Blue Hyacinth

2252 Words
Blue Hyacinth flower "signify constancy, regret and sincerity. This makes them great apology flowers for letting that special someone know that you are truly sorry and that you're still hoping to be a constant in their life." Radeon Pov Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang patahanin sa pag-iyak nito pero naduwag ako. Baka mas lalo pa nitong ikagalit sakin kapag ginawa ko 'yon. Kaya ba ito umalis ng Tarlac noon dahil buntis ito? Mas pinili ba nitong buhayin ang Bata kisa ang pag-aaral at kinabukasan nito? Nakipagsapalaran sa manila ng wala naman itong kamag-anak doon. Kumusta kaya sila ng Anak namin noon. Samo't sari na ang nasa isip ko kung paano niya nagawang makasurvive ng silang dalawa lang Anak namin. Nasa Tarlac ang pamilya nito tapos siya nasa manila at buntis pa. Sino ang nag-gabay saknya? Ang tumulong sakanya ng pinagbubuntis nito ang bata. Sino ang tumulong saknya noong ipinanganak na niya Ito. Dapat ako sana ang kasama nito kung alam ko lang na magkakaroon na kami ng anak. Dapat sinabi niya sakin para alam ko. Di sana nakauwi ako. Kaso wala siyang sinasabi sakin puro galit at hinala ang sinasabi nito sakin. Ako naman na gago tinutoo ko na ang mga parating nito. Hanggang sa naging habit ko na lang ang pambababae sa ibang bansa. Kung alam ko lang talaga. Tapos dumagdag pa ang mga kwento ni Mommy about sa anak ni Nanay Corazon kaya daw nakipagtanan ito. Hindi naman pala totoo ang balita sakin ni Mommy na nakipagtanan ito kaya nagpuntang manila. Tapos kalaunan daw ay hiniwalayan din ng lalaki at umalis sa flower shop namin na pinagtatrabahuan nito. Gawa gawang kwento lang naman pala ang mga iyon ng mga trabahador sa flower shop. Ako naman naniwala ng hindi ko man lang inalam kong totoo ba o hindi. Tapos nagpakatanga sa babaeng pinakasalan ko. Iba naman pala ang pakay nito sakin. Hindi naman pala niya ako mahal, yung pera ko pala ang mahal nito. Kamuntik na akong na-scam sa babaeng iyon. May live-in partner pala itong sendikato. At gusto pa nilang angkinin ang flower farm ko sa Batangas. Para gawing hideout place nila. Mga siraulo sila. Kaya naman pala gusto agad nitong pakasalan ko ng may nangyari samin. Pakiramdam ko na hypnotismo ako noon. Dahil sunod-sunuran ako sa kaniya. Mabuti na lang narinig ko ang kausap nito sa hospital noon na lalaki. May binigay itong isang bagay na mamagamit daw ni Celine para mapasunod ulit ako. Sh!t I almost lost myself lalo na ang muntik ng maibigay ko ang lahat ng pagmamay-ari ko. Nawala na nga ang Mahal ko kamuntik pang mawala ang ari-arian ko. Now gagawin ko ang lahat maibalik lang sakin si Yanna. Bumalik lang ang tiwala nito sakin ulit. Saka na ako gagawa ng paraan para matigil na ang mudos nilang yun. Nasabi ko na yun kay Noven and sila na ang bahala daw. "Didi, what did you do to Mama? Why doesn't she like you?" malungkot na tanong ng Bata. Hindi ako nakaimik. At iniba ko ang usapan. "Let's go baby, you already late to go to school." malumanay kong sabi. "No Didi, I want my Mama to go with us. I want her to send me to school too. I don't want to go to school if Mama don't come with us. I stay here!" sagot nito. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Nakadagdag na naman ito sa galit nito sakin na imbes na makatulong sana ang bata. "She is busy. You can see her again later. Come baby don't be stubborn!" "B-but Mama, gusto ko ikaw din go to school po. Ayaw you saken ba?" naluluha na naman ang Bata. "We never say that we don't like you. Don't overacting ha." sabad naman ni Rale. "Ayaw mo Mama sama go school?" tanong parin nito at hindi pinansin si Rale. "Sumama kana sa daddy mo. Susunduin kita mamaya kasama ko si Rale." sabi naman ni Yanna. "Me and Mama fetch you later. Give Mama a little bit break. We fetch you later." sabi naman ni Rale. "That's a promise ba?" kulit pa ng Anak ko. "Yes baby, I'm sorry okay." sabay haplos nito sa ulo ng Bata. Yumakap naman agad ito kay Yanna. "Mama, sasama po ako kay Tito Dart, okay lang po ba?" parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Rale sa Mama nito. Hindi na ako mahihirapan na mapalapit sa kanila. Madali na lang para sakin na makasama