Striped Carnation flower
"symbolize that expresses regret or refusal. The vibrant stripes found on these carnation serve as a visual representation of the complexities and intricacies of human emotions. The combination of contrasting colours with the stripes pattern underscore the conflicting feelings and the difficult decision that accompanies refusing a romantic advance."
Leyanna Pov
Ala una na wala pa ang gagong lalaking iyon. Sabi ng bata papasok na din daw ito sa paaralan. Mamaya na iyon. Excited na daw Ito mag-aral. At ang gusto nito hinatid ko siya kasama ang Daddy niya. Gusto ko sanang mag-roll eyes kaso nakatitig sakin ang Bata. Kaya nginitian ko na lang ito.
Namomoblema na ako kung ano ang sasabihin sa anak pagdating niya dito sa bahay. Litong lito na ako sa mga nangyayari at gusto ko na lang ay magtago at umalis na dito. Kaso ayoko naman na mahirapan ang Anak ko sa panibagong paaralan na papasukan nito kung sakali. Baka mabully pa siya.
Maganda kasi ang patakaran dito sa loob ng sevenity club. Safe na safe kami ng Anak ko dito. Bukod sa free ang edukasyon dito ay free pa ang pagkain nito sa school. Lalo na ang tirahan namin ang Anak ko. Basta impleyado dito free lahat ang pagkain, tirahan at check up. Provide lahat ng may-ari ng Sevenity Club na ito. Ang bongga super yaman siguro ang may-ari ng lugar na Ito.
Karamihan sa visitors dito ay mga nasa alta, elite people. Sosyalin ba naman ang lugar at may privacy ka dito sa loob. Malaya kang makagala sa lugar ng walang mga mang-storbo sayo. Malaya kang magala dito sa lahat ng gusto mong puntahan. May mga part lang na bawal puntahan ng kahit na sino ang may-ari lang ang pwede. Isa na doon ang Sevenity small mountain. Ang Sevenity Rainbow house at mga exclusive na mga lugar na sa may-ari lang pwede pumasok.
"Mama do you think we fit in that small bed? You, me and Didi there? How we sleep po? So small." tanong nito na nakatingin pa sa maliit lang naming kwarto ng Anak ko.
Anong dito matutulog ang Didi nito. Kung ano-ano na naman ang nasa isipan at tinatanong sakin. Madaldal ito at parang sabik na sabik na may kausap na Mama. Nasaan kaya ang Ina nito? Bakit ako ang tinatawag na Mama? Kawawa naman ang batang Ito. At least si Rale, Mahal na Mahal na ng parents ko. May mga Lolo at Lola itong tinatawag. Itong si baby Lea, ayaw daw saknya ng Lola niya. Pinalo pa daw siya ng Lola niya. Kaya takot daw siya at ayaw na niya pumunta bahay ng Lola nito.
"No baby. You and your Didi cannot sleep here. It so maliit and it so mainit. Your Didi house is better than here. Cannot be baby." malumanay kung tanggi.
"Then you sleep in my Didi house Mama. I want to sleep with you Mama. I want to hug you while I lying down in bed until I sleep. And I want you Mama to read story book for me before going to bed. I want to experience those Mama. Please." sumamo pa nito.
Naloko na. Paktay tayo nito. Ang hirap pa naman tanggihan ang batang Ito. Hintayin ko na muna na dumating Si Rale. Para mas makapag disisyon ako ng mabuti mamaya. "Tignan mo ang ginawa mong 'to Radeon ! Ginulo mo ang tahimik kong pamumuhay dito. Sarap mong sapakin at murahin!" hayzt!
Napakain ko na din Ito. Nag-ulam kami ng ginisang corned beef with carrots and potatoes. At sinigang na isda. Hindi ko sure kung nasarapan ba talaga ang Bata. O, pinipilit na lang niyang kumain dahil ako ang kasama niya. Pero marami naman itong nakain at gustong gusto nito ang sabaw ng isda. Siya na din nagsabi na masarap ang ulam. Busog na busog daw siya. Kaya napangiti naman ako.
Ngayon naman andito na kami sa flower shop. Nag-aayos sa mga bulaklak at naglilinis narin. Napatigil lang ako ng may tumigil ng sasakyan sa tapat ng flower shop. Baka ang Anak ko na Ito. Kaya iginiya ko na ang Bata palapit sa pinto.
"Mama nandito na ako. May kasama po ako." malakas na sabi ng Anak ko. Napangiti naman ako.
Palabas palang ako ng bumungad na sakin ang Anak ko. Agad itong yumakap sakin at nagkiss sa pisngi ko.
"Why you kiss and hug my Mama?" agad na sita ng Bata sa Anak ko.
"Mama ko kasi siya. Ikaw sino ka ba?" patol nito sa Bata.
