang sinaktan ang sarili ko. Napaigtad lang ako ng bumulong sakin ang pinsan ko.
"Yan ang napapala mo. Ang feeling mo kasi akala ko ba boyfriend mo si Radeon? Bakit sa iba siya nagpakasal kung talagang girlfriend ka niya. Kahit kailan talaga ambisyosa ka."
Sa sinabing iyon ng pinsan ko ay bigla akong natauhan at mabilis na umalis sa loob ng simbahan. Sana hindi ako napansin ng mga bisita. Habang patakbo akong umaalis sa simbahan ay nagragasa naman na tumulo ang mga luha ko sa pisngi.
Mabilis akong pumara ng tricycle at sinabi ang address ko. Pinipigilan kong wag tumunog ang pag-iyak ko. Ang sakit sakit sa dibdib. Sinungaling siya. Sinungaling siya. Sinungaling! Sigaw ng utak ko.