sila. Pero nakita kong tumigas ang anyo nito. Matagal bago sumagot ito. Alam kong napipilitan lang ito na payagan ang Anak niya na sumama sakin. Yumakap naman si Rale sa Mama nito at may binulong. Nanubig na naman ang mata ni Yanna, alam kong labag sa kalooban nito na magkasama kami ni Rale. Yumakap din si baby Lea ulit bago kami lumabas na ng flower shop. ***** Yanna Pov Gusto kong umiyak sa binulong sakin ng anak ko. And I'm so touch. Kaya kahit labag sa kalooban ko na sumama siya sa mag-ama ay tumango na lang ako. Kahit pa napipilitan lang ako. "Wag ka mag-alala Mama ikaw parin naman po ang pipiliin ko. Love love po kita wala iwanan Mama. Kawawa lang kasi yung baby, kaya ako na lang po ang sasama sakanila." nakakaunawang bulong nito sakin. Nasense siguro nito na ayokong sumama. Siya na din nag translate sa english para maintindihan ng Bata. Napipilitan din ang Bata na pumasok sa school. Ramdam kong may kaba Ito sa dibdib na baka iwan ko na Ito. Nakakaawa siya pero pareho naman silang nakakaawa ng Anak ko. Kaya hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Yung mga luhang gustong kumawala kanina ay nagsunod sunuran ng nahulog. Tahimik lang akong umiiyak na halos hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Yung pakiramdam na litong lito ako. Tuliro at hindi ako makapag isip ng maayos. Padapa akong nahiga sa kama naming ng Anak ko. Hindi ko matanggap na alam na nitong may Anak kami. Anong akala niya sakin tatanggapin ko basta-basta ang sorry nito. Gawin pa niya akong kabet niya gago talaga siya. Ang gago mo! Para na akong tanga na nagsasalita mag-isa at umiiyak. God mababaliw na yata ako. Anong gagawin ko? Hindi ko alam! Ako din ang sumagot sa tanong ko. Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak at sobrang pag-iisip. **** Malalakas na katok sa pinto ang nagpagising sakin. Ha? Bumalikwas ako ng bangon. Nakatulog pala ako. Anong oras na ba? Tanong ko pa sa isipan ko. "Oh myy.." bulalas ko dahil hapon na pala. Hindi ko nasundo si baby Lea. Baka nagtampo na yun. Pero ando'n naman ang Daddy nito at si Rale. Hiyaan ko na nga silang magkasama diba? Bumangon na ako ng hindi matigil ang pagkatok nila sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang batang si Lea na umiiyak. Agad ko itong kinarga at pumasok na ulit sa loob ng kwarto namin ni Rale. "I'm sorry baby ko. Nakatulog po ako. Hindi kita nasundo. Tahan na sa pag-iyak okay." alo ko sa Bata. "Kanina pa po siya umiiyak Mama. Nakakaawa naman po siya. Hindi ka kasi niya nakita kanina kaya umiyak po siya. Baka akala po niya iniwan mo na Mama." sabi naman ni Rale na pumasok din dito sa loob. "Tahan na baby. Nakatulog kasi ako nakalimutan ko na may susunduin pala ako. Sorry na baby ko!" lambing ko sa Bata. Dahil umiiyak parin Ito. Kaya ang ginawa ko ay hinalik halikan ko ang buong mukha nito. May tunog pa ang pagkiss ko sa mukha nito lalo na sa napaka-cute nitong pisngi. Napahagikhik naman si Rale, habang pinapanood niya ako sa paghalik ko sa Bata. Mabuti na lang hindi ito seloso. "Ayan ngumiti na ang baby namin." masaya ko pang sabi. "Kuya Rale, pakuha ako ng tubig po salamat." utos ko sa Anak ko. "Sige po Mama." agad naman na lumabas Ito ng kwarto. Sana umalis na ang gagong lalaki. Ayoko na nandito ito dito. Hindi pa ako handang makipag-usap kahit civil lang ayoko parin. Ang problema ko na lang mamaya kung saan matutulog ang bata. Wag sana niya akong pilitin na matulog sa bahay ng Daddy nito. "Ito po tubig Mama." Kinuha ko naman agad at pinainom kay baby Lea. Uminom naman Ito agad. Pinunasan ko ang mukha nitong pawisan at basang basa dahil sa pag-iyak. Pulang pula na din ang mga pisngi nito. Kawawa naman talaga ang baby na 'to. "Okay na ba ang baby Lea namin na yan ha?" lambing ko pang tanong. Tumango naman ito pero sinisinok pa sanhi ng pag-iyak. Nagkatinginan kami ng anak ko. Parang may gustong sabihin ito pero nahihiya lang. Kaya inunahan ko na siya. "Bakit Anak ko?" Nahiya naman Ito bigla at nagyuko ng ulo. Tapos tumingin ulit Ito sakin. "Ahmmm... Pwede po ako sumama kay Papa Dart, ay Tito Dart po?" binawi niya agad ang sinabing Papa Dart. Ganito ba siya kasabik magkaroon ng papa at si Rad, pa