"Mama ko siya eh!" sabay yakap sakin. Pinagdadamot na niya ako sa Anak ko. Mapag-angkin din ang batang Ito. Nginitian ko si Rale ng tumingin sakin.
"Anak mo siya Mama? May kapatid ako?" gulat na tanong nito sabay tingin sa Bata na nakayakap sakin.
"Mag-usap tayo mamaya anak. Pasok kana ng makapagbihis kana. Kumusta ka sa school niyo? Kumain ka ba ng mabuti ha?" sabay haplos ko sa ulo nito.
"Opo Mama. Marami po akong nakain kasama ko kasi yung nakwento ko sayo dati Mama. Naaalala mo pa ba yung gusto ko na Papa ko, Mama?" ngiti pa nito sakin.
"H-ha?" napautal pa ako. Si Rad ba ang kasama nito?
"Kasama ko po siya Mama. Hinatid po niya ako dito. Ayon po siya oh, Mama." sabay turo kay Rad, na nakatayo sa di kalayuan dito. Sobrang gulat na gulat ako. Natuliro ako ng hindi ko mawari. Agad kong hinila ang Anak ko papasok sa loob ng bahay at sinara agad ang pinto.
"Bakit po Mama?" takang tanong ni Rale. Nakatingin pa silang dalawa ng Bata sa akin.
Hindi ko alam ang ire-react ko. Natutuliro ako at gusto ko na lang na magtago dito. Ayokong malaman niya na may Anak na kami. Pero paano ko itatanggi na hindi niya Ito anak. Paano kong gagawa siya ng DNA test sa Anak ko. Paano kong kukunin nito ang Anak ko kapag nalaman nitong Anak nga niya Ito. Gusto kong umiyak pero ayoko naman na mag-alala ang dalawang bata sakin.
Nagpalakad lakad ako sa harapan nilang dalawa. Hindi mapakali at hindi alam ang gagawin. Hindi ko na pinansin ang dalawa na nalilito na sakin. Ako din naman nalilito kung ano ang dapat kung gawin. Kung ano ang dapat kung sabihin. Gusto kong sumigaw sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sisihin si Noven sa nangyayaring Ito eh.
Kamalas malas pa dahil wala ito dito. Isang linggo na at hindi ko alam saang lungga siya nagpunta. Boyset silang magkaibigan! Padyak ko pa.
"Mama!" sabay pa na sambit ng dalawang Bata. Nagulat naman ako.
"Magbihis kana Anak. You baby Lea, you seat here. Stay here you two okay? Lalabas lang ako. No to go out and no to gossiping and hearing outside." bahala na sa english ko. "Just stay here. I'm anger kapag no listening to me. Okay?" sabi ko pa. Tumango naman ang dalawang bata.
"Where you going Mama?" tanong ng bata ng makitang palabas na ako.
"Outside. That's why I say stay here! Don't move just seat. Magbihis kana Rale. Go na!" sabi ko pa.
"Opo, Mama." Tumalima na din Ito.
Bumuntong hininga na muna ako bago ko binuksan ang pinto. Nagulat pa ako ng nasa harapan ng pinto ang gagong lalaking Ito. Hindi ako dapat magpapasindak. Hindi dapat ako maging marupok saknya. Kahit pa may pagmamahal parin naman ako pero hindi na pwedeng maging kami. Ayokong maging kabet niya. Gago siya!
"Kukunin mo na ba si Lea? Bakit ang tagal mo ginawa mo pa akong Yaya ng Anak mo!" sabi ko agad para maalis ang kaba na nararamdaman ko.
"Tell me Yanna, A-anak mo ba ang batang si Rale? Is he my s-son?" parang hirap pa itong bigkasin ang son. Dahil ba may Anak na siya at ayaw niyang may Anak pa siya sa iba.
"Hindi! Kaya kunin mo na ang anak mo dito at wag na wag mo na akong guguluhin pa. Tahimik na ang buhay ko kaya hayaan mo na ako." sagot ko. Pero yung kalooban ko nasasaktan ako.
"Sabi ni Rale ikaw ang Ina nito. At 8years old na siya. I know how to count Yanna. Pwede kaming magpa-dna test para makasiguro na tama ang hinala ko." seryoso nitong sabi sakin. Nag-init na naman ang ulo ko sa sinabi nito.
"Ano naman sayo Radeon kung anak ko nga siya? May pakialam ka ba? Wala kana dapat pakialam pa sakin dahil may asawa't anak kana. Hayaan mo na lang kaming dalawa ng Anak ko na tahimik ng nabubuhay dito. Hindi naman kita ginugulo diba! Hindi ko naman ipinaako ang anak ko sayo dahil may asawa't anak kana. Kaya dapat wag ka ng umeksina pa sa buhay namin ng Anak ko. May sarili ka ng pamilya kaya layuan mo kami ng anak ko." galit kong sambit sa bawat kataga saknya. Alam kong naghahanap na ng papa ang Anak ko. Pero ayaw naman niya kay Noven at ang gagong lalaking Ito ang gusto niya.
"May karapatan parin ako dahil ako ang Ama niya. Dapat sinabi mo sakin na may Anak na tayo. Hindi yung itinago mo siya sakin. Ipinagkait mo sa bata at sakin na makilala namin ang isa't Isa. Di sana hindi ako nagpakasal sa iba at---" inis ko siyang sinampal sa mukha sabay hampas ko siya sa braso.
"Ang kapal mo! Ang kapal ng pagmumukha mong sabihin yan sakin! Samantalang ikaw naman ang nagloko. Ikaw naman ang ng Iwan sakin. Ikaw naman ang hindi tumupad sa pangako. Ikaw din ang sumira sa relasyon natin. Ikaw naman ang hindi na pumansin sakin at ikaw naman ang lumayo ng loob sakin. Ikaw iyon Radeon hindi ako. Ikaw!" galit ko ng sigaw saknya. Wala na akong pakialam pa kung marinig kami ng Anak ko.
"Alam mo naman na lahat tiniis ko. Triple ang pang-unawa ko at pasensiya ko sayo. Lahat tinanggap ko lalo na ang pambababae mo sa ibang bansa dahil Mahal kita! Nagpakamartir ako dahil pinanghahawakan ko lahat ang mga pangako mo. Ilang beses na kitang pinatawad pero ako parin ang mali sa lahat ng kasalanan na ginawa mo sakin. Ikaw ang napagod sa kagagawan mo hindi ako. Ikaw ang hindi tumupad sa pangako natin sa isa't Isa. Hindi ako. Hinayaan kitang mag-enjoy sa ibang bansa. Kahit pa ang kapalit sakin ay sakit ng kalooban. Hindi mo alam kong gaano ako durog na durog. H-hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko ng dahil sayo!" lumuluha na ako dahil hindi ko na kayang pigilin pa ang emosyon ko. Bumalik kasi ulit ang lahat ng sakit na naipon sa dibdib ko. At sa wakas nasabi ko na din ang mga ito saknya.
"I-i'm sorry... give me another chance to prove na nagsisi ako sa nagawa ko. Prove that i've change now na I realise na ikaw parin talaga ang Mahal ko. Give me one more chance para ipakitang totoo na lahat ang ipinapakita ko sayo. I'm willing to change para sayo at sa Anak natin. Patawarin mo sana ako. I'm begging you." pagmamakaawa nito sakin. Umiling ako. Hindi kasi gan'on yun kadali na basta ko na lang siya tanggapin ulit. Pagod na akong magtiwala pa sa kaniya.
"Kunin mo na dito ang Anak mo. Ipaunawa mong hindi ako ang Mama niya. Hindi ko siya Anak. Para ako ang tawagin niyang Mama dahil may Anak naman na ako."
Tumalikod na ako pero napatigil ako dahil hindi ko naman pala naisara ang pinto. Nandito lang pala kami sa may pintuan nag-uusap at malamang sa malamang na narinig lahat ni Rale, ang sinabi ko sa ama nito. Umiiyak na silang dalawa ng batang si Lea.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ang dapat kung gawin. Nalilito at natutuliro na naman ako. Hindi ako pwedeng maging malambot sa lalaking Ito. Hindi kasi gan'on yun kadali. Nandito parin kasi sa puso ko ang sakit na ginawa nito. Hirap akong makalimot lalo na't minahal ko siya ng sobra.
"Mama." sabay na naman nilang tawag sakin.
"Mama, you don't like my Didi po?" malungkot na tanong ni baby Lea.
"Totoong Papa ko po siya Mama?" tanong din ni Rale. Mukhang masaya pa nitong tanong sakin.
Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa dalawang bata na 'to. Ayoko silang masaktan pareho at hindi ko alam kong ano ang dapat kung gawin. Gulong gulo ako wala na lang akong ibang maisip kundi itago ang Anak ko. Pero paano andito na ang gagong lalaking ito.
Magdedeny ba ako? Sasabihin kong hindi niya ama ang gagong 'to? At sasabihin ko din kay baby Lea na ayoko sa ama nito. Na hindi ko ito gusto. Dalawang Bata ang masasaktan ko. Di baling ako na lang ang masaktan wag lang ang dalawang inosenteng mga Bata.
Sobrang nagrerebelde na naman ang kalooban ko dahil sa inis at galit saknya. Napakagago niya para sabihin na dapat sinabi ko na may Anak na kami. Mediyo may point naman siya sa part na iyon pero may dahilan din naman ako kung bakit hindi ko sinabi saknya. Kung sana tumupad siya sa pangako niya.
God! Ano na ang dapat kung gawin ngayon? Napaluha na lang ako. Pero pinunasan ko din agad. Nagulat pa ako ng yakapin ako ng dalawang Bata.