ang gustong maging Papa. "I stay here with you Mama." sabad ni baby Lea. "Babalik din naman ako dito. Wag mo angkinin ang Mama ko, baby Lea." simangot ni Rale. "I'm just saying that I stay with Mama." sagot din ni Baby Lea. "Anong gusto niyong ulam mamaya ha?" tanong ko sa mga Bata. "I want sabaw the fish mermaid Mama. Like we eat this afternoon po with kakong." natawa kaming dalawa ni Rale sa fish mermaid na sinabi ni baby Lea. "Ano yung fish mermaid Mama?" tanong ni Rale. "Baka bangus ang ibig sabihin ni baby Lea. Sinigang na bangus kasi ulam namin kanina ni baby Lea. Nakita niya siguro kanina yung buntot ng bangus kaya ang akala niya buntot yun ng Serena." natawa naman ang Anak ko. "Because I used to watch princess mermaid and their tails were like fish. At first I was afraid to eat the fish because I might get a tail. But I saw Mama eat fish so I also tried to eat it and it was delicious. I never had a tail po oh." sabi pa nito sabay tingin sa mga paa nito at bahagyan pa nitong itinaas ang mga paa. Natawa naman kami ni Rale. "Mama ang cute niya 'no nakakatawa din siya. Ampunin mo na lang siya Mama." napalingon naman ako sa sinabi ng Anak ko. "Kung ano-ano sinasabi mo Anak. Ikaw anong gusto mong kainin sa dinner?" tanong ko na lang. "Gusto ko yung vege salad Mama with beef. May nakita akong gan'on na pagkain sa restaurant kanina. Mukhang masarap po yun." Napatampal ako sa noo. "The mosquito bite you again Mama?" tanong agad ni baby Lea. Napahagikhik si Rale alam kasi nitong madalas kong gawin iyon kapag may sinasabi itong pagkain. "No baby." ngiti ko. "Anak wala na tayong stock ng lettuce dito kahit kamatis, pipino, avocado meron pa. May ham din pero no vegetables. Pwede tayo bumili sa mini shop mamaya." sabi ko. "We can eat all outside if you want." sabad ni Radeon. Nagulat pa ako sa pagsisingit nito. Nakatayo Ito sa hamba ng pinto. "Yeeeeh!" sabay pa na bulalas ng dalawang Bata. "I want." dagdag pa nila. Aayaw sana ako ng naunahan na ako ni baby Lea. "You also come Mama right? You come with us? If you don't want, I stay here with you po." "Sumama kana Mama, mamaya iiyak na naman si baby Lea. Kawawa naman po ang hirap pa naman patahanin. We almost drowned in her tears Mama." nag-english pa talaga para maintindihan ni baby Lea. Mahina akong natawa. "That's why I stay here with Mama. But I also want to eat outside Mama. Please po." Pati ang Anak ko nakikiplease na rin. Yumakap pa Ito sakin at sinabi na naman na gusto niya yung pagkain na nakita niya sa restaurant. Mahal kaya ang mga tinda nilang pagkain dito. Pero may isang restaurant na afford ng lahat ang pagkain doon. Sa Public Sevenity restaurant iyon. Nakain na kami ng Anak ko doon. Masasarap din ang mga pagkain doon. Kaya lang mas pinili ko na lang na magluto sa bahay. Naghihingi ako ng gulay sa Sevenity Vegetables farm sa namamahala doon. Naging close ko na din ang ilan sa mga trabahador doon. May mga lettuce kasi silang tanim. "Kayo na lang dito na lang ako kakain may natira pa naman kaninang tanghali na ulam." sabi ko naman. Sinusubukan ko lang naman kung ano ang reaksyon nila. "Ay Mama naman!" simangot ni Rale. Sumimangot din ang batang si Lea pati Si Rad na bahagyan ko din tinignan nakasimangot. Pati ako napasimangot na din dahil ayoko talaga sumama sa kanila. "If y-you want we order food and we eat here?" suggestion pa ng Gago. "No!" sabay pa na sigaw ng mga Bata. "Gusto ko po sa labas eh. Hindi pa ako nakakain sa restaurant na yun. Ngayon lang naman po Mama hindi naman everyday. Isang beses nga lang din tayo kumain sa restaurant dito eh. Sige na po Mama." sumamo pa ng dalawang Bata. Naguilty naman ako sa anak ko. Bihira na nga kami makagala dito bihira ko pa siya itreat sa labas. Dito lang kami sa flower shop madalas magluluto na lang ako ng pagkain namin o meryenda. Hindi ko din pinapayagan na maglaro sa labas kung hindi niya ako kasama. Kaya sa huli ay pumayag na lang din ako. Mamaya pa naman iyon kaya hinayaan ko na muna ang mga Bata na maglaro sa labas kasama ang gagong lalaki. Ang hirap tanggihan ang mga Bata. Nai-stress ako my god! Sabay takip sa mukha na naiinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD